Charlie Rivero, hottie, boy next door, sharp-witted… and of course, coveted by women. Trixie Pena is one of those lunatic women who’s head over heels to Charlie. Kahit saan sinusundan niya ang binata. Kisehodang magkanda-dapa-dapa pa siya sa kalye kakasunod dito. Her day is not complete without seeing her amore!
“Trixie, ano ba kasing ginagawa mo diyan sa taas?” kinakabahang tanong ni Jackie sa kaibigan.
“Wait lang Jack, palabas na siya!” excited naman niyang sagot sa kaibigan.
Nasa taas kasi siya ngayon ng puno ng sampalok. Sa may likurang bahagi ng kanilang paaralan. Habang hinihintay ang paglabas ni Charlie sa Youth Club, kung saan ito ang namumuno. Sobrang humaling siya sa binata na halos ibuwis niya ang kaniyang buhay masilayan lamang ito. Kagaya na lamang nang ginagawa niya sa mga oras na ito.
“Huyyy, Trixie bumaba ka na diyan, baka mahulog ka pa diyan eh!” hindi mapakaling sabi ni Jackie.
“Huwag kang magulo Jack ayan na siya!” kinikilig pang saway niya sa kaibigan.
Kaya naman mas-umusog pa siyang paharap para mas makita niya si Charlie. Craaacckkk! Napalingon siya sa pinanggalingan ng tunog na iyon, at nanggilalas siya nang makitang mapuputol na ang sangang kinaroroonan niya.
Huli na para makabalik siya sa pinang-galingan niya. Tuluyan nang naputol ang sanga, at lumagapak na siya sa sementadong sahig.
“Trixie!” nanlalaki ang matang sigaw ni Jackie, nang makitang nabali ang sangang kinaroroonan niya.
“Argh! Aray!” sapo-sapo niya ang nasaktang balakang dahil sa pagbagsak niya sa puno.
Agad siyang dinaluhan ng kaibigan at natatarantang hindi malaman, kung aalalayan ba siya nitong makatayo, o tatawag nang tulong. Sa huli ay nanatili ito sa kaniyang tabi.
“Jack, masakit!” nangingilid na ang luha niya sa sobrang sakit na nararamdaman.
“Sabi ko naman kasi sa iyo bumaba ka na, ang tigas kasi ng ulo mo eh!” naiiyak na ring wika ng kaibigan.
“Anong nangyari rito?” ma-otoridad na tanong ng isang lalake.
Sabay pa silang napatingin sa pinanggalingan ng tinig na iyon. Si Charlie! Hindi nila namalayan ang paglapit ng binata.
“Are you okay Miss?” tanong pa nito sa kaniya.
Kasabay niyon ay ang pagluhod nito sa harapan niya. Dahil sa masakit talaga ang kaniyang pang-upo at balakang, hindi na niya napigilan ang mapaiyak.
“Shhh, ‘wag ka ng umiyak. Dadalhin kita sa clinic, kumapit ka lang sa akin,” pang-aalo nito sa kaniya.
Inayos pa nito ang nakataas niyang palda, saka dahan-dahan siyang iniangat ni Charlie, mula sa pagkakaupo niya sa sementadong sahig.
‘Oh, my hero! Shocks! Nakita niya ang mga hita ko!’ sambit pa niya sa kaniyang isip.
Kahit may nararamdaman ng masakit sa kanyang katawan, ay nakuha pa rin niyang kiligin.
“Isusunod ko na lang iyong mga gamit ni Trixie sa clinic,” pahabol namang sabi ni Jackie, ng tila nahimasmasan na sa kaganapan.
Hindi na niya pinansin ang kaniyang kaibigan. Buong atensiyon niya kasi ay na kay Charlie lang. Titig na titig siya sa nakakunot nitong noo habang buhat-buhat siya nito. Parang walang kahirap-hirap na binuhat siya ng binata.
‘Bakit ang perfect ng mukha mo my bhe-bhe mi amore?’ tanong pa niya sa kaniyang isip.
Sa clinic, agad siyang inasikaso ng nurse na nandoon. Dahil wala silang X-ray machine sa paaralan, pinadala siya sa pinakamalapit na hospital para matignan. Tinawagan din ng paaralan ang kanyang mga magulang, upang ipaalam sa mga ito ang nangyari sa kaniya.
Samantala, hinintay ni Charlie ang kaibigan ni Trixie sa clinic upang kunin ang mga gamit nito. Matapos maisakay sa service si Trixie, binilinan niya itong susunod na lang sa ospital para sa kaniyang mga gamit. Kasama naman ni Trixie ang isang medical staff kung kaya’t alam niyang magiging ligtas ang dalaga.
“Charlie!” humahangos na wika ng kaibigan ni Trixie sa kaniya.
Nilingon naman niya ito at sinalubong upang kunin ang mga gamit ni Trixie. Pagkaabot niyon sa kaniya, ay sumilip pa ito sa loob ng clinic.
“Nasaan na ang lukaret kong kaibigan?” tanong nito sa kaniya.
“Dinala na siya sa ospital pra matignan kung may nabali bang buto sa kaniya,” sagot naman niya rito.
“Ahhh, okay. So ikaw na ba ang maghahatid ng mga gamit niya? Kasi puwede namang ako nalang,” anito sa kaniya.
“Ako na, gusto ko rin naman makasigurong ayos na ang kalagayan ng kaibigan mo.”
“Hmmm, okay, salamat kung ganoon. Paano ba iyan, mauuna na ako sa iyo. Salamat ulit!” nakangiting paalam na nito sa kaniya.
Tinanguan naman niya ito bilang tugon, saka nag-umpisa na ring lumakad patungong sakayan. Ihahatid lang niya ang bag ng dalaga bago siya umuwi sa kanilang bahay.
“Ano na naman ba kasing kalokohan ang pinaggagawa mong bata ka? Bakit ka umakyat ng puno?”
Napangiwi si Trixie nang marinig ang paglilitanya ng kaniyang ina. Para itong armalite na dirideretso sa pagsasalita. “Ma, okay na po. Wala namang nabali sa akin, nabugbog lang ang balakang ko kaya may pasa at masakit,” nakalabing sabi niya sa ina.
“Aba’t hihintayin mo pang may mabaling buto sa iyo? Mabuti at iyan lang ang napala mong bata ka! Naku kung hindi, malaki-laking gastusin na naman iyan,” sabi pa nito bago lumapit na ng tuluyan sa kaniya.
Hindi naman kasi sila mayaman kaya ang ina niya ay sobra-sobra kung manermon. May maliit silang talyer na siyang pinagkukuhanan nila ng kanilang panggastos sa araw-araw. Magkatulong ang kaniyang ama, at kuya Tisoy niya sa pagma-manage nito. Naiintindihan naman niya ito, at isa pa ganito lang ang kaniyang ina. Ngunit mahal naman siya nito, hindi lang talaga halata. Siyempre siya ang unica hija nito, at bunso sa apat na magkakapatid.
“Patingin nga ako,” maya-maya’y sabi ng kanyang ina nang makalapit ito sa kaniya.
Iniangat nito ang kaniyang palda na labis niyang ikinagulat. Naka-cycling shorts siya, pero siyempre nahihiya pa rin siyang ipakita rito ang kaniyang pasa. Nasa ospital kaya sila!
“Ma, ibaba mo na po, sa bahay mo na lang tignan nakakahiya!” reklamo pa niya habang hinihila pababa ang kaniyang palad.
“Sus, ang arte mo anak, tayo lang naman ang nandito,” pangungulit pa rin ng kaniyang ina.
Nasa ganoon silang tagpo nang pumasok si Charlie. Nanlaki ang kaniyang mga mata, at pilit hinila ang kaniyang paldang hawak pa rin ng kaniyang ina.
“Ma, ibaba mo na may tao!” At sa wakas naibaba na niya ang kaniyang palda na kanina pa hinihila ng ina.
“Sorry po, dinala ko lang po itong bag ni Trixie,” nakayukong saad ni Charlie.
Tila nahihiya ito sa kanila ng mama niya, kaya inilipag na lang nito ang kaniyang bag sa upuang malapit sa pintuan. “Mauuna na rin po ako,” magalang na paalam pa nito sa kanila.
“Charlie!” tawag niya rito.
Lumingon naman ito sa kaniya at seryoso ang mukha nitong nakatingin lang sa kaniya. ‘Shocking! Ang pogi mo talaga mi amore!’ sabi pa niya sa kaniyang isip.
“Salamat sa pagdala sa akin sa clinic kanina… At sa pagdala ng bag ko,” pa-cute pa niyang wika rito.
Tinanguan lang siya ni Charlie at saka umalis. Napangiti naman siya at kinilig sa simpleng tangong iyon ni Charlie sa kaniya.
“Kirengkeng ka Trixie! Crush mo ang binatilyong iyon ‘no?” nanunuksong saad ng kaniyang ina, pagkaalis na pagkaalis ni Charlie.
“Si mama talaga lakas maka-imagine,” paiwas na sagot niya rito.
Cool naman ang mama niya, kaso nahihiya siyang umamin dito. Siyempre, alaskador din kasi ang mama niya. “Ay sus, kunwari ka pa diyan. Eh bakit ka namumulang parang kamatis?” nakangisi pang sabi ng kaniyang ina.
Agad naman siyang napahawak sa kaniyang pisngi, na kikinatawa ng kaniyang ina. Nakangusong hinarap niyang muli ito. “Mama naman eh! Nasaan na ba si kuya ng makauwi na tayo?” Kunwa’y hanap niya sa kaniyang kapatid, bago pa may maisip na namang itanong ang kaniyang ina.
“Paakyat na ang kuya Tisoy mo inutusan ko kasing magbayad sa baba,” sagot naman ng kaniyang ina, habang inaayos nito ang kaniyang bag.
Nanatili siyang naka upo sa hospital bed hanggang sa dumating ang kuya Tisoy niya. Agad siyang nilapitan nito at pabirong kinutusan.
“Ayan kakulitan mo ano ka ngayon?” sabi pa nito sa kaniya.
“Aray kuya ha! Masakit naman grabe ka sa akin!” reklamo pa niya rito habang inaayos ang kaniyang mahabang buhok.
“Para kutos lang nagre-reklamo ka na diyan, samantalang mas masakit ang mahulog sa puno!” nakangisi pang wika nito.
“Hoy, kayong dalawa itigil niyo na iyan at tayo’y uuwi na,” maya-maya ay awat ng kanilang ina.
“Halika na bunso sampa na sa likod ko.”
Pumwesto pa ang kuya niya sa kaniyang harapan. Dahan-dahan naman siyang kumapit sa balikat ng kuya niya, at nang mai-angat siya, agad siyang humilig sa balikat nito.
“Thank you kuya!” Hinalikan pa niya ang batok ng kapatid.
“Sira ulo ka baka maihulog kita ‘wag mo akong harutin!” saway nito sa kaniya, tila nakiliti kasi ito sa kaniyang ginawa.
Tatawa-tawa naman siya at hindi na nga inistorbo ang kapatid. ‘Nasaan na kaya si Charlie bhe-bhe ko? Napaka-sweet niya hinatid pa niya ang bag ko. Kilig much!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili.
Napapangiti na lang siya habang binabalikan ang nangyari kanina. Kaya muli niyang naihilig ang kaniyang ulo sa balikat ng kaniyang kuya, na ikinapitlag na naman nito.
“Ihuhulog na talaga kita diyan Trix ha! Sinabi nang ‘wag malikot!” naiirita na ang kuya niya base sa tono ng boses nito.
Malakas pala ang kiliti nito sa leeg. Muli siyang umayos sa pagkakapasan sa likod ng kuya niya. Hindi na nga siya muling naglikot hanggang sa makarating sila sa sasakyan nila. Nakangiti pa siya habang bumayahe. Dahil kahit nadisgrasiya siya kanina, blessings pa ring maituturing. Dahil napansin na siya ni Charlie sa wakas. Bonus pa dahil nayakap pa niya ito kanina, nang buhatin siya nito patungong clinic.