CHE-CHE’S POV Hinayaan ko siya at hindi ko siya tinulungan. “Lagyan mo nga!” utos niya bigla sa akin. “Kaya mo na ‘yan. Hindi naman ‘yan sakop ng trabaho ko, diba?" Sagot ko sa kanya. “Tsk!” asik niya sa akin. “Tsk ka rin! Ikaw naman ang nagsabi kanina.” Sagot ko rin sa kanya. “Oo na tama kana! Shut your fvcking mouth” Naiinis na sabi niya sa akin. Hindi ko na siya pinansin at hinayaan ko na lang siya. Tumataas kasi ang presyon ko sa kanya. Baka hindi ko mapigilan sarili ko at maisubsob ko siya dito sa loob ng tulyasi. Nagpatuloy na lang ako sa ginagawa ko. Pasalamat naman ako dahil lumabas na siya dito sa kusina dahil kung nagtagal pa siya ay sigurado akong mag-aaway na talaga kami. Natuwa naman ako dahil nagustuhan ni Madam ang mga niluto ko. Akala ko ay magiging maayos na kami