SEBASTIAN’S POV NAKATANAW ako habang paalis ang sasakyan ni Nikka. Pagkatapos, bumalik ako sa kotse ko. “Good bye, Nikka,” bulong ko. Naglalakad ako papunta sa kotse ko nang may humintong sasakyan sa harapan ko. Hindi ko ito pinansin kaya dumiretso ako sa paglalakad. “Sebastian!” Huminto ako at lumingon. “Noel?” Nakangiti siya habang papalapit. “Hello!” Nakipag-shake hands pa siya sa akin. Nakakunot ang noo kong nakatingin sa kanya. “I’m good.” “Mabuti naman at naabutan kita dito.” “How did you know na nandito?” “Well, hinanap kita dahil may kailangan ako sa ‘yo.” Kumunot ang noo ako. “Anong kailangan mo sa akin?” “Puwede ba natin pag-usapan ‘yan?” “Okay.” Sumakay ako sa kotse at sumunod naman ang sasakyan niya. Sa pinakamalapit na restaurant kami pumunta ni Noel. “Bakit mo