BISPERAS pa lang ng kasal namin, marami ng mga bisita ang pumunta at karamihan dito ay mga malalapit na kaibigan at kamag-anak namin. Hindi rin nawala ang mga naging kaibigan namin sa negosyo. “Nikka!” Nakangiti si Mommy nang lumapit sa akin. Ngumiti ako. “Bakit?” “Anak, lumabas ka na, Alejandro has been waiting for you since earlier." “Has he arrived?” “Yes, kailangan mong lumabas ng kuwarto mo dahil marami ka ng dapat gawin. Sasayaw pa kayo sa gitna para sabitan ng pera.” “Mommy, can we just not do that? It's not nice to ask for money from other people.” “Ganyan talaga ang kasal sa mga probinsya. Nagsasabit ng pera ang mga bisita. It's good for you to experience that because you only get married once.” Tumango ako. “Sige, lalabas na ako.” Tumingin sa akin si Mommy. “Okay na ‘yan