Chapter 3

3509 Words
  Chapter 3       Susungkitin mga bituin, para lang makahiling, puso mo at damdamin, sana’y maging akin Kung pwede lang, kung kaya lang, gawing langit ang mundo Ang lahat ng ito’y, gagawin para sa’yo...     Kilig na kilig si Alex habang nakadungaw sa bintana. Hinaharana siya ni Marco Santiago Elizares. Lahat ng kapitbahay ay nakikiusyoso at parang inggit na inggit pa sa kanya. May dala pang bulaklak ang binata at gitara. Hindi niya akalain na magaling pala itong kumanta at maggitara. “Hi bebe. Pambawi ko ito for these past few days I was so busy.” sabi nito sa kanya nang lumabas na siya at lumapit na rito. “Talaga! Nagtatampo na kasi ako sa’yo. Noon kay Zoe, sweet na sweet ka. ‘Di naman ako papayag na sa’kin ay hindi.” Alex crossed her arms on her chest but Santiago cuddled her. “Talagang nag-compare ka pa naman. I’ll just kiss you.” Anito tapos ay pinapak na siya ng halik sa pisngi.   “Alexandria! Hoy, bangon na!” Nagmulat ng mga mata si Alex at mukha ng galit niyang Mama ang bumungad sa kanya. Kahit malabo ang paningin ay kilalang-kilala niya ang mukha ng nanay niya kahit na ang anino pa nito. “M-Ma? S-Si Santiago?” wala sa sariling tanong niya tapos luminga siya sa paligid para hanapin ang binata pero bakit nasa loob siya ng kanyang kwarto? Kumunot ang noo ng Mama niya. “Hoy, ‘wag mo nga akong tinatakot sa multo. Bumangon ka na riyan at mahuhuli ka na sa contract signing mo.” Anito sabay palo sa pwit niya. Contract signing? Muntik na siyang matawa sa Mqma niya. Sosyal! Parang celebrity ang dating na magre-renew ng kontrata sa Star Magic. Hinampas siya nito nang malakas sa hita para tuluyan na siyang magising, magising sa katotohanan na panaginip lang ang lahat at walang Santiago na humahalik sa kanya. Letse! “Panaginip lang pala.” parang gusto niyang manghinayang. “Ganoon pala talaga siya kagwapo kapag tinitigan sa malapitan.” bulong niya sa hangin habang yakap ang unan. Nilingon siya ng Mama niya na nasa may pinto na. “Anong binubulong mo riyan?” Kaagad na nagising ang diwa ng dalaga sa walang kasing sungit na tono ng kanyang ina. “Ha? W-wala Ma.” she smiled. Lumabas si Marsha pero umirap pa. Niyakap naman niya ang unan at hinalik-halikan. Kahapon lang ay inis na inis pa siya kay Santiago dahil ang akala niya ay malas iyon sa buhay niya, ‘yon naman pala ay may dahilan kung bakit sila nagkakilala. At swerte pala iyon sa kanya. Ang laki na ng pasasalamat niya at binabawi na niya ang lahat ng hindi maganda na sinabi niya tungkol doon.     Malalaki ang hakbang ni Alex papunta sa elevator ng building matapos niyang makalagpas sa dalawang gwardiya sa main entrance. Balak na nga lang sana niyang gumamit ng hagdan dahil hindi siya sumasakay sa elevator, dahil nahihilo siya pero wala siyang choice. 78th floor ang aakyatin niya at malamang hindi lang lawit ang dila niya kung marating niya iyon gamit ang hagdan, malamang pati matris niya lawit na rin kapag nagkataon. Para siyang uminom ng tatlong bote ng lambanog nang makalabas sa elevator. Para siyang lasing na susuray-suray kaya sumandal pa siya sandali sa pader para matanggal ang pagkalula. Kahit na nga pinagtitinginan siya ng mga tao roon ay wala siyang pakialam. Isip niya na baka nagagandahan lang ang mga iyon sa suot niyang maong na jumper short. Hindi naman siya ni-require ni Santiago na magsuot ng pormal at kahit ano raw na damit basta konportable siya ay pwede siyang pumirma ng kontrata. When Alex felt better, she roamed her eyes in the entire area. Susko day! Gwardiya na naman. Ganoon ba talaga kayaman  ang mga Elizares na sa bawat sulok na yata ng building ay may gwardya? Naroon na parang nagpapacute pa siya dahil baka sakaling hindi na siya patagalin pa ng mga iyon. Late na late na siya kung tutuusin kaya mas nilakihan niya pa ang mga paghakbang. “Good morning po, mga kuya.” bati niya sa mga iyon. “Good morning din magandang ate.” sabi ng isa. “May appointment ka?” Sunud-sunod ang naging pagtango niya. “Opo, meron. Kay Mr. Elizares po.” Nagkatinginan ang dalawa. Hindi niya mahulaan kung anong tumatakbo sa utak ng mga ito pero parang hindi naniniwala sa kanya ang mga lalaki. “May I.D ho ba kayo, Ma’am?” the other one asked her. Wala sa oras na napakamot siya sa ulo. “Eh kuya naiwan ko po. Hindi ko po nailagay sa bag.” nahihiya man na sabihin ay sinabi na rin niya. Kung anong katangahan naman kasi niya para hindi asikasuhin ang mga gamit na dapat ay dadalhin niya? Nagpantasiya pa siya sa bago niyang amo tapos I.D ay hindi pumasok sa kukote niya. “Naku Ma’am, pasensiya na ho kayo. Hindi namin kayo mapapatuloy.” “Eh kuya, di naman po ako hinanapan ng I.D sa baba.” giit niya. “Hindi ho kasi ganun kahigpit ang security sa lobby kasi ho mas priority nila kung safe sa illegal weapons ang papasok. Kami ho ang humihingi ng I.D bago pumasok sa mga departments ang mga kliyente at bisita. And since sa CEO ho ang sabi niyo na appointment niyo, mas mahigpit ho ang security dito.” paliwanag ni manong sa kanya. “Ganoon po ba kuya? Sige ho babalik—” naputol ang iba pa niyang sasabihin nang bumukas ang pinto ng office ng Conference room, at naagaw no’n ang paningin niya. Kahit malabo ang mata ay kilala niya si Santiago. “Mr. Marco Santiago Elizares! Yohoo!” sigaw niya sa binata sabay kaway pa at ngiti nang malaki saka maganda. Nagtinginan tuloy sa kanya ang mga tao roon kaya mabilis niyang natakpan ang bibig gamit  ang palad niya. Nakakahiya. Mabuti na lang at naisalba siya ng binata. Lumapit iyon sa kanya at iniwan ang mga kausap. “Hell’s sake, you’re forty five minutes late.” sabi nito matapos sumulyap sa wristwatch at nagbubungguan ang mga kilay, pero bakit  ang gwapo nito lalo ngayon sa paningin niya? Crush na niya itong talaga. Pwede na  niya itong ma-crush-an dahil wala na siya sa ilalim ng kulimlim ni Zoe. Napakabait ni Santiago sa kanya na kahit ang dami niyang sinabi na hindi magaganda ay hindi pa rin siya nito pinakikitaan ng kagaspangan ng ugali. It’s not so typical for a CEO to treat her like she’s a friend and not just an ordinary employee. “Mr. Marco Santiago Elizares, twenty minutes ako roon sa lobby sa station ng mga guards. Nagpahinga pa ako pagkalabas ko ng elevator mo kasi hilong-hilo ako, five minutes. Ngayon ten minutes na ako dito sa guards mo, so late lang ako ng....” nagbilang siya sa daliri bago nagsalita ulit. “Ten minutes. Ang hirap pala ditong makapasok sa office mo. Kulang nalang iwan ko ‘yong ulo ko sa gwardya kapalit ng I.D.” “Wala ho kasi siyang I.D, Boss Santi.” paliwanag naman ng gwardiya na hindi halatang defensive. Tiningnan siya ng binata sa mukha at nameywang pa. “Para kang sundalo na sasabak sa giyera, may baril nga wala naman bala. Get in.” utos ni ng binata sa kanya. Ewan niya kung bakit parang nako-conscious siya. Napansin niya na habang nagsasalita siya kanina ay tinitingnan nito ang kabuuan niya. Marahan siyang humakbang papasok pero napatigil pa rin nang may lumapit diro na isang lalaki. “Pinsan, ganda ng bisita mo ah.” sabi ng lalaki na hindi niya kilala. Nakasuot din iyon ng business suit at nakapamulsa. Gwapo iyon at medyo kahawig din ni Santiago pero malayo pa rin sa kagwapuhan ng huli. “Yeah. My new cockroach killer.” nangingiti na sabi ni Santiago. Huh? “Anong tingin mo sakin, Baygon?” nakanguso na protesta naman niya na ikinatawa parehas ng dalawa. “Excuse us, JC.” sabi ni Santiago sa lalaking kausap. “Sure insan.” anang lalaki na ngumiti pa sa kanya kaya ngumiti rin siya.       Santi couldn’t believe his eyes. Nagagandahan siya sa dalaga sa hindi niya malaman na dahilan. Well, maganda naman talaga at tipong lilingunin ng kalalakihan si Alex. She’s beautiful in the simplest way. Cute na cute itong tingnan sa jumper short at retro shoes na suot. Her straight brown hair just below her shoulders and her side fringe made her look like a child. Habang libang na libang ito sa pagtitig sa mga naglalakihan niyang portraits na siya siya mismo ang kumuha at ipinag-display sa loob ng office, ay nagkaroon rin naman siya ng oras na pagmasdan ang kabuaan nito; a thing he never got the chance to do when they’re still in Puerto Princesa. It was all because of Zoe, but the moment he laid eyes on her, there’s something in this young lady which couldn’t easily be forgotten. It’s her beauty despite her simplicity. Kaya malamang ganoon ang selos ng girlfriend niya dahil alam no’n ang mga tipo ng babaeng seseryosohin niya. Hindi siya mahilig sa mga babaeng sumisigaw ang ganda dahil sa make up o ganda ng mga damit. Mas gusto niya iyong maganda sa natural na aspeto kahit pulbo lang meron at kaunting lip gloss.     “I don’t know what’s wrong with you, Zoe! You don’t have the right to that to her or anybody.” Naalala niya ang mga salitang iyon na binitiwan niya kay Zoe matapos no’ng saktan si Alexandria. “I have the right! She’s seducing you at akala mo hindi ko ‘yon napapansin? I’m not blind, Santi.” iyak ng babae. “And if I know, surely she’s one of those dirty women you’ve bedded!”  she yelled at his face. Tiim-bagang siya para kontrolin ang sarili. “The hell with you and your dirty mind, Zoe! You’re such a brat. You always think that I am cheating on you. At sa tingin mo hindi mo naaapakan ang p*********i ko?” inis na naitikom niya ang labi. “Yeah! Go ahead! Isisi mo sa akin ang kasalanan ng babaeng iyon!” Zoe cried helplessy. Para itong aping-api ay alam naman ng lahat na ito ang nag-umpisang manakit. He sarcastically smirked. “Kasalanan? I don’t see any stupid reason she made for you to hurt and treat her that way. Sisihin mo ‘yang sarili mo dahil sadyang marumi lang ang utak mo.” umiling siya sa sobrang pagkadismaya. “Walang hiya ka!” she exclaimed and slapped his face. His jaws clenched but shut his eyes. “Sige! Ipagtanggol mo pa ang hampaslupa na ‘yon! Both of you go to hell!” Namula ang mukha niya sa pagtitimpi ng  galit. Tiningnan niya ang girlfriend at wala siyang anumang maramdaman. “You know what? I’m sick and tired, trying my best to understand you. You don’t respect other people and if it wasn’t only because of Tito, I had left you long time ago. Sawang-sawa na ako na pati imahe ko nasisira sa pagtatakip sa mga kasalanan mo! “ he exclaimed, too. “ Hell you! “ Zoe shouted at his face ang started hammering his chest again. Pabalya niyang hinawakan ang braso nito saka niya itinulak sa kama.  Tinalikuran niya ang babae. Pagod na rin siguro talaga siya. For two years, he managed to forget all his naughtiness, ang babae at alak dahil kay Zoe, but he was wrong. She’s a real devil despite her angelic face. Noong una, akala niya ay kaunti lang ang pagka maldita nito, but after a year the angel turned out to become a monster. At nakakainis dahil hindi niya ito mapahindian dahil sa ninong nito ang ama niya. Santi considered everything and pretended he was blind; blind to all her disgracefulness and bad attitude. But now, he can’t stand it anymore. Sapat na ang pagbintangan siya nito ng kung ano-ano. Oo, alam niya na playboy siya dati pero nagbago na siya dahil sa laki ng respeto niya sa kinakapatid, pero puno na siya at kailangan na niyang bigyan ng leksyon si Zoe. Matagal na niyang balak na makipaghiwalay pero hindi niya magawa. At ngayon ay nakasilip na siya ng pagkakataon, hindi na siya magpapaka-gago pa.     “Mr. Elizares?” tila nako-conscious na untag ni Alex sa nakatulalang binata. Habang busy pala siya sa pagtingin sa magagandang portraits ay busy rin naman ang mga mata nito sa pagsusuri sa kabuuan niya. Baka nga ni kaliit-liitang lisa niya ay nakita na rin nito at napangalanan, sa sobrang pagkatutok ng mga mata sa kanya. “Yep?” he blinked right away. “Okay, let’s start.” kampante pa ring sabi nito na kumurap-kurap lang tapos ay inilahad sa kanya ang silya sa harap ng mesa nito. Ibang klase. Naupo na siya bago pa siya matunaw nang tuluyan. “Mr. Marco Santiago Elizares,” sabi niya na ikinasalubong ng mga kilay nito. “Kanina ka pa Mr. Elizares nang Mr. Elizares. Binubuo mo pa ang pangalan ko. Alam mo bang Mommy ko lang ang tumatawag sa’kin ng ganyan? And whenever she calls me that way, I know how terribly mad she is. So please, stop addressing me that way.” parang naiinis na sabi nito sa kanya habang chini-check yata ang file niya sa computer. “Eh di Sir nalang po. Sir Santiago Elizares.” she said then giggled. Sinipat siya nito ng pailalim na tingin. “One more and I’ll cancel my offer.” anito na tinatakot siya. Umismid ang dalaga at bumulong sa sarili bago ulit nagsalita. “Sabi ko nga ho, sir na nga lang po. “ she pressed her lips when he shook his head. “Why do you look so pretty in person compared to this photo attached in your résumé?” biglang tanong nito sa kanya na talaga namang ikinaubo niya. “Grabe ka naman ho sir makalait. Para namang sinabi niyo na mukha akong homosapiens diyan at ngayon lang ako nagmukang tao dahil sa evolution.” sabi na lang niya para matakpan ang pag-blush dahil sa compliment nito. Maganda raw siya. Santi laughed humorously. “Eh ano nga ho bang trabaho ang ibibigay niyo sakin?” curious na tanong niya. “Kahit ano na lang.” tila walang pakialam na sagot nito kaya halos mapatanga siya. Maglulustay ito ng pera para sa walang katuturan na trabaho niya? Aba, ang yaman talaga. “Sign this.” sabi nito saka ibinigay ang S-pen sa kanya. Ihinarap nito sa kanya ang laptop paraabasa niya ang kontrata roon. She just glanced at the monitor and signed without even reading it. “Hindi ko na ho binasa. Ano po bang nakasulat diyan?” tanong niya tapos ay ibinalik rito ang stylus. Santiago shrugs as he turns his gadget to face him. “Nothing important. It just states in here that from now on, you are my wife.” tila balewalang sagot nito. Nanlaki ang mga mata ni Alex at nawala ang pamumupo sa binata. “Umayos ka. Baka hindi ka pa nakakatikim ng black eye sa buhay mo, Mr. Elizares. “ she exclaimed. He glanced at her, suppressing his laughter. “And it also says that tomorrow, I’ll be a battered husband.” nangingiti pang dugtong nito. “Patingin nga!” she stood up and grabbed the laptop as she faced it to her. Naningkit na ang mga mata niya sa pagsipat sa mga letra para basahin ang policy na iyon.  Tuluyan ng natawa si Santiago kaya napasimangot siya. “I was just kidding. Masyado ka naman seryoso, Miss Alexandria Faith de Guzman.” Hindi man niya alam ang purpose nito sa pagbanggit ng kumpleto niyang pangalan ay parang kinilig siya. Hindi niya akalain na ganoon ka-cool ang lalaki na sa unang tingin ay mukhang walang ibang alam kundi magseryoso sa buhay. Mukha nga itong judge noong una niyang makita sa Puerto Princesa, but when he smiled, her heart melted! Wala na yatang mas gu-gwapo pa rito sa tuwing ngumingiti. “Let’s go.” Anang binata na tumayo kaya agad naman na napakurap si Alex. “Saan ho tayo pupunta?” tanong niya na tumayo na rin. Lumapit ito sa kanya at tumayo sa mismong harapan niya, inches away from her. Ewan naman niya kung bakit parang nawalan ng lakas ang mga tuhod niya lalo nang titigan siya nito sa mata. “First, cool na ‘yong sir na lang at wala ng ho at opo. I like the way how you talk to me. If you don’t know mas nae-enjoy ko ‘yong walang formalities. Don’t even think that I’m your boss, besides hindi ko naman talaga alam kung anong pwede kong itawag sa trabaho na ibinigay ko sa’yo. I just want you to have your job back because I know how much you wanted and needed it. If you’ll call it as repayment, I don’t know. It’s up to you. I’m not your boss.” seryosong pahayag nito sa kanya. She gulped. Titig na titig siya sa mukha ni Santi habang nagsasalita ito. Pakiramdam nga niya, hindi na rin siya humihinga, ni hindi rin kumukurap. Bigla tuloy naalala ni Alex ‘yong panaginip niya kanina na hinalikan daw siya sa pisngi ni Santiago, not once not twice not thrice, maraming ulit. “Hey.” pukaw nito sa kanya. “H-Ha?” wala sa sarili na sagot niya tapos ay sunud-sunod ang pagkurap niya at pilit na tinaggal ang mga mata sa mukha ng kaharap. Nangawit na yata ang leeg niya sa pagtingala rito. “Hmmp! Ang dami mo naman sinabi, nangawit na tuloy ang leeg ko sa pagkaka-tingala sa’yo. Tangkad tangkad mo. Gora na nga!” she walked away to hide her face from him. Aba ‘di niya pwedeng makita ang blush ko.Sabihin pa niya crush ko siya pero totoo naman. When she’s at the door, she looked back. There he stood still, staring at her and watches every move that she makes. “Hoy!” sabi niya roon sabay senyas ng ‘tara na’. “‘Wag mo na akong tingnan nang tingnan mamaya magka-crush kana sa’kin niyan.” biro na lang niya. Biglang natawa ang binata at naiiling na mabilis kumilos palapit sa kanya. “You’re such a witch, young lass.” he said grinning.     Nagpatiuna na si Alex patungo sa elevator. Hay naku elevator na naman. Kahit na ba sabihin  na para naman siyang tanga dahil hindi siya sanay na sumakay sa umaandar na kwarto na iyon eh ano naman?  Talagang nahihilo siya ay ano bang pakialam ng mga tao? “Hey!” it was Santi calling her. Pinili niyang magpatiuna dahil ayaw niya na sumabay dito. Hindi niya alam kung bakit pero noong una naman ay komportable naman siyang kaharap ang binata pero ngayon ay parang napapaso yata siya kapag tinitingnan siya nito. “What?” Alex looked back. “This way young lady.” sabi nito sabay turo sa isang elevator na may nakalagay sa itaas na VIP. Napakamot na lang siya ng ulo at napilitan na bumalik. “Sus naman. Ano bang pagkakaiba ng elevator na ‘yan sa elevator na ‘yon?” “This is elevator is exclusive only for my use.” “Chos! Arte mo naman parehas lang naman ‘yan o  ayaw mo na may makasabay ka sa elevator na mabantot kaya may private elevator ka pa. O baka ayaw mo ‘yon amoy kilikili.” sabi niya. Nangingiti itong umiling. “Hindi ako ganyan pinalaki ng nanay ko.” he defensively said . Nang bumukas ang pintuan ay naramdaman niya na parang hinawakan siya nito sa siko o baka imahinasyon na lqng niya ‘yon? Naramdaman na naman ni Alex ang bahagyang pag-uga ang elevator kaya mabilis niyang kinuha ang braso ni Santi. She braced it tight, forgetting that he’s her boss. “You’re so nervous.” he chuckled. “Eh kasi, hindi ako sumasakay sa elevator. Nalulula ako.” amin niya. “Kaya pala halos matanggal na ang braso ko sa pagkakahawak mo.” biro pa nito sa kanya pero umirap siya. “Tse!” she sneered but he just chuckled, pocketing his hands and fixing his stance. Funny how she could talk to him that way. Ngayon pa lang naman sila nagkakakilala at hindi naman sila close pero magaan talaga ang loob niya rito. Nasira lang iyon ay nang mag-away sila ni Zoe. Siguro dahil mabait din ito at hindi boss ang tingin sa sarili kaya parang napaka-friendly.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD