Dylan Hindi magkandatuto sa gagawin ang mga magulang at mga kapatid ni Sam nang sila ay dumating dito sa hospital. Sobrang dami nilang dalang pasalubong mula sa U.K. Foods, chocolates, clothes and other things na hindi pa naman gaanong kailangan ni Sam 'cause she still needs to rest and eat more nutritious food. Dalawang linggo na ang nakalipas at ngayon ay maaari na siyang lumabas. But she still had to undergo therapies such as walking. Her knees are still weak so I always massage them. Kailangan pa rin niya ng alalay sa paglalakad at kumain ng mga pagkaing mayayaman sa bitamina. "Ahm, Dylan." "Yes, Tita." Napalingon ako kay tita Thelma mula sa pagtutupi ko ng ilang mga damit ni Sam na pinaghubaran dahil ngayon ay inihahanda na siya para sa paglabas ng hospital. "Can you leave us f