CHE-CHE'S POV Kinuha niya ang kamay ko at nilagay niya ito sa balikat niya at hinawakan niya ang baywang ko. Hindi ko naman magawa na tumugon dahil di ko naman knows ang gagawin ko. Paano ba kasi ang halik na sinasabi niya? "Kiss me back, please." Mahinang bulong niya nang tumigil siya. "Bakit?" "Because, I want you to kiss me back." "P-Paano ba kasi gawin 'yon?" Tanong ko sa kanya. "Sundin mo lang ang galaw ng labi ko." Sagot niya sa akin at hinalikan ako ulit. Akmang hahalikan at tutugon na ako nang bigla na lang kumunot ang noo ko. May naamoy akong kakaiba. Parang sunog? Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko na may niluluto pala ako. "Ouch! Hiyaw niya dahil mabilis ko siyang tinulak at bumaba ako para patayin ang kalan at tinignan ko ang niluto ko. Sunog nga talaga. Kaagad a