NAGISING ako nang marinig ko ang ingay ng pinto. Wala si Alejandro sa tabi ko kaya bumangon ako para lumabas at hanapin siya. “Nasaan na naman kaya siya?” Pangalawang beses na niya itong ginawa. Noong una, kagabi sa ospital. Akala ni Alejandro, hindi ko napansin ang mantsa ng lipstick sa suot niyang puting polo. Hinayaan ko na lang siyang maniwala na hindi ko alam na umalis siya ng ospital para mambabae at hindi para uminom ng kape. Gusto kong konprontahin si Alejandro, pero baka ito ang umpisahan ng away namin. Tapos ngayon, wala na naman siya. Uminom muna ako ng tubig at binuksan ang pinto para hanapin siya. “Nasaan kaya siya?” Isasara ko na sana ang pinto nang makita ko siyang pauwi. “N-Nikka!” Nakita ko ang gulat sa mukha niya. “Saan ka galing?” "Ha? D-diyan lang sa labas." Tu