CHAPTER 27

1844 Words
ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere nang makalabas kami ni Sir Arwin sa isang restaurant na nasa loob ng mall. Nag-aya kasi itong kumain na raw muna kami bago umuwi sa mansion. Tatanggi na sana ako tutal naman at hindi pa ako nagugutom, at tatlong oras na lang ay maghahaponan na rin kami. Kaso hindi pa man ako nakakapagsalita bigla na nitong sinabi na he didn’t take no for an answer daw. Kaya hayon, napilitan na rin akong sumama rito nang pumasok ito sa isang mamahaling kainan. Medyo awkward lang sa pakiramdam. Kasi... kakaiba ang mga kilos nito ngayon. I mean, masiyadong showy, caring, ganoon. Nakakailang. At isa pa, naalala ko bigla ang date na inaalok nito sa akin nang nasa casa pa ako. Siguro, kunwari isinama ako nito rito sa mall at sinabing maybibilhin lang ito pero ang totoo ay gusto talaga ako nitong i-date. Ayokong mag-assume, pero iyon ang naglalaro sa isipan ko simula pa kanina. Although, may binili nga siya kanina. “Are you okay?” Napalingon ako rito nang marinig ko ang tanong nito. “Are you tired?” tanong pa nitong muli at hinawakan ang braso ko. “Um,” bahagya akong ngumiti. “Hindi naman po sir. Okay lang po ako.” Saad ko. “Uuwi na po ba tayo?” tanong ko pa. Saglit nitong itinaas ang braso upang tingnan ang suot nitong wrist watch. “Well, gusto ko pa sanang maglibot muna tayo saglit bago umuwi.” Anito. Right. This is a date. Pinlano ito ni Sir Arwin. “Pasensya na po kayo sir ah. Pero, kailangan na po nating bumalik sa mansion.” “Come on. One hour pa then we’ll go home. Gusto ko lang na makasama ka pa ng—” “Sir Arwin,” sabi ko upang putulin ang pagsasalita nito. “Sorry po. Pero, nakakahiya po kay Don Felipe. Nagtatrabaho po ako sa lolo ninyo. Baka kung ano pa ang isipin sa akin ng Don. Oras po kasi ngayon ng trabaho ko pero heto at narito ako sa mall kasama ka. Pinagbigyan ko na po kayo na samahan kayo rito.” Saad ko pa. Hindi naman ito agad nakapagsalita at tinitigan ako sa mga mata ko. “Kung gusto po ninyo, mauuna na lang po ako sa inyo. Magta-taxi na lang po ako.” Nagbuntong-hininga naman ito at pilit na ngumiti kahit bakas sa mukha nito ang pagkadismaya na hindi na ako pumayag ngayon sa gusto nito. “Alright.” Anito. “I’m sorry kung mapilit ako.” Tumango na lang ako at hindi na nagsalita. Nagpatiuna na akong naglakad. Umagapay naman agad ito sa akin. “Arwin!” Napalingon ako sa babaeng tumawag sa pangalan ni Sir Arwin. Matangkad ito, sexy, maputi at kulay blonde ang buhok na nakapusod naman. Fitted dress na kulay pula ang suot nito at ilang inches na heels. In other word, magandang babae ang tumawag kay Sir Arwin. Nang balingan ko naman ito ng tingin, biglang sumilay ang malapad na ngiti nito sa mga labi. “Luana!” anito at kaagad na sinalubong ang babae. Nagyakap silang dalawa pagkatapos ay nagpalitan ng halik sa pisngi. “How are you?” “I’m good. How about you?” “I’m fine. Wait, kailan ka pa dumating dito sa Pilipinas?” “Yesterday.” Nakangiti pa ring sagot ng babae. Oh, she’s pretty. I mean, mukhang perfect ang babaeng iyo. Mula sa maliit nitong mukha, pointed nose, rosy checks, red and kissable lips, long lashes, perfect eyebrows. Parang model ata ito sa abroad. Sa tindig pa lamang nito e. Ang liit-liit ng baywang at walang puson. Long legged pa. Lihim akong napabuntong-hininga nang malalim matapos kong suyurin ng tingin ang babae. Hindi naman ako na-insecure sa ganda nito. Ano lang... mukha kasi siyang walking doll. Ang akala ko ay sa palabas lang ako makakakita ng ganitong kasing ganda na babae, pero mayroon din pala sa personal. Nakatingin lamang ako sa kanila habang nag-uusap silang dalawa. Mayamaya ay lumingon sa akin si Sir Arwin. “By the way, this is Psyche.” Anito nang lumapit ito sa puwesto ko. Napatayo naman ako ng tuwid nang humakbang din ang babae palapit sa akin. Oh, damn! Nagmukha akong dwarf sa tangkad ng babaeng ito. “Hi. Nice to meet you!” matamis ang ngiting saad nito at inilahad sa akin ang kamay. Rude naman kung hindi ko tatanggapin ang kamay nito, kaya sa huli at nakipag-shake hands na rin ako. “Nice to meet you too, ma’am.” Pilit pa akong ngumiti. “She’s Luana, Psyche.” Saad ni Sir Arwin. “Nice too meet you po ma’am Luana.” “My pleasure.” Anito. “Is she your girlfriend, Ar?” tila nanunudyo pa ang ngiti nito sa mga labi at kumindat. “I’m hoping, in the near future kung sasagutin ako ni Psyche.” Malapad ang ngiti sa mga labing saad nito at tiningnan din ako. In the near future? Oh, wala akong balak na magpaligaw sa kaniya ’no. At isa pa, tinapat ko agad siya no’ng isang araw roon sa may swimming pool area na wala siyang aasahan sa akin kasi hindi ko siya gusto, tapos ngayon kung anu-ano ang sinasabi. Naku, kung hindi lang siya apo ni Don Felipe at kung hindi lang nakakahiya na harap-harapan ko itong babarahin, gagawin ko. Kaso, nakakahiya sa Don. “Wow! I like your taste. She’s pretty. I hope na sagutin ka nga niya... in the near future.” “I’m hoping.” Hindi na lamang ako umimik at muling nagbuntong-hininga nang malalim. “By the way, how’s tito Felipe?” mayamaya ay tanong nito. “Well, as of now nagpapagaling siya. Inatake na naman kasi ng sakit niya. But, he’s fine. Actually, si Psyche nga ang personal nurse niya.” “Really? Wow. So you’re a nurse pala?” “Hindi po ako nurse. Ako lang po ang nag-aalaga kay Don Felipe,” sabi ko. “Oh, I see.” Anito. “You know what, gusto pa kitang makausap Ar. But I have to go na. Someone is waiting for me kasi e.” Anito. “That’s alright. Go ahead. Let’s meet some other times. Hindi ka naman ata agad babalik sa New York?” Ngumiting itong muli. “Of course. And, I’m happy to see you again.” Muli silang nagyakap at nagpalitan ng halik sa pisngi bago tuluyang nagpaalam ang babae at naglakad na rin kami ni sir Arwin papunta sa basement parking ng mall. “ARE YOU SURE you’re okay, Psyche?” untag na tanong ulit sa akin ni Sir Arwin habang nasa biyahe na kami pabalik sa mansion. Saglit akong bumaling dito at muli ring itinuon sa labas ng bintana ang aking paningin. “Okay lang po ako sir. Siguro po... napagod lang ako sa paglibot-libot natin kanina sa mall.” Sagot ko. “I’m sorry, napagod pala kita.” “Ayos lang po sir.” Hindi naman na ito muling nagsalita. Hinayaan na ako. Naging tahimik kami pareho hanggang sa makarating na kami sa mansion. Alas sinco na rin ng hapon. Nang maiparada ni Sir Arwin sa garahe ang sasakyan nito ay kaagad din akong umibis sa front seat. Maglalakad na sana ako para maunang pumasok sa kabahayan, pero tinawag pa ako nito. “Psyche, wait lang.” Anito at nagmamadaling umikot papunta sa puwesto ko. Kaagad nitong iniabot sa akin ang white paper bag na dala nito. “For you.” Nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig sa paper bag na iyon bago tumitig din sa mukha nito. “Para sa akin po?” tanong ko. “Yeah.” “Bakit n’yo po ako binibigyan niyan?” “To say thank you kasi sinamahan mo akong lumabas.” Ah, may suhol pala ang pagsama ko rito ngayon. Pero hindi ko agad tinanggap ang paper bag na iyon. Ewan ko ba, pero parang ayokong kunin. Kung sana iyon ang paper bag na dala ni sir sungit kanina ang ibibigay sa akin, walang pagdadalawang-isip na tatanggpin ko iyon. “Ayos lang naman po ang isang thank you sir. Hindi n’yo na po ako kailangang suhulan.” Saad ko. “It’s not suhol, Psyche. I just want to give you this.” “Pero—” “Just... take this. Please!” anito at walang sabi-sabi na kinuha ang isang kamay ko at pilit na ibinigay sa akin ang paper bag. Wala naman na akong nagawa. Ngumiti ito sa akin. “I hope you like it.” Naramdaman ko pa ang masuyong pagpisil nito sa palad ko. Pasimple kong hinila ang kamay ko at pilit na ngumiti na lang. “Thank you po sir,” sabi ko na lang. “No. Thank you.” Tumango na lang ako. “Wala na po ba kayong kailangan sa akin? Pupuntahan ko na po ang Don Felipe.” “Let’s go. Sabay na tayong pumasok.” ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Kidlat sa ere nang makita niyang bumaba na sa front seat si Psyche. Tinitigan niya ang dalaga. Mayamaya ay huminto ito at lumapit dito si Arwin. May ibinigay ritong white paper bag na siyang nagpakunot sa kaniyang noo. Nag-usap ang dalawa pero hindi niya marinig dahil medyo malayo ang veranda ng kwarto niya sa garahe kung saan nakaparada ang sasakyan ni Arwin. Naroon na naman ang kakaibang kabog sa puso niya dahil sa nakikita niya ngayon. Ang inis na naramdaman niya no’ng isang araw habang nasa swimming pool area ang dalawa, maging ang inis na naramdaman niya kanina nang umalis ang mga ito papunta sa mall... parang pinaghalo ngayon. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman. Para bang naninibugho siya nang husto at gusto niyang tumalon sa kaniyang veranda upang lapitan ang dalawa. Lalo na no’ng makita niyang hinawakan ni Arwin ang kamay ni Psyche. Wala sa sariling napatiim-bagang siya kasabay niyon ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa kaniyang rock glass. “Oh, f**k! What is wrong with me? Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?” inis na tanong niya sa kaniyang sarili. Mayamaya, nang makita niyang sabay na naglakad ang dalawa papasok sa main door, inisang lagok niya ang laman ng kaniyang rock glass at nagmamadali siyang pumasok sa kaniyang silid at lumabas din doon. Oh, sweet Jesus! Bakit ba para siyang timang ngayon?! Malalaki ang kaniyang mga hakbang habang papalapit na siya sa may hagdan. Saktong naroon na siya ay nakita niya ang dalawa sa sala. Nagdahan-dahan siya upang hindi mahalata ng dalawa na nagmamadali siyang bumaba sa hagdan. Damn, tila may magnet ata ang dalaga at ayaw ng humiwalay ng kaniyang paningin dito. He wanted to stare at her. Nang mag-angat ng tingin si Psyche sa itaas ng hagdan ay nagsalubong ang mga paningin nila. Damn, his heart pounded. Bigla tuloy siyang napahinto sa pagbaba niya nang maramdaman niyang parang may bumundol sa dibdib niya. Sumikdo ang kaniyang puso na tila ba gusto nitong lumabas mula sa kaniyang ribcage. Fuck! Am I in love with her? Ang tanong na biglang nag-pop up sa kaniyang isipan habang nakatitig siya kay Psyche.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD