Dylan After a week, finally! "Just take care of my daughter Sam, Dylan. Kapag nalaman kong may nangyari na namang hindi maganda sa kanya, I won't hesitate to bring her back to the UK. And you'll never see her again," mahigpit na habilin sa akin ni tita Thelma. There was an authority in her voice and in the way she looked at me. Kasalukuyan na kami ngayong naririto sa labas ng condo building at naghahanda na sila para sa pag-alis. Ngayon na ang araw nang pagbalik nila sa ibang bansa. "Makakaasa po kayo, tita. Huwag po kayong mag-aalala, hinding-hindi ko po siya pababayaan." Yumuko ako sa kanilang harapan bilang paggalang. Si tito Samuel naman ay maaliwalas ang mukha habang nakatitig sa akin. "You should. Goodbye, honey. Be careful here and don't ever forget what we talked about. You p