CHAPTER 13

1943 Words
HINDI ko alam kung bakit kusang pumikit ang mga mata ko habang magkahinang ang mga labi naming dalawa. Ramdam ko ring saglit na huminto sa pagtibok ang aking puso. Parang pati ata ang buong paligid ko ay huminto dahil sa ginawa niyang paghalik sa akin. Oh, God! Why did he kiss me? Wala akong ibang magawa kun’di ang manatiling nakatuod sa kinatatayuan ko. Parang nawala bigla ang lakas ng buong katawan ko sa mga sandaling ito. I can’t even move my fingers. Naparalisa ang buong katawan ko dahil sa halik niyang ito. Hindi ko alam kung ilang minuto ng magkahinang ang mga labi namin. Basta nang maramdaman ko ang pagkilos ng kamay niya sa likod ng ulo ko, doon lang ako bumalik sa sarili ko. Bigla akong napamulat. Nanlalaki pa ang mga mata ko nang makita kong nakapikit din siya habang sakop pa rin ang mga labi ko. Bahagya akong kumilos para sana lumayo sa kaniya ngunit bigla namang humigpit ang pagkakahawak niya sa batok ko. Oh, damn it! Bakit ba niya ako hinalikan? Mayamaya, biglang tumibok nang mabilis ang puso ko. Sa labis na pag-aalala ko dahil sa nararamdaman ko ngayon, inipon ko ang buong lakas ko at mabilis na umangat ang dalawa kong kamay; malakas ko siyang itinulak sa kaniyang dibdib dahilan upang makawala ako sa kaniya. “Bastos!” singhal ko sa kaniya kasabay nang malakas na sampal na ibinigay ko sa kaniya. Gulat naman siyang napahawak sa pisngi niyang nasaktan ng palad ko. Matalim na paningin ang ipinukol ko sa kaniya. “How dare you?” “Why did you slap me?” galit na tanong niya sa akin. Kitang-kita ko pa ang pag-igting ng kaniyang panga. “Bakit mo ako hinalikan? Manyak ka!” hindi ko pa rin mapigilan ang pagpupuyos ng galit ko sa kaniya. God! That was my first kiss. “Napakawalang-hiya ka!” galit pa ring saad ko at walang anu-ano’y pinaghahampas ko ang kaniyang dibdib. “Walang-hiya ka!” “Stop it.” “Bastos ka! Manyak!” “I said stop it!” hinawakan niya ang mga kamay ko upang pigilan ako sa ginagawa kong paghampas sa kaniya. “Bitawan mo ako!” mariin ko ring binawi sa kaniya ang mga kamay ko. Muli, matalim na titig pa rin ang ibinigay ko sa kaniya. “Why are you acting like that? Why are you mad at me for kissing you? Hindi ba’t iyan naman ang trabaho mo? Iyan ang ginagawa mo para akitin ang matandang ’yon? Even Arwin, right?” Nagpantig na naman ang mga tainga ko dahil sa mga sinabi niya. Diyos na mahabagin! Kaawaan n’yo po ang lalaking ito sa mga maling iniisip at pinaparatang nito sa akin. Alam n’yo pong walang katotohanan ang mga sinasabi niya laban sa akin. “Don’t tell me you didn’t like my kiss?” ngumisi pa siya ng nakakaloko. Sumusobra na talaga ang lalaking ito! “Why? Kasi wala kang makukuhang pera—” “Tumigil ka na!” singhal ko sa kaniya. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang bumalong sa gilid ng mga mata ko. Saglit kong kinagat ang pang-ilalim kong labi upang pigilan sana ang mga luha ko, pero hindi naman iyon nangyari. Nagtuloy ang mga iyon sa pagpatak. “Wala akong ginagawang masama. Kahit kailanman hindi ko hinuthutan ng pera ang Don Felipe. Kahit kailanman hindi sumagi sa isipan ko ang landiin o akitin ang Don Felipe para lang makakuha ng pera mula sa kaniya gaya nang iniisip mo sa akin. Ngayon, kung ayaw mong maniwala at gusto mong paniwalaan ’yang maling iniisip mo... hindi ko na problema ’yon.” Mariing saad ko sa kaniya habang nag-uunahan pa rin sa pagpatak ang aking mga luha. Umangat ang isang kamay ko upang punasan ang mga pisngi ko. “Alam ng Diyos na wala akong ginagawang masama kay Don Felipe, o kay Sir Arwin man.” Pagkasabi ko niyon ay kaagad akong tumalikod at nagmamadali ng naglakad palayo sa kaniya. Sinamantala ko na ang saglit niyang pagkatulala upang makalayo sa puwesto niya. “Psyche, bakit? May problema ba?” tanong sa akin ng dati kong katrabaho sa bakery. Nagmamadali itong lumapit sa akin. Siguro ay nakita ako nito na nagkaroon ng problema kanina. Muli kong pinunasan ang luha sa aking mga pisngi. “W-wala Niko,” sabi ko “Umiyak ka ba?” kunot ang noo na tanong pa nito sa akin. “Hindi. Ano lang... um, napuwing lang.” Saad ko. “Sige, mauuna na ako huh?” hindi ko na hinintay na magsalita pa ito at dali-dali na akong tumakbo palabas ng park na iyon at umuwi na sa apartment ko. Nang makalayo na ako nang tuluyan sa park ’tsaka lamang ako huminto sa lakad-takbo na ginagawa ko kanina. Huminga rin ako nang malalim upang tanggalin ang paninikip ng dibdib ko. Hanggang sa makarating ako sa apartment ko. Nagdiretso agad ako sa kusina upang kumuha ng tubig. Umupo ako sa tapat ng lamesa habang hawak-hawak ko pa rin ang baso. Bigla namang sumagi sa isipan ko ang nangyari kanina sa park. Wala sa sariling napahawak din ako sa mga labi ko. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa rin ang mainit at malambot niyang mga labi na nakalapat sa mga labi ko. Oh, God! Hindi ako makapaniwalang sa ganoong paraan lamang nawala ang first kiss ko. Na sa isang manyak at bastos na lalaki lamang mapupunta ang unang halik ko na pinaka-iingatan ko noon pa man. Hindi ko mawari ang nararamdaman ng aking puso sa mga sandaling ito. Halo-halo ang nararamdaman ko. “Ang walang-hiyang lalaking ’yon!” inis na sambit ko at napahigpit pa ang pagkakahawak ko sa baso. Kung sana hindi niya ako pinag-iisipan nang masama, malamang na kanina pa ako nagpapagulong-gulong sa sahig dahil sa kilig. Nangunot ang noo ko dahil sa isiping ’yon. “No way!” malakas na saway ko sa aking sarili. “Galit ako sa kaniya. Galit na galit ako sa lalaking ’yon dahil sa ginawa niya.” Tiim-bagang pang saad ko. “ARE YOU OKAY?” tanong ni Ulap sa kaniya habang nakaupo siya sa isang couch na nasa veranda ng kaniyang suite sa Casa de Esperanza. Sa halip na sagutin ang tanong ng kaniyang kakambal, dinala niya sa tapat ng kaniyang bibig ang bote ng beer na kanina pa niya iniinom. Tinungga niya iyon at halos maubos niya ang laman niyon. Umupo naman sa isang single couch si Ulap na may hawak ding isang baso at isang cognac. Nagsalin ito roon at sumimsim din. “Any problem?” tanong nitong muli matapos pakatitigan ang tahimik pa ring kapatid. “I’m okay.” Tipid na saad niya pagkatapos ay bumuntong-hininga siya. Nasa madilim na kalangitan pa rin ang kaniyang paningin. “I know you’re not.” Alright. Magkakambal sila kaya sigurado siyang nararamdaman ni Ulap na hindi siya okay ngayon at may bumabagabag sa kaniyang isipan. “I’m just thinking of something.” “Something like what?” tanong pa nito. “Like girls?” ngumisi pa ito sa kaniya. Isang seryosong tingin naman ang ipinukol niya sa kaniyang kapatid. “Oh, come on Kidlat. I know you.” Nanunukso pa ito sa kaniya. “Damn bro. Don’t tell me ikaw na rin ang susunod kay Hideo?” “No I’m not.” Mariing saad niya rito. “I don’t have a problem with women.” “Really? E sa nakikita kong ningning sa mga mata mo ngayon... sigurado akong babae ang iniisip mo ngayon.” Bumuntong-hininga siyang muli. Hindi talaga siya makakatakas dito kay Ulap. Sa kanilang tatlo, ito talaga ang magaling bumasa ng iniisip niya o ni Sky o nang kahit sino’ng malapit dito. Sabagay, he’s good with girls... with women kaya hindi na nakakapagtaka kung magaling itong manghula tungkol sa problemang ganoon. Sa kanilang tatlo, itong si Guilherme ang expert pagdating sa mga babae. Umayos sa puwesto nito si Ulap habang hindi pa rin nawawala ang malapad at mapanuksong ngiti nito sa mga labi. “Come on bro... tell me what’s bothering you right now? Baka makatulong ako sa ’yo.” “Alright,” napipilitang sabi na lamang niya. “I’m just thinking about this woman...” aniya. “Nice. Nagbibinata ka na ngayon huh? Marunong ka ng mag-isip tungkol sa mga babae.” Pabiro pang saad nito. Nagtiim-bagang siya at muling tiningnan ng seryoso ang kaniyang kapatid. Hindi talaga ito matinong kausap; minsan. “I’m serious right now, Guilherme.” Saad niya. “Alright. Alright.” Anito na tumatawa pa. “So, what about this woman?” Muli niyang dinala sa kaniyang bibig ang bote ng beer at inubos niya ang laman n’on bago muling nagsalita. “I’m just worried about Ninong Felipe.” Nagsalubong naman ang mga kilay ni Ulap. “I thought your problem was just about the woman? Bakit kasama pa ang Ninong Felipe?” tanong nito. “I think... piniperahan ng babaeng ito ang pobreng matanda.” Saad niya. “And who is this woman you are talking about?” “She’s... Psyche Goncalves. She works here at the hotel. At the bar.” “How can you say... how can you be so sure na piniperahan niya si Ninong Felipe?” “Because...” Oh, damn! Is he being serious right now? Kasi wala naman talaga siyang ebidensya na magpapatunay na piniperahan talaga ni Psyche ang kanilang Ninong Felipe. At kanina, nang puntahan niya sa park ang dalaga, nang magkausap sila, nang makita niya kung paano ito nasaktan at umiyak dahil sa mga sinabi niya... in her face expression, parang sinasabi ng mga mata at mga luha nito na inosente nga ito at wala itong ginagawang masama gaya nang ibinibintang niya rito. Siguro nga tama ito. Siguro nga nagsasabi ito ng totoo na wala itong ginagawang masama sa Don Felipe. Maybe... naging oa lang siguro siya sa pagkakakilala niya kay Psyche. And the kiss they shared earlier?! Damn, isa pa ’yon. Simula kanina sa park, nang umalis si Psyche roon at naiwan siyang mag-isa, hindi na nawala sa kaniyang sistema ang halik na saglit nilang pinagsaluhan. Hanggang ngayon ay nararamdaman pa rin ng kaniyang mga labi ang mainit at malambot na mga labi ng dalaga. Hindi na nawala sa imagination niya ang tagpong iyon. Damn, nababaliw na ba siya? Hindi naman iyon ang unang halik na natikman niya. Pero bakit parang baliw naman siya na hindi na mawala-wala sa kaniyang isipan ang halik at mukha ng dalaga kanina? It’s not his first time to kiss someone, pero iyon ang unang beses na nakaramdam siya ng kakaibang kabog ng kaniyang puso matapos ang saglit na halik na iyon. Hanggang ngayon, sa tuwing sasagi sa isipan niya ang mukha ni Psyche, basta-basta na lamang na kumakabog ang kaniyang dibdib. Tila ba may nagrarambulang mga daga sa loob niyon. The feeling is new to him kaya naguguluhan siya. “Are you sure you’re okay, Giulio?” tanong ulit sa kaniya ni Ulap nang mapatulala na lamang siya habang inaalala na naman niya ang tagpong iyon. Isang malalim na buntong-hininga ang muli niyang pinakawalan sa ere at inisang lagok na ang natitirang alak sa boteng hawak niya. “I’m fine. I’m just... tired, maybe.” Saad niya at tumayo siya sa kaniyang puwesto. Naglakad siya papasok ng kaniyang kuwarto. “Hindi mo pa sinasabi sa akin ang problema mo tungkol sa Psyche na sinasabi mo!” habol na sigaw ni Ulap sa kaniya. Ngunit hindi na lamang niya ito pinansin. Nagtuloy siya sa pagpasok sa kaniyang banyo para maligo. Kanina pa siya naiinitan. Gusto niyang magbabad sa ilalim ng malamig na shower upang mawala na rin sa kaniyang isipan ang mukha ng dalaga, maging ang mga labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD