NAGISING ako nang makarinig ako ng ingay at nang tumingin ako sa paligid ay napakapit ako sa puting comforter na nagsisilbing takip sa katawan ko.
Halos hindi ko na ulit magawang iangat ang mukha ko dahil nahihiya ako sa mga tao sa paligid namin. Kahit na nga alam kong planado ko na ito simula kagabi ay nahihiya pa rin ako.
Bakas sa mukha ni Alejandro ang labis na pagtataka. "H-Hindi ko alam ang nangyari." Napahawak pa siya sa ulo niya habang nakayuko. Iniisip niya siguro kung paano kami nakarating sa kama na walang saplot.
"Ipaliwanag n'yo sa amin ito!" galit na sigaw ni Mommy.
Umiwas ako ng tingin. Alam kong kahit hindi ko sabihin kay Mommy ang totoo. Alam niyang ako ang may kagagawan ng lahat ng ito, pero dahil anak niya ako ay magpapanggap siyang walang alam.
Nanginginig ako at sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi madali ang ginawa kong ito lalo na at kaharap namin ang mga magulang namin.
Tumingin sa akin si Alejandro. "Anong nangyari sa atin? Bakit nandito sila?" tanong ni Alejandro.
Umiling ako. "H-Hindi ko alam! Ang alam ko lang at sinamahan kitang uminom dahil sa panlolokong ginawa sa iyo ng girlfriend mo," alibi ko.
Sinadya kong sabihin 'yon para malaman ng Daddy ni Alejandro na niloko siya ng girlfriend niya.
"Totoo ba ang sinabi ni Nikka na niloko ka ng girlfriend mo?" tanong ni Don Emilio.
Tinapunan niya ako ng matalim na tingin. "f**k you."
"H-Hindi ba nila alam? Oh, I'm sorry! I'm sorry!" Umiyak ako ng malakas para mag mukha ako biktima sa nangyari.
Lumapit sa akin si Mommy at niyakap ako. "Huwag ka ng umiyak."
Yumakap ako kay Mommy. "Mommy, I'm sorry! Hindi ko alam ang ginawa ko."
"It's okay!" Binaling ni Mommy ang tingin kay Alejandro. "Hindi ako papayag na hindi mo pakasalan ang anak ko. Nag-iisang babae lang siya at iniingatan namin siya." Galit na sabi ni Mommy.
Ngayon, alam ko na kung kanino ako nagmana sa pagiging magaling umarte.
"No! Hindi ko pakakasalan si Nikka. Hindi ko siya mahal!" sigaw ni Alejandro.
Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa sinabi niya. Ang sakit pala na marinig na hindi ka mahal ng taong mahal mo.
Sinuntok siya ni Don Emilio. "Pagkatapos mong magpakasarap 'yan ang sasabihin mo! Pakakasalan mo siya sa ayaw at gusto mo!" galit na sigaw ng Daddy niya.
"Hindi kami papayag na hindi mo pakasalan si Nikka kaya kahit ayaw n'yong dalawa ay magpapakasal kayo," ani Daddy.
Nakaramdam ako ng takot sa pagiging kalmado ni Daddy. Kapag ganito ang kinikilos niya ay siguradong galit na galit na siya. Hindi niya lang kayang ipakita ang galit niya sa iba dahil Gobernador siya ng lalawigan.
"Kaibigan lang ang turing ko kay Nikki
Hindi ko siya kayang pakasalan dahil mahal ko pa rin ang girlfriend ko."
"Pagkatapos kong malaman na niloko ng girlfriend mo sa tingin mo papayag pa akong magpakatanga ka!" Dinuro siya ni Don Emilio. "Pakakasalan mo si Nikki kung ayaw mong pulutin sa putikan." Sabay talikod niya. Sumunod naman si Daddy sa kanya.
"Anak, magbihis ka ng damit. Hihintayin kita sa labas," ani Mommy.
Tumango ako. "Thank you, Mom."
"Anong ginawa mo!" sigaw niya sa akin.
Kung nakakamatay ang tingin niya. Siguro kanina pa ako patay.
"W-Wala akong ginawa! Hindi ko alam kung anong nangyari!" alibi ko.
"Sinungalinga ka!"
"Bakit ka nagpakalasing kung wala kang natandaan?"
"Ang alam ko si Beatrix ang kasiping ko at hindi ikaw!"
Sinalubong ko ang tingin niya. "Ikaw pa ang may ganang magalit pagkatapos mong makuha ang gusto mo!"
"Hindi ko ito ginusto! Kahit kailan wala akong naramdaman pagnanasa sa iyo dahil kaibigan lang ang turing ko sa iyo! Kaya imposibleng pagsamantalahan kita nang lasing ako."
Tumulo ang luha ko. Ngunit sa pagkakataon na ito ay totoo na. Umiyak ako dahil sobrang sakit na sinabi niya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit hindi ko siya nagawang akitin kahit magsuot ako ng s*x na damit.
"G-Ganon ba? So, gusto mong palabasin ako ang gumawa nito para mapilitan kang magpakasal sa akin?"
"Nakakaawa ka! Ginawa mo ang lahat para makuha ako."
"Wala akong ginawa! Hindi ko ito ginusto!"
Pinisil niya ang pisngi ko habang halos manlisik ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Nasasakatan ako pero hindi ko ipinakita sa kanya.
"Ito ang tatandaan mo! Maaring sa iyo ang katawan ko pero hindi mo makukuha ang puso ko kahit anong gawin mo. Kinamumuhian kita!" Sabay tulak niya sa akin. Tumayo si Alejandro at padabog na sirado ang pinto ng banyo.
Pinunasan ko ang luha kong nag-uunahang tumulo. "Tiisin mo ginusto mo 'yan," kausap ko sa sarili ko.
DALAWANG araw ng lumipas matapos magdesisyon ang magulang namin na magpakasal kami. Agad na kumalat ang balita na kami ang magpapakasal dalawa ni Alejandro. Hindi pa rin kami nagkikita o kahit nagkakausap ni Alejandro pagkatapos ng nangyari sa amin. Tanging ang Daddy niya lang ang pumupunta sa bahay namin para pag-usapan ang kasal namin. Hindi sila pumayag na simpleng kasal ang magaganap dahil sampal ito sa kanila.
Nakadapa ako sa kama ko nang makarinig ko ang katok sa pintuan. Sa halip na buksan ko iyon ay nanatili akong nakahiga ng nakadapa. Nalulungkot ako dahil hindi ako kinakausap ni Alejandro ngayon.
Narinig kong bumukas ang pinto ng kuwarto ko. "Anak…" boses iyon ni Mommy.
Lumingon ako sa kanya. "M-Mommy!"
Lumapit sa akin si Mommy at niyakap niya ako. "Bakit hindi ka kumakain?"
"Mom, I'm sorry!"
"Sshh! Huwag kang humingi ng tawad sa akin. Alam kong sobrang mahal mo si Alejandro kaya mo nagawa ang ganitong bagay. Huwa kang mag-aalala dahil matutuloy ang kasal n'yo."
Tuminga ako para tumingin kay Mommy. "Paano kami magpapakasal kung hindi naman nagpapakita si Alejandro. Ayaw niya akong tawagan at i-text. Noon, araw-araw siyang may text sa akin."
"Intindihin mo na lang siya. Hindi lang niya matanggap ang nangyari sa inyong dalawa. Basta kapag kasal na kayo ay gawin mo ang lahat para matuto ka niyang mahalin."
"Sa tingin n'yo ba matutunan akong mahalin ni Alejandro?"
Tumango si Mommy at ngumiti sa akin.
"Oo naman, maganda ka, sexy, mabait. Walang lalaki ang hindi magkakagusto sa iyo."
Muli kong niyakap ng mahigpit si Mommy. Pasalamat na lang ako dahil sinoportahan ako ni Mommy kahit alam niyang mali ang ginawa ko.
"Magpapadala ako ng pagkain dito kumain ka," sabi bago siya lumabas ng kuwarto.
Tumango ako. "Thank you."
Ilang minuto ang lumipas ay dumating ang katulong namin na may dalang pagkain. Tulad ng pinangako ko kay Mommy ay kumain ako.
Nang halos maubos ko na ang pagkain ko sa plato ko ay tumunog ang cellphone ko. Lumundag ang puso ko nang makita ko sa screen ang pangalan ni Alejandro. Agad kong sinagot ang tawag niya.
"Hello! Ali!" Bakas sa boses ko ang labis na tuwa.
"Mukhang excited kang marinig ang boses ng boyfriend ko," boses iyon ni Beatrix.
Napawi ang ngiti ko sa labi nang marinig ko ang boses ni Beatrix. Madiin ang pagkakahawak ko sa phone na parang gusto kong itapon.
"Bakit ginagamit mo ang phone ni Ali?"
Tumawa siya ng malakas. "Ang kapal talaga ng mukha mo! Gumawa ka ng paraan para agawin mo sa akin si Alejandro.
"Ikaw ang nanloko kay Alejandro!" sigaw ko.
"Hindi mo mabibilog ang utak ni Alejandro. Kawawa ka naman sinubukan mo siyang agawin sa akin pero hindi ka nagtagumpay." Tumawa siya ng malakas bago niya pinutol ang tawag.
"s**t!" Sinubukan kong tumawag ngunit nakapatay ang phone niya.
Nagmadali akong lumabas ng kuwarto para puntahan si Alejandro.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Mommy.
Hindi ako sumagot sa kanya tumakbo ako papunta sa garahe.
"Nikka!" tawag ni Mommy.
Nakita ko si Kuya Louie na kalalabas lang ng kotse niya.
"Where are you going?" tanong niya
Hindi ko rin siya sinagot sa halip ay sumakay ako ng kotse at pinaharurot ko patungo sa condo ni Alejandro. Habang binabagtas ko ang daan ay tunog nang tunog naman ang phone ko. Hindi ko iyon pinansin dahil alam kong si Mommy ang tumawag sa akin.
Pagbukas ko ng pinto nakita ko si Alejandro at ang girlfriend niya naghahalikan sa may sofa. Umakyat ang dugo ko sa ulo ko kaya sinugod ko sila. Hinila ko ang buhok ni Beatrix papunta sa may pinto.
"Hayop kang babae ka!" sigaw ko. Sinabunutan ko siya at pinagsasampal. Hindi niya magawang abutin ang buhok ko dahil tinali ko ito sa tuktok ng ulo.
"Tumigil ka na Nikka!" Sigaw ni Alejandro. Hindi pa siya nakontento dahil hinawakan niya ako ng mahigpit saka aambahan ng suntok.
"Hayop ka!"
"Kuya Louie!" sigaw ko.
Bumagsak sa sahig si Alejandro nang suntukin siya ni Kuya Louie.Hindi ko alam na sinundan pala nila ako.
"Louie tama na 'yan!" awat ni Mommy.
Bumangon si Alejandro at pinunasan ang dugo sa bibig niya. "Pati ba ito ay plano ni Nikka?" pang-asar pa siyang tumawa.
Dinuro ni Kuya Noel si Alejandro. "Hayop ka! Subukan mong lokohin ang kapatid ko papatayin kita!"
"K-Kuya! Tama!"
Matalim akong tinitigan ni Alejandro.
"Huwag kayong mag-aalala pakakasalan ko si Nikka."
"Alejandro! Paano naman ako?" Sabat ni Beatrix.
"Tapos na ang lahat sa atin kaya umalis ka na."
Umiyak si Beatrix at tumakbo palayo.
Tumahimik ako. Alam kong sinabi lang iyon ni Alejandro para umalis si Beatrix at hindi na masaktan."
"Nikka!" tawag niya sa akin nang palabas na ako ng condo niya.
Huminto ako pero hindi humarap sa kanya. "Gagawin kong miserable ang buhay mo."
Lumunok ako para pigilan ang luha ko saka nagmadali akong sumunod kay Kuya at Mommy.