CHAPTER 12 Sandali kong pinuno ng hangin ang aking baga bago ko inihakbang ang aking mga paa. Habang palapit ako nang palapit sa lumang bahay lumalakas ang hindi ko maintindihan kung anong enerhiya na pilit sumasanib sa akin. Hindi na lang ako nag-isip pa ng kahit anong negatibo. Wala rin lang naman akong pamimilian pa. Wala nang naghihintay pang magandang buhay sa akin sa Manila. Pati ang lalaking pinakamamahal ko, hindi ko rin naman mababalikan hangga’t hindi ko napatutunayan sa kanya na kaya kong baguhin ang buhay ko. Sa kagaya kong nawalan ng trabaho dahil sa madalas na pagliban at pagpasok ko na lango sa alak nang nalulong ako dahil sa pagrerebelde ko kay Elijah na sinamahan pa ng pagkagumon ko sa sugal para lang mawili ay wala nang karapatan pang mag-inarte. Sa rurok ng aking pagwa