WARNING MATURE CONTENT!! READ AT YOUR OWN RISK! CHE-CHE'S POV Kung gaano ako naiinis ay siya namang ikinaganda ng ngiti ni Jayson. Talagang pinagtitripan niya ako dahil humahagalpak na siya ng tawa. Kaya sa sobrang inis ko ay umakyat ako sa hagdanan at sinundan ko siya. Pumasok siya sa isang silid. Sumunod ako at pumasok rin sa kwarto na 'yon. "Ang lakas talaga ng trip m—Wow!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bumungad sa akin ang napakagandang tanawin. Sobra akong namamangha sa nakikita ko. Mula dito sa kinatatayuan ko ay makikita ang dagat. Hindi ko akalain na nasa katabing dagat pala itong bahay na ito. "Maganda ba? Nagustuhan mo?" Malambing na tanong niya sa akin habang nakayakap mula sa likuran ko. "Ang ganda," sagot ko sa kanyang sabay buntong hininga. "May problem