CHAPTER 19 Dahil sa tagal kong tumira sa Manila, nasanay ako sa ingay, gulo at daming puwedeng pagkaabalahan lalo na kapag ganitong lumalalim na ang gaabi. Malayong-malayo sa ganap dito sa probinsiya na tahimik na tahimik. Ang tanging naririnig lamang ay ang kokak ng mga palaka sa bukid at manaka-nakang huni ng mga kuliglig. Ingay na hindi ko kinasanayan na pumupunit sa katahimikan ng gabi. Hanggang sa nagulat kami ni Lucas nang biglang may kumakatok sa pintuan. Hindi lang ako ang nakarinig kundi kaming dalawa. Kaya alam kong hindi iyon katok ng kaluluwa. “Ako na lang ang magbubukas,” sabi ko. Mula sa kusina, dumaan pa ako sa sala hanggang sa narating ko ang pintuang hindi ko maalala kung isinara ba namin o kusa na namang nagsara. Nang nasa pintuan na ako ay naramdaman kong parang may