KABANATA 4

1706 Words
I'm watching a movie when my phone rang. Tiningnan ko iyon sa ibabaw ng lamesa at kinuha upang sagutin nang makita ang pangalan ng kaibigan kong si Ayesha. Halos isang linggo narin buhat ng huli kaming magkita, gustuhin ko man siya laging puntahan upang makaiwas sa asawa ko ay alam kong iba ang magiging dating niyon kay Bjorn. She's back. Punta ka dito sa bahay at sabay na tayong pupunta sa bar. Direktang imik niya pagkasagot ko sa telepono. I automatically stamp my feet as disapproval. I'm not fond of bars after what happened years ago pero hindi ko sila matitiis. Sila nalang ang meron ako sa ngayon. "I'll be there in an hour. May gagawin lang ako" I said and ended the call. I sighed heavily as I stared on my phone. I bit my lower lip and start creating a message for Bjorn. I'm going somewhere. I will be with Ayesha and Cassandra, the two friends I am with when I'm in America. If you couldn't remember, si Cassandra ang pinagtratrabahuhan ko noon pati sa susunod na araw buhat bukas. Mahabang type ko bago isinend sa kanya. May kaunting saya sa dibdib ko na muli akong makakapagpatuloy sa pagtratrabaho pagkabalik niya. Isa akong assistant nurse noon ng isang OB doctor until Cassandra's mom came and asking me to be a personal nurse for her daughter. Busy ako sa pagtitingin ng mga timbang at iba pang detalye ng buntis sa harapan ko nang may lumapit na lalaki sa gilid niya. Natigilan ako nang makitang si Franco iyon, one of my guy friend noong hindi pa kami ikinakasal ni Bjorn. Ngumiti siya sa akin bago hinawakan ang bewang ng buntis sa harapan ko. "She's my wife, Veronica. Nice to see you again Zayah." masayang sambit nito at tinawag pa ang dati kong palayaw na gustung-gusto nilang itinatawag sa akin. Napaawang naman ang labi ko at napatingin sa kanilang dalawa. They are beyond happy, I can see it. "Veronica? Ohh! She's your crush back then." nakangiting tugon ko rito nang maalala ang babaeng ikunukwento niya noon. Namula naman ang kanyang mukha habang tinawanan naman siya ng kanyang asawa. "Masyado mo kong ibinubuko Azaia." sambit nito sa akin. Tumatawa akong nagkibit-balikat bago napatingin sa munting umbok ng tyan ng babae. "Congratulations Franco, you too Veronica. I'm Azaia by the way." mahinahon kong usal at inalok ang aking kamay. Mabilis naman iyong kinuha ni Veronica at ngumiti bilang tugon ng pakikipagkilala at pasalamat. "It's nice to see you again. It's been what? 2years since we last talk to each other." usal niya, ramdam ko ang pinaghalong saya at panghihinayang sa boses niya. Pilit nalang akong ngumiti sa kanya. Simula nang ikasal kami ni Bjorn, hindi na niya ako hinayaang mapalapit sa mga kaibigan kong lalaki o sa kahit sino pang lalaki. Hindi niya rin ako pinalalabas ng bahay noon. Nagbago lang ang lahat nang nakapanganak ako. Nakita siguro ni Franco ang paghihirap sa ngiti ko kaya naman kumalas siya kay Veronica at nilapitan ako upang yakapin. Halos kuya ng turing ko sa lahat ng naging kaibigan kong lalaki. They treasured me a lot like I'm their young sister. "Stay strong Zayah. We're still here when you need us. Just call." he whispered and broke his hug. He gave me a simple smile bago muling ibinalik sa asawa ang hawak. "We're going in" he informed me and walked to the OB's room together with his wife. Napailing nalang ako at pilit ibinalik ang aking sigla. I was about to call the next patient when my phone rang. Bjorn.. Agad akong kinabahan. Hindi ugali ni Bjorn ang tumawag. Gamit ang nangangatal kong kamay ay sinagot ko iyon at marahang itinapat sa aking tenga. "P*TANG!NA MO TALAGANG HAY*P KA! PAPATAYIN KITA AZAIA! PAPATAYIN KITA NG HINDI NA KITA MAKITA KAILANMAN PATI NARIN NG ANAK MO. POKPOK KA! NAPAKALANDI MO!" He shouted in anger. Nanigas naman ako sa aking kinauupuan habang panay ang dagundong ng dibdib ko sa kaba at takot. He continued cursing again and again habang naririnig ko ang iba't ibang nagbabagsakang bagay na sa tingin ko ay mga gamit na ipinagtatapon niya. With my trembling hands, I manage to end the call when a woman in her late 40's went near me. I composed myself and tried to smile at her. "May appointment po Maam?" magalang na tanong ko. She smiled at me bago naglapag ng isang litrato sa lamesa ko. Kunot-noo ko iyong tiningnan. Napamaang naman ako nang makilala ang babae sa litrato. Hindi ko makakalimutan ang babae na iyon, she's the only one pregnant patient who pinched my cheek sa tagal kong nagtratrabaho. Isa pa ring hindi ko malilimutan dito ay ang kainosentehan ng kanyang mga mata. "I know you don't know me pero kilala ka ng anak ko. I am here because my daughter asked me for a favor." she stated. Nalilito man ay hinayaan ko ang ginang na umimik. "Cassandra had a miscarriage few weeks ago and luckily one of the twin manage to stay in her womb. And she called me to search for you and asked you to be her personal nurse in America. I'll pay for the expenses." kumpletong detalye nitong usal. I am shocked and sad to hear what she's been through. Iyon ngang hindi ko makita si Rafael kahit buhay ito ay masakit na iyon pa kayang kanya na kahit kailan ay hindi na niya makakapiling pa. PAPATAYIN KITA AZAIA! Biglang pumasok muli sa aking isip ang mga sigaw ni Bjorn. Napatingin ako sa ginang na may nakikiusap na mata. "I'll go Maam" I answered without any hesitation. Bjorn maybe ruthless to me but somehow I knew, he wouldn't hurt Rafael. Agad namang inasikaso ng ginang ang aking pag-alis. Oras mismo din ay lumipad ako patungong America. At doon ay muli akong nakahinga kahit papano at nagkaroon muli ng kaibigan, this time, they are real. HALOS isang oras ang iginugol ko sa pagkakalma ng aking sarili bago umalis ng bahay. Mula noon ay hindi na ako pumunta pa ng bar pagkatapos ng insidente. Ipinapaalala kasi nito sa akin ang pagkakamaling sumira ng buhay ko. Nabigla ako nang makarating na ako sa bahay ng aking kaibigan. Masayang magkasama ang asawa nito at ang batang si Daeshaia. I envy them but I manage to hide it. Palihim kong tiningnan si Ayesha at dinala sa kanyang kwarto upang pagkwentuhin. Doon ay nalaman ko ang mga nangyari sa kanila habang nag-aayos ito ng sarili. "Azaia bar ang pupuntahan natin, hindi tayo mamamasyal" puna niya sa akin pagkatapos mag-ayos. Napangiwi nalang ako sa aking isip. Ano bang mali sa suot kong croptop longsleeve paired with my jeans? I just shrugged and look at her with This-is-what-I-want-to-wear look. Maingay na musika ang sumalubong sa amin pagpasok sa bar. Naunang naglakad si Ayesha na sinundan ko lang. Kumuha ito ng isang VIP room na agad naming pinasok. Tamad kong isinalampak ng aking sarili sa upuan pagkapasok. "Err. I really hate bars" hindi maiwasang sambit ko habang naaalala ang pagmumukha ng taksil kong kaibigan. "Enjoy b***h. It's not that bad" sambit ni Ayesha. Nagkibit-balikat nalang ako upang umiwas magkatanungan saka kinuha ang alak na nasa lamesa. "Eto lang maganda dito" natatawang sambit ko. Natawa nalang din si Ayesha bago kinuha ang kanyang telepono. I heard her tsked and show her phone to me. The innocent b***h is here. Finally. "Salubungin mo na. Dito na ako mag-iintay" I suggest na agad niya ring ginawa. Ilang segundo pa ay bumalik na nga si Ayesha kasama si Cassandra. I admit, Cassandra's really stunning in her outfit. Mas matanda ako ng dalawang taon sa dalawa pero hindi naman iyon halata kapag nagsasama-sam kami. Nagsimula kaming uminom at magkamustahan. Same old s**t bitches. Same old s**t. I wanna say it but I knew, may mga iniisip din silang sari-sariling problema. Ipinaalam rin ni Ayesha kay Cassandra ang tungkol sa pagkikita ng anak niya at ng tatay nito. Cassandra seems bothered. Natawa nalang ako sa isip ko. You don't need to be afraid. Your husband already knew. Nagpatuloy kami sa pag-iinom at nagkwentuhan ng masasayang bagay na nangyari sa amin noon nung magkakasama kami sa ibang bansa. Sa gitna ng aking pag-iinom ay hindi maiwasang pumasok sa aking isip ang mga nangyari noon. Nawawala lang iyon sa tuwing naririnig ko ang tawa ng mga kasama ko. Napagdesisyunan naming magsayaw sa dancefloor hanggang sa makita namin ang asawa ni Cassandra na pagkakaalam nila ay exhusband na niya. Agad naming idinivert ang atensyon niya upang magsaya at hindi maisip ang nakita. Stalker ang lolo mo. I mentally think as I recalled seeing her husband sa harapan ng bahay nang makarating ako sa America noon. Lahat sila ay sinubok ang pagsasama pero nanatili ang mga partner nilang lumalaban. Sana ganun din si Bjorn. Muli kaming bumalik sa silid at pinagpatuloy ang aming pag-iinom hanggang pare-pareho kaming malasing. Nagulat pa ako nang paghanapin nila akong taxi. Gusto ko pang matawa nang bolahin nila ako sa pagpapawasak ng cherry ko. Wala naman akong nagawa pa kundi ang gawin ang napakalakas na trip nila pero syempre sa babae na ako magpapatulong. It's better to be safe. With my spinning vission I manage to walk near the bar counter. A familiar scent envelop my nostrils pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin pa. I called the girl staff and asked for her help. Dahil matagal na tigil sa pag-iinom kaya siguro mabilis bumigay ang katawan ko sa alak. Nasa kalagitnaan ako ng pagkausap ko sa babae ay unti-unti akong hinila ng antok. Ramdam ko ang matitipunong braso na humawak sa bewang ko nang mapasandal ako kung saan. Nagawa ko pang iangat ang aking paningin sa kanya. "9inches guy?" wala sa sariling sambit ko nang makita ang pamilyar niyang bulto sa kabila nang panlalabo ng aking paningin. Am I hallucinating or it's really him? Gusto ko pa sana siyang itulak dahil baka matyempuhan ako ni Mang Ramir pero talagang nanghihina na yung katawan ko. "Damn baby. You're drunk" pakinig kong bulong niya sa isang magaspang at malalim na boses bago ako tuluyang tinangay ng kadiliman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD