ALAS-DOSE ng madaling araw, hindi pa rin umuwi si Alejandro. Kanina ko pa siya tinatawagan ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. “Where are you, Ali?” bulong ko. Gusto kong sanang tawagan ang magulang niya para tanungin kung nandoon siya sa mansyon nila, ngunit ayokong isipin nila na may problema kaming dalawa ni Alejandro. “Ali, sagutin mo ang tawag ko,” bulong ko. Hindi pa rin niya sinagot ang tawag ko sa kanya. Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Sa sala na lang ako maghihintay sa kanya. Binuksan ko ang telebisyon at nanonood ako ng movie habang naghihintay sa kanya. Sinikap kong libangin ang sarili ko para hindi ako mainip sa kahihintay sa kanya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil may naririnig akong nag-uusap. Nang idilat ko ang mga mata ko, nakit