CHAPTER 9

2256 Words
SINANDAL ko ang likod ko sa malambot na sofa habang nakataas naman ang paa ko sa maliit na mesa sa harapan ko. “What did Alejandro do to you?” tanong ni Kuya Noel. Hinilot ko ang sintido ko. “He didn't do anything.” “Are you sure?” Tumango ako bilang tugon sa kanya. “He followed me to Boracay to bring me back to Manila.” “What happened to your neck?” Mabilis kong tinakpan ng kamay ang leeg ko. Hindi ko napansin na namula ang leeg ko sa mahigpit na pagkakahawak ni Alejandro kanina. “I-I had an allergy” Umiwas ako ng tingin para hindi ko magawang sabihin ang totoo. “You don't have to defend Alejandro. I know he hasn't been good to you since our parents arranged your marriage.” “Kuya, Ali didn't do anything wrong to me.” Bumuntong-hininga siya. “Papuntahin ko ang personal doctor natin para matingnan kung anong nangyari sa leeg mo.” “Hindi na kailangan mawawala rin ito.” “Don't be stubborn.” Wala na akong nagawa kung hindi ang tumahimik. Hindi naman ako mananalo sa kanya. Minsan ang hirap maging bunsong babae. Masyado akong protektado ng mga kapatid kong lalaki. Habang nagpapahinga ako ay tumunog naman ang telepono ko. “Hello, Jesica!” “Nikka, nakauwi ka na ba?” “Yes, nandito na ako sa bahay.” “Nandito si Sebastian at hinahanap ka.” “Sabihin mo hindi na ako babalik diyan dahil nandito na ako sa Manila.” “Girl, mukhang malala ang tama sa iyo ni Sebastian.” Bumuntong-hininga ako. “Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano. Kailan kayo babalik dito sa Manila?” “Hindi ko alam kay Steven. Gusto pa niyang pumunta sa Siargao.” “Enjoy na lang.” “Hindi ka na ba susunod sa amin sa Siargao?” “Sinundo na ako ni Ali pabalik dito sa Manila.” “Sus! Sinundo ka lang ayaw mo ng bumalik. Hindi pa kayo mag-asawa kaya magagawa mo pa ang lahat ng gusto.” “Gusto ko rin magpahinga para fresh ako sa kasal ko.” “For sure si Alejandro, kung sino-sinong babae ang kasama o kaya baka magkasama sila ng ex-girlfriend niya. Samantalang ikaw, nagmumukmok diyan sa mansyon n’yo.” “Hindi ‘yon gagawin ni Ali.” Tumawa si Jessica. “Girl, kayang gawin ‘yon ni Alejandro. Bago pa siya nagseryo sa babae, marami na siyang pinaiyak na babae.” “Tumawag ka ba para mag-overthink ako?” “Tumawag ako para yayain ka na mag-enjoy.” “Hindi na nga puwede dahil may pag-uusapan kaming importante ni daddy.” “Okay, wala na akong masabi.” “Ingat kayo and enjoy.” Pinutol ko ang tawag niya at muli kong pinikit ang mga mata ko. NANG magising ako ay nasa loob na ako ng kuwarto ko. Marahil ay binuhat ako ng Kuya ko ng makita niyang nakatulog ako sa sofa. Bumangon ako para lumabas at kumain ng hapunan. “Good evening, Ma’am Nikka!” wika ng katulong. Tumango ako bilang tugon sa kanya, pagkatapos ay dumiretso ako sa kusina para kumain. Nang makita naman ako ng isang katulong namin ay nagmamadali siyang maghain ng pagkain. “Kumain na sila?” tanong ko. Tumango ang katulong namin. “Kanina pa silang alas-siyete ng gabi kumain ng hapunan.” Nang tumingin ako sa wall clock ay nakita kong alas-diyes na pala ng gabi. “Okay.” Nagpatuloy ako sa pagkain habang nakatayo ang katulong at nag-aabang ng utos. “Maraming salamat sa masarap na hapunan,” sabi ng matapos akong kumain. Babalik na sana ako sa kuwarto ko ng makita ko si mommy na nakatayo sa may beranda. Palapit na ako sa kanila ng marinig kong binanggit nila ang pangalan ko. “Dong, sigurado ka ba na gusto mong ituloy ang kasal ni Nikka at Alejandro?” tanong ni daddy. “Day, alam mong pangarap ni Nikka na makasal kay Alejandro.” “Pero alam natin na hindi mahal ni Alejandro si Nikka. Ayokong masaktan ang anak natin dahil hinayaan natin siyang magpakasal.” Tumulo ang luha ko ng marinig ko ang pinag-uusapan nila. Hindi ko akalain na alam ni daddy na hindi ako mahal ni Alejandro. Alam rin nila ang magiging buhay ko kapag nagpakasal ako kay Alejandro, pero hinahayaan nila ako sa gusto ko. “Mom, Dad…” Sabay na lumingon si daddy at mommy sa akin. “Nikka!” Lumapit sa akin si mommy at niyakap ako. “Mom, narinig ko ang pinag-uusapan n’yo ni Daddy.” “Nikka, maybe you'll change your mind. Marriage is tough, and getting an annulment here in the Philippines is even tougher.” Tumango ako habang nakatingin sa kanila. “I love Alejandro and I believe he'll learn to love me.” “What if he doesn't, Anak?” “Mom...” “You're our only daughter. We just want you to be happy.’ Pinunasan ko ang luha ko gamit ang daliri. “Pangako ko sa inyo, hindi ako papayag na apihin ni Alejandro.” Niyakap ako ng mahigpit ni mommy. “Okay, anak.” KINABUKASAN, maagang bumisita ang magulang ni Alejandro sa bahay namin. Sabay kaming kumain ng tanghalian habang masayang nag-uusap si mommy at ang magiging biyenan ko. “Amiga, bakit hindi n’yo kasama si Alejandro?” “Tulog pa siya ng umalis kami.” “Mukhang napagod sa biyahe niya kahapon kaya mahaba ang tulog,” wika ni mommy. “Pumunta sa bahay ng kaibigan niya kagabi. Inumaga na mga siyang umuwi kaya hindi na namin ginising,” sagot ng mommy ni Alejandro. Sandali akong huminto sa pagkain. “Tita, sinong kaibigan ni Ali?” Nagkibit-balikat siya. “Hindi niya sinabi ang pangalan.” Tumango ako bilang pagsang-ayon. Gayunpaman, hindi ako kumbisido sa sinabi ni Alejandro sa magulang niya. “Excuse me!” sabi ko. Lahat sila tumingin sa akin. “Nikka, tapos ka ng kumain?” tanong ni Mommy. “Mom, nakalimutan ko may importante pala akong pupuntahan ngayon.” “Okay, mag-ingat ka.” Lumapit ako sa magulang ni Alejandro para magpaalam, pagkatapos ay pumunta ako sa kuwarto ko para kunin ang bag at susi ng kotse. “Talaga bang sa kaibigan ka pumunta kagabi?” bulong ko. Pinaharurot ko ang sasakyan ko palayo upang puntahan ang kaibigan ni Beatrix. Kung kaibigan ni Alejandro ang tatanungin ko, siguradong hindi sila magsasabi sa akin ng totoo. Pumasok ako sa loob ng coffee shop kung saan nagtatrabaho ang kaibigan ni Beatrix. Umupo ako at tinawag ko ang waiter. “Excuse me, nandiyan ba si Lita?” “Opo, kumakain lang po siya ng lunch.” Ngumiti ako. “Okay, pa-order ako ng amerikano.” “Okay, Ma’am.” Habang hinihintay kong dumating ang kaibigan ni Beatrix ay unti-unti kong ininom ang order kong kape. Pagkalipas ng kalahating oras, nakita kong bumalik ang kaibigan ni Beatrix. Gulat na gulat siya ng makita niya ako. “Anong ginagawa mo rito?” Nakita ko ang pamumutla ng mukha niya. Kapag kasama siya ni Beatrix, nagpapanggap siyang sosyal na babae. Katulad siya ng kaibigan niyang naghahanap ng lalaking magbibigay ng luho nila. “Sit down.” “Oras ng trabaho ko.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Binayaran ko na ang buong araw mo kaya umupo ka.” Walang nagawa si Lita kung hindi ang umupo sa harap ko. “Anong kailangan mo sa akin?” Kinuha ko ang tseke sa loob ng bag ko at pinirmahan ko ‘yon. “Para sa iyo.” “Para saan ang pera na ‘yan?” Ngumiti ako. “Gusto ko lang malaman kung magkasama si Alejandro at Beatrix kagabi?” “Tsk! Kung ako sa iyo itatali ko sa palda ko si Alejandro para hindi mawala sa paningin mo.” Tinaasan ko siya ng kilay. “Sino ka para magsalita sa akin ng ganyan? Baka nakakalimutan mong kayang-kaya kitang tanggalin sa trabaho mo sa isang kurap lang ng mga mata mo.” Bigla siyang tumahimik. “Magkasama nga sila kagabi ni Beatrix. Natulog si Alejandro sa condo ni Beatrix.” Umakyat ang dugo ko sa ulo. “Hindi ka ba nagsisinungaling sa akin?” Kinuha niya ang telepono niya at pinabasa niya sa akin ang conversation nila sa chat. Kuyom ang kamao ko sa galit lalo ng makita ko ang mga larawan nilang dalawa. Hayop ka talaga! “Ano? Masakit ba?” pang-asar pa siyang tumawa, pagkatapos kinuha niya ang tseke. “Sahod ko ng isang buwan ito. Kung may gusto kang malaman tungkol sa kanila sabihin mo lang.” Hinalikan pa niya ang tseke. Tinitigan ko ng masama si Lita. “Saan ang condo ni Beatrix?” “Kahit sabihin ko sa ‘yo hindi mo siya maabutan sa condo niya.” “Bakit?” “Wala siya sa condo niya ngayon.” “Gusto ko pa rin malaman kung saan ang condo niya para sundan ko si Alejandro.” Umiling-iling. “Kawawa ka naman, pero sige sasabihin ko sa ‘yo kung saan para naman hindi masayang ang binayad mo sa akin.” HALOS paliparin ko ang sasakyan ko patungo sa condo ni Beatrix. Hindi ako naniniwala na wala si Beatrix sa condo niya. Siguradong tulog pa rin siya katulad ni Alejandro ngayon. Halos kalahating oras ang ginugol ko sa biyahe bago ako nakarating sa condo niya. Dire-diresto akong pumasok sa condominium at sumakay sa elevator patungo sa eight-floor. Nang bumukas ang elevator sa eight-floor ay lumabas na ako. Naglakad ako para hanapin ang unit niya. Huminga muna ako ng malalim ng pindutin ko ang doorbell. Wala pang dalawang minuto ay bumukas ang pinto. “N-Nikka!” Nagulat ako dahil si Alejandro ang bumungad sa akin. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ko. Seryoso siyang tumingin sa akin. “Ikaw, anong ginagawa mo rito?” Hindi ako nakapagtimpi sinampal ko siya. “Hayop ka!” Imbes na matakot siya ay matalim niya akong tinitigan. “Umalis ka na bago pa magdilim ang tingin ko sa iyo.” Hindi ako natakot sa kanya. Tinulak ko siya ng malakas kaya nagawa kong makapasok sa loob ng condo. “Alejandro, sino ang bisi— “Malandi ka!” Sabay sampal ko kay Beatrix. “Aray!” Mangiyak-ngiyak niyang sabi. Nakatapis lang siya ng tuwalya at katatapos pang niyang maligo. “Nikka!” sigaw ni Alejandro. Sa galit ko at hinila ko ang buhok ni Beatrix at kinaladkad ko siya palabas. “Aray! Alejandro, tulungan mo ako!” Umiiyak na sabi ni Beatrix. Lumapit naman sa akin si Alejandro, pero sa sobrang galit ko ay hindi niya ako napigilan. Hinubad ko ang suot kong sandals na may mataas na takong at hinampas ko kay Alejandro. “Hayop ka! Huwag mo akong pigilan!” sigaw ko. Nagawang kong kalakadkarin sa labas si Beatrix. Nakita ito ng ibang mga tao sa katabing unit na lumabas dahil sa ingay. “Itong babae na ‘to! Malandi ang babae na ‘to! Kung sino-sinong lalaki ang sinisipingan! Pati ang lalaking pakakasalan ko inakit niya!” Sinabunutan ko pa si Beatrix. “Nikka, stop!” Hinawakan ako ni Alejandro sa bewang at binuhat palayo kay Beatrix. “Bitawan mo ako! Hayop ka!” Nagsisigaw ako hanggang sa bitbitin niya ako palabas ng condominium. Sapilitan niya akong sinakay sa kotse niya. “Son of a b***h!” galit na sigaw ni Alejandro. “Hayop! Hayop!” Pinagsusuntok ko siya. “Stop it!” Ambahan sana niya ako ng suntok, ngunit napigilan niya ang sarili niya. “Ano? Bakit hindi mo tinuloy? Suntukin mo ako ng maghimas rehas kayo ng malandi mong ex-girlfriend!” “Bakit ka ba nandito?!" “Ikaw, bakit nakikipagkita ka pa rin sa kanya?!” “Mahala ko pa rin si Beatrix!” Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa sinabi niya. Alam ko naman na mahal niya pa rin ito, pero masakit pala kapag paulit-ulit na sinasabi. Pinigilan kong ‘wag tumulo ang luha. “Makakarating ito sa magulang ko.” “Go ahead! Isumbong mo ako hanggat gusto mo. Hindi magbabago ang pagmamahal na nararamdaman ko kay Beatrix. Siya ang mahal ko at hindi ikaw.” “Hayop ka!” Sinampal at sinuntok ko ulit siya. “Hindi lang ‘yan ang mararanasan mo kapag naging mag-asawa na tayo. Gagawin ko ang gusto ko at hindi mo ako mapipigilan!” Kulang na lang ay patayin ko siya sa tingin ko. Lumabas ako ng kotse niya at bumalik ako sa security guard. Kinuha ko ang batuta niya at pinaghahampas ko ang salamin ng kotse ni Alejandro habang nasa loob siya. “Ma’am, tama na po.” Inagaw sa akin ng security guard ang batuta niya. “Damn it!” Tumalikod ako at sumakay sa kotse ko. Habang binabagtas ko ang daan pauwi ay tinawagan ko si Kuya Noel. “Nikka, bakit ka tumawag?” “Kuya, puwede mo ba akong tulungan?” “Anong tulong ang gusto mo?” “Turuan mo ng leksyon si Alejandro at ang ex-girlfriend niya.” “Bakit anong nangyari?” “Magkasama sila kagabi at nakita ko silang magkasama ngayon sa condo.” “Are you okay?” “Y-Yes, I’m okay.” “Ako ng bahala sa kanilang dalawa. Mag-ingat ka sa pagda-drive.” “T-Thank you, Kuya Noel.” “Focus ka sa pagda-drive mo,” sabi niya bago ko putulin ang tawag. Galit na galit ako sa kanilang dalawa, pero hindi ko hahayaan na maaksidente ako dahil sa galit ko. Ayokong tuluyang maging masaya ang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD