CHE-CHE'S POV Habang naglalakad papunta sa opisina niya ay ang lakas ng t*bok ng puso ko. Alam ko na galit siya lalo na 'yon ang pinakauna sa kontrata niya. Napa-tanong ako sa sarili ko. Kapag ba nagpaliwanag ako ay papakinggan niya kaya? Sa tono ng boses niya ay alam ko na galit siya ngayon. Pagbukas ko ng pintuan ay nakatayo na siya at nakakatakot na awra ang bumungad sa akin. Mabilis niya akong hinila papasok sa loob ng opisina niya. Kaagad niyang sinara ang pinto at isinandal ako sa pader. "Nilabag mo ang kontrata." Ramdam ko ang galit sa boses niya. "Alam ko, sorry. Pumayag ako na sumabay sa kanya para na rin makausap siya na tumigil na." Paliwanag ko sa kanya. "Titigil na ba siya?" Galit pa rin ang tono ng boses niya. "Sabi niya hihintayi—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko