SA BALON

2189 Words

CHAPTER 21 “Mas pinaniniwalaan ko ang pangalawa mong version,” saad niya na ikinabigla ko. “Akala ko ba hindi ka naniniwala sa multo o sa mga kababalaghan, paanong iyon ang pinaniniwalaan mo at hindi yung nauna?” “Ewan ko, basta alam kong may mas malalim na dahilan kung bakit lahat kayo, umalis sa lumang bahay na ito. Pero kapani-paniwala rin naman yung unang version kasi totoo namang nadestino ang Papa mo sa Manila.” Huminga ako nang malalim. Nang muli kong hugutin ang pakete ng sigarilyo sa bulsa ko ay tinignan niya ako ng hindi maganda. Muli kong ibinalik sa bulsa ko ang sigarilyo at hindi na nagsindi pa. Gusto ko rin namang iwasan na ang masyadong paninigarilyo kaya nakatulong ang masamang tingin na iyon ni Lucas sa akin. “Kumusta pala ang tito mo?” bigla niyang tanong sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD