Chapter 2
MATAPOS na mapag-isip-isip ni Alex na tama ang Mama niya ay buo na ang kumpiyansa niya ngayon. Kung kailangan niyang baliktarin ang mundo makakuha lamang ng trabaho ay gagawin niya. Narealize niya na hindi niya pwedeng sukuan ang lahat lalo pa at matanda na ang kanyang Mama at medyo kailangan na rin ng medikasyon.
Naduduling na siya habang nakaupo at sapo ang noo sa pagtingin sa diyaryo dahil paghahanap ng pwedeng pag-aplayan ng trabaho, nang mahagip ng mga mata niya ang ‘Esperanza de Linarez Hotel’, is in urgent need of receptionists. Applicants must be 21-28 years old, preferably at least 2 years in college.
“Ayos!” napangisi siya at naipitik ang mga daliri sa ere. Pasado siya, 23 siya at naka dalawang taon naman siya sa college, kaya lang bigla siyang natigilan nang makita na matagal na pala ang post na iyon. Dalawang araw na ang lumipas simula ng isulat sa diyaryo.
Kailangan niyang subukan. Wala namang mawawala kung pupunta siya at magbabakasali.
…
“Anak gatas!” pahabol na sigaw ni Aling Marsha sa anak na si Alex habang tumatakbo siya papalayo.
She needs to hurry. She can’t be late. Ngayon ay pupunta siya sa hotel na ‘yon na nakita niya sa dyaryo at titingnan kung hiring pa.
“Hindi na Ma, baka mahuli ako sa pagpasa ng résumé!” sigaw rin niya habang patuloy sa pagtakbo.
Kung bakit ba naman kasi napuyat pa siya sa paghahanap sa newspaper ng pwedeng pag-pag-aplly-an? Tinanghali tuloy siya ng gising. Iisang hotel lang pala ang pupwedehan na mapasahan niya. Salamat naman kasi hindi mahigpit ang qualifications. Mabait ang CEO ng hotel malamang malamang.
Thank you Mr. CEO! I love you!
Walang na siyang pera na pang-taxi kaya naglakad na lamang siya pagkababa ng jeep. Wala ‘yong problema sa kanya dahil sanay siya sa ganoon. Malapit lang naman ang hotel na iyon sa may terminal na binabaan niya kaya kayang - kaya na niyang lakarin iyon at nakakangiti pa nga siya. Huwag lang bumigay ang suot niyang sapatos kung hindi ay patay na. Uuwi siya malamang na medyas lang ang suot at paltos ang paa.
Kumportableng naglalakad ang dalaga sa gilid ng kalsada suot ang maong na short at puting blouse. Magpapasa lang naman siya ng résumé kaya naisip niya na walang masama sa suot niya. Sa interview proper na lang siya magsusuot ng casual.
Magtatakong siya kung kinakailangan kahit five inches’ pa.
Nagte-text siya sa pinsan niya at ibinabalita roon ang tungkol sa kanyang bagong trabaho na susubukang pasukan nang bigla niyang mapansin sa sulok ng mga mata niya ang humaharurot na puting sasakyan, habang nagngangalit ang busina na papalapit sa kinatatayuan niya.
Agad na nag-panic si Alex. Diyos ko! Usal niya saka natutop ang dibdib.
Mabilis na gumana ang isip niya dahil kung hindi ay tiyak na masasagi siya ng sasakyan o mas malala ay mabangga siya at mamatay, kaya mas pinili niya na mag-dive sa halaman ng mga santan kaysa masagasaan.
“Mama ko!” tili niya sabay talon sa halamanan na nasa gilid ng kalsada.
Kaagad siyang tumingin sa gawi ng mamahaling kotse na ‘yon na ngayon ay nakalagpas na sa kanya at muntik ng sumira sa maganda niyang mukha.
Kumukulo ang dugo ng dalaga sa inis at mangiyak-ngiyak siya sa takot. “Walang hiya! Impakto! Dyablo! Bwisit ka! B and bumalik ka rito!” bulyaw niya sa sasakyan na papalayo habang inaayos ang sarili nang makatayo na siya.
Pagpag dito, pagpag roon ang ginawa niya at may mga galos na rin ang mapuputi niyang hita. Naroon na may gasgas na rin siya sa braso dahil sa matatalim na sanga ng halamang Santan na sa pagkakatanda niya ay mukang nakatanim na roon bago pa siya maging tao.
Nang dumako ang mga mata niya sa sasakyang akala niya ay wala na, nakita niyang tumigil iyon sa may gilid ng kalsada. Nagmamadali niyang sinugod ang sasakyan habang nakatikom ang kanyang mga kamao.
Gigil na gigil siya at naninigas ang mga panga.
“Bwisit ka!” sinipa niya ang gulong ng sasakyan. “Nag-aral ka ba mag-drive?!”
Wala pa siyang nakikitang bumaba. Oras na bumaba ang walang hiya ay tatamaan sa kanya sigurado.
“Labas! Lumabas ka, impakto ka! Tatamaan ka ng lintik! Makikita mo!” galit na asik niya sa kung sinong impakto sa loob no’n.
She’s fuming mad but what she had in mind suddenly flew away when the driver hopped out of his car.
Sapatos ang una niyang nakita kaya agad siyang napalunok dahil nanginginang iyon sa pagkaitim.
Sunod niyang natingnan ay ang mukha ng driver na nakababa na nang tuluyan at laking nganga niya na sa damir-rami ng tao sa mundo ay bakit ang lalaking ito pa?
Si Marco Santiago Elizares. Tili ng utak niya.
Makailang beses na kumurap si Alex at bumagal yata ng ikot ng mundo.
Gusto na sana niyang tumiklop pero nang maalala niya ang ginawa ng nobya nito sa kanya ay naunahan na siya ng galit, idagdag pa ang kasalanan nito ngayon sa kanya.
Ngayon niya ipapakita ang taray niya na pinakatagu-tago niya sa loob ng kanyang baol.
“Sorry Miss. Are you okay?” tanong nito na talagang nakangiti pa at parang gusto siyang hawakan.
Pumameywang siya at mataray na tiningala ito. Maski pa sobrang tangkad nito na parang halos abot lamang siya sa balikat ay hindi siya patatalo. Namumuro na ang lalaki sa kanya. Una, hindi man lang siya ipinagtanggol sa nobyang selosa noon sa Palawan. Pangalawa, muntik pa siya nitong sagasaan.
“Do I look like I’m okay? ! Ikaw kaya ang pa-tumbling-in ko sa Santan, sa tingin mo sasagot ka ng ‘okay ka lang’?!” mataray na sagot niya.
Her lips lips twitched in annoyance.
Wala namang reaksyon ang kaharap niya at tulad ng mga unang araw ay relax ito at cool.
“Relax. Damaged done and sorry for that.” anito na dinukot ang pitaka sa bulsa at naglabas ng pera mula roon.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti pa.
Hindi pa rin ito nagbabago, pogi pa rin ito.
“Here. Just to make sure you’re okay, just go to the hospital and run some tests.” anito na iniabot sa kanya ang pera na puro one thousand-peso bill.
Marami ‘yon nang sulyapan niya at may kung anong masamang ihip ng hangin ang pumasok sa kukote niya para isipin na iniinsulto siya ng bakulaw, kaya sa halip na tanggapin ay hinambalos niya ito ng bag niya.
“Aw!” Santiago touched his arm. Napapilag ito pero nagpatuloy siya.
“Anong tingin mo sakin, mukhang pera?! Bwisit ka! Bwisit ka sa buhay ko!” salubong ang mga kilay na sigaw niya rito.
“Ouch!” paulit-ulit na sambit nito habang siya naman ay palo lang nang palo sa braso nito.
Malamang nasasaktan ang binata pero ‘di naman masusugatan dahil naka long sleeves.
Nang maputol ang buckle ng bag niya ay parang gusto niyang maiyak nang tuluyan. Helpless na nahawakan niya iyon at natingnan. Noon lang siya tumigil at tigalgal na napanganga.
“That’s not my fault.” parang nang-iinis pa na sabi ng kaharap niya, na pangiti-ngiti pa sa dalaga na gigil na gigil.
“Malas ka talaga! Bwisit ka!” bulyaw niya sabay hampas pa rito.
Akala yata nito ay titigil siya.
Dinuro ito ni Alex sa mukha. “Sa oras na ‘di ako matanggap sa pag-a-apply-an ko ay makikita mo—papatayin kita, bwisit ka!” she yelled at his handsome face.
Halos tumingkayad pa siya para magpantay ang mukha niya sa mukha nito pero hindi man lang siya umabot ni sa ilong man lang.
“Why me? Anong kinalaman ko riyan? Sisihin mo ‘yan short mo, because if you’re going to take it from a businessman like me, nobody goes on a job hiring wearing shorts.” pinasadahan pa nito ang kabuuan niya at napako sa mga hita niya ang mga mata.
She saw his how lips curved in a naughty grin.
Parang biglang napaso siya sa paraan ng titig nito. Kinilabutan siya at nakaramdam ng kaunting hiya. Manyak na yata ito ngayon.
“Tse! Anong paki mo?! Salot ka sa buhay ko alam mo ‘yon? Papatayin talaga kita oras na malasin ako ngayon.” iningusan niya ito matapos na pandilatan.
Sa hindi malamang dahilan ay natawa pa si Santi sa banta ng dalaga sa kanya. How could a young woman like her kill a man? No way. Sa tingin nga niya ni ipis ay hindi nito kayang patayin, tao pa kaya?
“Miss, walang nag-a-apply na nakashorts.” aniya rito sabay hagod ulit sa legs ng dalaga na halatang ikinausok ulit ng ilong nito.
She looks cute, just like the old days.
“Wala kang pakialam! Yabang mo!” anito sa kanya sabay ismid at talikod.
Naiiling na natatawa siya rito. Ibang-iba ang ipinakikita nito sa inasal noong nakita niya ito sa Palawan. It’s been sometime since he saw that pretty face; a pretty face he couldn’t forget. She has a different charm which captivated him for no reason, just for a single thought of finding her really cute.
She’s petite, not so thin but sexy. She’s not rich. She’s definitely not like Zoe. Wala itong arte sa katawan pero may kung anong parte sa p*********i niya ang nahuli nito.
Finally, nagkita sila ulit.
Wala siyang nagawa kundi habulin ito ng tingin hanggang sa mawala na ang dalaga ay saka lang niya naalala na aalukin nga pala ‘yon ng bagong trabaho kung wala pa.
Gusto niya iyong kumutahin matapos na makipagsabunutan kay Zoe pero pinatulan niya at inasar na sobra.
Inis na napamewang si Santi. s**t! I forgot!
…
Bwisit na bwisit pa rin si Alex nang bumungad siya sa hotel Esperanza. Kung bakit naman napakamalas niya na sa lahat ng tao sa mundo ay ang tao pang iyon ang makikita niya na siyang puno’t dulo ng kanyang kamalasan?
Baka may balat sa pwet ang lalaking ‘yon. Sayang gwapo pa naman.
Paano ba naman na hindi siya manggigigil ay alam naman na selosa ang girlfriend tapos lapit pa ng lapit sa kanya noon, ‘di tuloy nawalan siya ng trabaho? Tapos hindi siya naipagtanggol man lang.
Syempre, kakampihan ba siya no’n?
Nang matanaw niya ang gwardiya ay pinilit niyang paskilan ng magandang ngiti ang mukha niya. Baka mamaya ay hindi pa siya papasukin ng kumag, baka batukan pa niya dahil sa init ng ulo niya.
“Good morning, Ma’am!” bati nito sa kanya. “Check in ho?”
Gusto niyang mainis.
Bakit ba tatanungin pa siya nito kung mag-che-check in siya? Kung hindi pala ay di hindi siya pwedeng pumasok?
“Ah hindi po.” buong kaplastikan niyang nginitian ang gwardiya. “May ii-inquire lang sir sa loob.”
“Ah. Sa receptionist ho namin, Ma’am.” sabi nito sabay turo sa kaisa-isang receptionist na natatanaw niya.
“Thanks po.” ngayon ay mas totoo na ang ngiti niya. Mabait naman pala ang manong guard.
Sinuklay-suklay pa ni Alex ang buhok gamit ang daliri nang makalapit siya sa babaeng itinuro ng gwardya.
“Hi Ma’am! Welcome to Hotel Esperanza. How may I help you?” anito na nakangiti.
“Ahm, nakita ko po sa newspaper na hiring. Bakante pa po ba iyong sa receptionists?” umarko nang kaunti ang mga kilay niya at maganda ang ngiti na ibinigay sa babae.
“Ay naku Ma’am, sorry po.” anito sabay tingin sa dambuhalang pendulum clock sa may receiving area ng hotel. “You’re almost five minutes late. Nag-start na ho ang interview.”
Bumagsak ang balikat niya. “Interview po? Agad?” tila nawalan ng gana ang boses niya na ikinatamlay niya.
Nakakita naman siya ng simpatya sa mga mata ng kausap.
“Ma’am, noong isang araw pa ho naghahanap ng receptionist dito. Eh napakarami na ho ng um-apply kaya stop na po ang pag-receive ng resume. Sorry Ma’am.” Puno ng pakikiramay ang mukha at boses ng babae kaya lalo lang siyang naawa sa sarili.
She forced herself to fake a smile. “Yeah, I know po. Nakita ko nga po sa newspaper na noong isang araw pa. Nagbakasakali lang po ako.” ngumiti rin siya nang malungkot.
“Kung umabot ho sana kayo before 8:30 pwede ko ho sana ‘yan tanggapin, kaya lang ay na-iforward na ho lahat ng files sa CEO. Dumating na po kasi siya kanina lang.” imporma pa niyon sa kanya.
She nodded. “Thanks. May I just sit for while? Magpapahinga lang po ako.” aniyang parang hapong-hapo na.
Malamang na kahit
umabot siya ay hindi rin siya mai-intervuew dahil hindi siya naka-formal.
“Yes Ma’am. Sure.” inilahad ng babae ang palad patungo sa couch.
Laylay ang balikat na lumapit si Alex sa malaking couch na ‘yon sa receiving area. Kung hindi lang nakakahiya ay hihiga na siya. Pagod na pagod pa naman siya sa kakalakad iyon pala wala naman siyang mapapala at dahil na naman sa bwisit na Marco Santiago Elizares na ‘yon. Ano bang klaseng balat sa pwet meron ang lalaking ‘yon at malas siya sa paghahanap ng trabaho simula nang makilala niya ‘yon?
Baka naman mapa ng mundo ang naroon at sinlaki ng globo ang balat sa pwet.
Naisipan niyang mag-text na lang sa nanay niya at ipinakisuyo niya na ihanap pa siya sa dyaryo ng ibang pwedeng pasukan.
Bakit?
Tanong ng Mama niya sa text. Di ka natanggap anak?
She replied immediately.
Hindi pa naman Ma. Para at least may option pa sana. 2 kasi dala ko resume.
She lied.
Ah sige hintay anak at hahanap ako no’n malapit lang sa hotel na ‘yan.
She sighed as she puts down the phone. Ano bang klaseng buhay mayroon siya? Mahirap na nga pati trabaho mailap pa sa kanya. ‘yong trabaho naman niya kay Zoe ‘di naman talaga dapat para sa kanya.
Kung tutuusin wala pa naman silang napapasukan na trabaho na talagang pagod niya. Napakahirap kasi ng buhay para sa mga katulad niya at nang huli ay wala talaga sa kanyang tumatanggap kahit na maliit na establisyemento man lang. Kapag nakikita ang pangalan at pagmumukha niya ay isinusulong kaagad pabalik ang dala niyang requirements.
Gusto na niyang maiyak. Halos wala na nga silang makaing mag-ina dahil wala naman siyang sinuweldo mula sa modelong hilaw na ‘yon tapos ngayon wala pa siyang mapasukan na trabaho. Ang masaklap pa, kailangan ng Mama niya na maglabada para makakain sila, kahit na sakitin naman. Ayaw naman siyang papaglabahin. Natatakot siya na baka bumalik na naman ang sakit no’n sa baga dahil sa pagod.
Nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Kung hindi kaya sila iniwan ng Papa niya ay maganda kaya ang buhay nila kahit paano?
Ang balita niya ay anak ng Datu ang nakuha ng ama niya kaya ang sabi hindi na raw nakalabas pa sa tribo dahil papatayin kung binalikan pa silang mag-ina.
Totoo kaya ‘yon?
Naisip niyang itext nalang ulit ang Mama niya at sabihin doon ang totoo, na hindi siya nakaabot pa sa trabahong pag-a-aplayan sana niya.
Inuna muna niyang itext ang kaibigan sa Jollibee dahil baka may alam iyon na pwede niya pasukan.
Busy siya sa pag-compose ng message nang may maramdaman siyang naupo sa tabi niya.
Hmmm...amoy mayaman. Isip niya pero wala siyang planong tingnan kung sino iyon dahil busy siya. Mabango lang iyon at halatang imported ang amoy na pamilyar sa ilong niya.
Toot—!
“Shuts! Check op! “ mahinang maktol ni Alex sabay tampal ng cellphone sa kandungan niya.
“Waiting foryour boyfriend?” anang boses sa tabi niya.
Pamilyar na pamilyar sa kanya ang boses na iyon at nang lingunin nga niya ay hindi siya nagkamali.
Si Santiago na naman.
Nairolyo niya ang mga mata.
“Kaya naman pala nawalan ako ng load dahil nandito na naman ang may balat sa pwet.” sabay tayo niya at humalukipkip.
“Why are you so mad at me?” painosenteng tanong nito at natingala siya.
His blue eyes are so beautiful na parang hindi gugustuhing tikalan ng titig ng sinuman pero umiwas siya.
At nakuha mo pa talagang itanong? Talaga yatang hindi niya ako naalala kaya niya ako tinatanong. Kung bigyan ko kaya siya ng isang black eye maalala niya?
“Hindi pa ba sapat na dahilan ‘yon muntik mo akong sagasaan tapos bibigyan mo ako ng pera, anong tingin mo sakin? “ irap niya.
He just simply shrugged.
“I didnt mean to offend you. I was in a hurry so I guess that would be the easiest way to calm you.” nagkibit balikat pa ito.
“Hoy mister. Hindi lahat ng tao kayang paskilan ng pera sa noo. Saka bakit ba hanggang dito ay sinusundan mo ako?” mataray na tanong niya habang nakatitig lang naman ito sa mukha niya.
“Me? Following you?” anito na tinuro ang sariling dibdib habang nakaangat ang mga kilay. “Maybe you’re following me.” dugtong nito.
Hah! Ang kapal!
“At bakit naman kita susundan? Hindi porket mayaman ka Mr. Elizares ay lahat ng tao babalakin na sumunod sa’yo.” napasulyap siya sa receptionist na parang tinakasan ng dugo ang mukha at hindi naman niya alam kung bakit.
“Umalis ka na nga. Nasisira ang araw ko.” taboy niya sa binata na mas lalo pang ginawang kumportable ang pagkakaupo sa couch.
He even crossed his arms on his massive chest and raked her.
“Tell me something; one one reason why an employer must hire you in his company. Faster. “ he tapped his fingers on his arms while staring at her face.
Lalong nahbungguan ang kilay ni Alex pero may kahalong pagkailang. Sino bang makakasagot nang tama kung ganoon kagwapo ang nagtatanong sa kanya at ganoon kung makatitig na parang nakikitana ang kaluluwa niya?
In the end she chose to show him irritation.
“At sino ka para utusan ako? Nagkamalas-malas na nga ang buhay ko simula ng makilala kita tapos ngayon kung anu-ano iuutos mo sakin.” lumiko ang labi niya sa inis.
Lumapit ang gwardiya sa kanilang dalawa pero mukhang siya lang ang puntirya.
“Ma’am,”
Sinenyasan kagad ni Santiago ang guard na bumalik sa dating pwesto na kaagad naman na sumunod.
“Hmm, sayang dahil pwede ko pa naman sanang ihabol ang résumé mo sa ibang applicants.” tumangu-tango ito at hinilot ang baba.
“‘Wag mo nga akong asarin. Alam ko kung saan ilulugar ang ugali ko kaya lang hindi ako makapagpigil kapag kaharap kita. Diyan ka na.” tumalikod na siya para iwan ang binata pero ang nakita niya ay ang napakalaking screen sa may gilid ng receptionist’s corner.
WELCOME TO HOTEL ESPERANZA. PROPERTY OF ELIZARES REALTIES. ENJOY YOUR STAY!
Iyon ang paulit-ulit na nagpa-flash sa screen na kanina naman ay hindi niya napansin. Naloko na. Pahiyang-pahiya na talaga siya sa lalaki.
Eh ano naman?! May kasalanan naman siya sakin. Her subconscious mind.
“Hmmmp!” inismiran niya ei Marco Santiago at hahakbang na sana nang bigla itong tumayo at hinawakan siya sa braso.
“Wait.” he dearly said.
Natigalgal din ang dalaga at napatingin sa braso niyang hawak ng malaki at balahibuhin nitonf kamay.
Ang lambot ng kamau nito na parang bulak kahit na may kalakihan ‘yon.
“Dito ka ba talaga sana mag-a-apply?” seryoso na ngayon ang binata sa tanong nito sa kanya.
Iba ang lamlam ng mga mata nito na parang nabahiran ng awa. Kahit parang kinikilig siya ay pilit niyang binawi ang braso mula rito. Nakaramdam din siya ng panliliit tapos ay naalala niya kung paano siya ginawang basahan ng girlfriend nito sa Palawan.
“Ano pa ba sa palagay mo ang ginagawa ko rito kung hindi? Sa tingin mo ba magso-short time ako rito mag-isa?” naiinis na asik niya sabay irap pero medyo kalmado na siya.
Panakip butas na lang ‘yon sa awa niya sarili niya. Sobra ang paghihirap nilang mag-ina na ultimo huling sentimo ay ginastos pa niya pamasahe makauwi lang ng Maynila, mula Palawan. Ang masakit, wala siyang nakuhang sweldo.
Biglang tumawa si Santi at ang gwapo nito lalo. Walang bahid ng kung anong diskriminasyon ang tawa nito at masasabi niyang talaga yatang tao itong humaharap sa kapwa tao.
“We don’t have short time here—Alexa.” Tumaas ang isang sulok ng labi ni Santiago sa kanya kaya napatunganga siya sa mukha nito.
Kilala pa siya nito? Tinawag siya nito sa pangalan niya?
Parang may bumara sa lalamunan niya dahil sa kakaibang dating ng pagbanggit nito sa kanyang pangalan. He sounded sexy and sweet.
“Y-You still know m-me?” she stuttered.
This time ay hindi na siya galit. Gulat na siya at makailang beses na kumurap.
Hindi siya makapaniwala na kilala pa siya nito. Akala niya ay hindi na siya nito naaalala.
“Yep I still know you so well.” tanging sagot ni Santi sa dalaga saka naitago niya ang labi habang nakangiti.
“Coffee?” his brows arched.
“I don’t drink coffee.” sabay ismid nito sa kanya na ikinatawa niya.
“Milk rather.” he said and grinned.
“S-Sige” umismid pa rin ang dalaga kaya lalong ang cute sa paningin niya.
Marahan niya itong inakay papunta sa elevator ar nakita pa niya ang senyas ng receptionist kay Alex na ‘thumbs up’, na ikinahagikhik ng magandang dalaga.
…
“Paano na kilala mo ako?” tanong ni Alex sa kanya habang nakaupo sila sa private office niya sa isang wing ng hotel.
He keeps on eyeing her and trying to analyze if something changed in her lovely face.
Nothing changed. Mukha lang itong problemado pero maganda pa rin.
“Sino ba ang makakalimot sa babaeng sinabunutan ng girlfriend ko?” pang-aasar niya sabay ngiti.
Tumalim ang mga mata nito sa kanya pero pinakamasdan lang niya nang husto.
“Huwag mo akong asarin ha.” dinampot nito ang tinidor at itinutok sa kanya.
He raised his hands and chuckled.
“At hindi mo man lang ako nagawang ipagtanggol samantalang ikaw naman ang may kasalanan ng lahat.” piksi nito.
He nodded. Aminado naman siya roon na hindi niya ito naipagtanggol noon. Umalis naman kasi ito. Isa pa, akala niya ay magbabago ang lahat at magiging P.A pa rin ito kaya mas pinili niyang huwag ng itong kampihan kahit na alam naman niyang mali si Zoe. Akala niya ay nabigla lang si Alex sa planong pag-alis pero tinotoo nito ang pag-uwi.
At hindi na rin niya nakontrol si Zoe.
“That’s why we’re here. I’m trying to fix what was once ruined.” Santi shrugged it off.
Alex slightly pouted while looking at the slice of cake. “May mas ruined pa ba sa ginawa ng girlfriend mo sa’kin na tinanggalan na nga niya ako ng trabaho, hindi pa niya ako hinayaan na makahanap ng bago?” tila masama ang loob na sabi pa nito at biglang nalungkot ang mukha.
Nakaramdam siya ng awa para sa pobreng dalaga. He didn’t know na tototohanin naman talaga ni Zoe ang sinabi no’n na sisiguruhing hindi na ito makakahanap pa ng trabaho. Well, alam niya na kaya talaga iyong gawin ng babaeng ‘yon dahil makapangyarihan ang ama no’n pero ang ‘di niya alam ay kaya pala iyong gawin ng girlfriend niya sa isang kawawang tao, dahil lang sa pesteng selos.
Luckily, he found Alex. He’s actually looking for her everywhere. Siya na ang magbigay ng trabaho sa dalaga. And now, thank heaven he found heru accidentally he did.
Napangiti siya nang lihim nang maalala na muntik na niya itong masagasaan. The truth is, hindi naman talaga niya ito mahahagip. Nag-overreact lang siguro ang utak ng dalaga nang makita na mabilis ang takbo ng sasakyan niya, and he was torturing his horn because he was really in a hurry.
At nag-alala siya na pinili nito na mag-dive sa halamang Santan. Kamuntik pa nga siyang mapamura at wala naman talga siyang kaplanu-planong ihinto ang sasakyan at bumaba, but when looked at the side mirror and caught her face, damn she was that woman he’ been looking for the whole time.
He automatically stopped the car without having a second thought.
“So, bakit nga ba tayo nandito?” pukaw ng dalaga sa katahimikan niya.
Bahagya siyang pumormal at inayos ang pagkakaupo. “Well, like I’ve said, I’m here to give you back what you have lost. I want to offer you a job.”
HALOS hindi makapaniwala si Alex sa kanyang narinig, hindi dahil sa offer nitong trabaho kundi dahil sa pag i-ispoil nito kay Zoe.
Dismayado siyang napailing. “Ibang klase ka rin Mr. Elizares ano? Ikaw ang sasalo sa kasalanan ng girlfriend mo. So kung pumatay pala siya ng tao, ikaw rin ba ang magpapakulong para sa kanya?” parang nang-uuyam niyang tanong.
Kaya pala lumalaki ang ulo ng babae dahil kinukunsinti.
“No more questions, Alexa.” tanging sagot nito na halatang umiiwas sa sinabi niya.
“Alex.” pagtatama niya.
“Is it a deal or no?” tanong pa nito na parang nagmamadali pa.
Saglit siyang natahimik. “Give me one minute.” sabi niya tapos kunwari timingin sa kisame. “Magkano ang salary?” prangkang tanong niya.
Nagkibit-balikat si Santi at hindi naman ininda ang tanong niya kahit na ba parang lumalabas na mukha siyang pera.
“Depende sa trabaho.” He replied.
“Anong trabaho?” tanong niya ulit.
“Ano bang alam mo?” tanong ng binata sa kanya.
Inilahad niya ang mga daliri para isa-isahin.
“Marunong akong magluto, maglaba, mamalantsa, maglinis ng bahay, maglinis ng kuko, mag make-up...”
Natawa ito bigla sa kanya kaya napaangat ang mga kilay niya. “And you really think I need a beautician? Ano bang palagay mo sa akin—bakla?”
Sinipat ng dalaga ang kabuuan ni Santiago.
Pinaningkit pa niya ang dati ng maliliit na mga mata.
“Hmmm... Mukhang hindi naman Mr. Elizares.” sabi niya na parang namula pa ang pisngi niya nang mahuli na nakatitig pala ito sa mukha niya.
Tumikhim siya para mapawi ang hiya. Dapat kasi ay laging makapal lang ang mukha niya para hindi siya nerbyosin. “Kailan ako magsisimula?”
Santi shrugged. “Tomorrow, if you like. Pumunta ka sa main office ko sa building ng Elizares Realties, pumirma ka ng kontrata. Of course we have to be legal.” paliwanag nito sa kanya.
Tumangu-tango naman siya.
Hmmm... Kasama ba jan ang pagiging legal wife? Her naughty mind.