“Nikka!” tawag ni Alejandro. Hindi ako nakinig sa kanya. Diretso akong pumasok sa loob ng kuwarto na tinuluyan namin sa hotel. Luxury room ang pinili namin para malaki at puwede kaming hindi magkatabi matulog. Iyon naman kasi ang gusto ni Alejandro. Ayaw niyang tumabi sa akin matulog. “Nikka!” Hinawakan niya ang braso ko at sabay hila niya palapit sa kanya. “Ano ba!” sigaw ko. Hinigpitan niya ang hawak sa braso ko. “Bakit mo pinapapunta dito ang mga kaibigan mo?” “I want to enjoy my vacation here in Siargao. Remember, I should have been with my friends in Siargao the other day if you hadn't picked me up in Boracay.” "It’s our honeymoon, why are you ruining it?" “Our honeymoon is already ruined!” Tinulak ko siya. “Our honeymoon is already ruined!” Tumalikod ako sa kanya at pumaso