CHAPTER 6

1887 Words
“SORRY PO SIR! H-hindi ko na naman po sinasadya e.” Nakayuko pa ring saad ko at kaunti na lamang hindi ko na mapipigilan ang mga luha ko. Paano naman kasi, nasa akin na nakatuon ang paningin ng mga taong narito ngayon sa swimming pool area. Nakakahiya ang nagawa ko. Kung bakit kasi ngayon pa nagkaroon ng problema? Bakit ngayon ako nakagawa ng kapalpakan? “Sorry? Look what you did to my laptop?” galit pa ring saad niya sa akin. Wala sa sariling nakagat ko naman ang pang-ilalim kong labi upang pigilan ang mga luha ko. “What is happening here?” Narinig ko ang boses ni Don Felipe. Ayoko man sanang mag-angat ng mukha dahil mas nahihiya ako sa Don dahil sa nagawa kong pagkakamali sa inaanak nito, pero hindi ko rin napigilan ang sarili ko. Mas lalong nanlabo ang paningin ko dahil sa pag-uulap ng mga mata ko. Tumingin din sa akin si Don Felipe habang magkasalubong ang mga kilay nito. “What happened hija?” “D-don... Don Felipe,” sabi ko. “She poured juice on my laptop, Ninong. My laptop broke because of that stupid woman.” Bigla akong napatitig sa kaniya dahil sa mga sinabi niya. What? Grabe naman ang lalaking ito! Hindi ko naman sinasadya ang nangyari a. Tapos kong maka-stupid naman siya akala niya buhay niya ang natapunan ko ng isang basong juice. “Dahan-dahan naman po kayo sa pagsasalita ninyo sir. Hindi ko naman po sinasadya na matapunan ko ng juice ang laptop ninyo a. Humingi rin naman agad ako ng pasensya sa inyo—” “Why, will my laptop work again if I accept your apology to me, woman?” “Hijo, Giulio.” Saad ng Don Felipe. “Hayaan mo na. Hindi naman daw sinasadya ni Psyche ang nangyari. Just buy a new laptop.” “But Ninong—” “That’s not a big problem, hijo. Mare-restore mo naman ang mga files mo riyan. So, huwag ka ng magalit kay Psyche.” Kitang-kita ko kung paano siya magtiim-bagang kasabay ng pagpapakawala niya nang malalim na buntong-hininga. Matalim ang titig niya sa akin. Kung wala siguro si Don Felipe ngayon sa harapan namin, ewan ko lang kung ano ang gagawin niya sa akin. Siguro, babalian niya ako ng leeg o ipaghahahampas niya sa akin ang laptop niya. “That’s okay hija. Don’t cry.” Saad sa akin ni Don Felipe nang hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Naglakad ito palapit sa akin at hinawakan ako sa likod ko. Masuyo nitong hinaplos ang likod ko para aluhin ako sa pag-iyak ko. Bahala na kung magmukha akong tanga rito ngayon. Nasaktan lang ako dahil sa pagtawag niya sa akin na stupid. Grabe kasi at parang hindi siya lalaki para magsalita sa akin ng ganoon. “I’ll go ahead, ninong.” Aniya at dinampot niya ang kaniyang laptop ’tsaka siya tumalikod at naglakad palayo. Napatungo akong muli nang makita ko ang mga taong nasa paligid, nakatingin pa rin sa akin. Ah, nakakahiya talaga! Muli kong kinagat ang pang-ilalim kong labi at banayad na nagpakawala nang malalim na buntong-hininga. “Pasensya po ulit... Don Felipe. H-hindi ko—” “That’s okay hija. Don’t cry.” Anito dahilan upang maputol ako sa pagsasalita ko. Ngumiti pa ito sa akin ng malapad. “Don’t worry, I’ll talk to him. I’m sure na nabigla lang siya. Mamaya ay wala na rin ang galit at init ng ulo niya.” Sus! Ang sungit na ’yon mawala agad ang galit sa akin? E, kanina nga lang habang nasa harapan ko siya halos lamunin na ako ng buhay. “Go ahead, go back to your work.” Tumango naman ako at tipid na ngumiti sa Don. Pinunasan ko rin ang mga luha kong naglandas sa mga pisngi ko. “S-salamat po Don Felipe.” Saad ko at naglakad na rin ako pabalik sa puwesto namin. Nakita ko naman si Xia na sumalunong sa akin. “Bes,” sabi nito at kaagad na hinawakan ako sa likod ko. “I’m sorry.” Tipid akong ngumiti rito. “Bakit ka naman nagso-sorry e wala ka namang kasalanan sa akin?!” Malungkot itong tumitig sa akin. “Kasalanan ko kasi hindi ko nilinaw sa ’yo na hindi si Sir Kidlat ang nag-order ng juice. Akala ko rin kasi ay nakita mo ’yong lalaki sa likod niya. Kaya... sorry huh!” “Ano ka ba, hindi mo naman kasalanan ’yon. Kasalanan ko kasi nabitawan ko ang baso. Dumulas sa kamay ko kaya natapon sa laptop ni sir sungit.” Saad ko pa at nagtuloy na sa paglalakad ko hanggang sa makapasok ako sa stall namin. “Ayan kasi... mga feeling expert sa trabaho palpak naman.” Kunot ang noo na napalingon ako kay Jass nang makita ko itong paparating din sa puwesto namin ni Xia. “Porket paborito siyang empleyado ni Don Felipe, nagmamagaling na e palpak naman—” “Hoy Jass, baka gusto mong tumigil diyan kun’di masasapol nitong tissue box ’yang bibig mo.” Galit na saad ni Xia nang balingan din nito ng tingin si Jass. Mabilis namang lumipad sa ere ang isang kilay nito at namaywang pa nang tuluyan na itong makalapit sa puwesto namin. “Bakit? Sinasabi ko lang naman ang totoo, Xia. Iyang kaibigan mo, simula nang magtrabaho rito sa Hotel, sipsip na kay Don Felipe. Masiyadong nagmamagaling kahit hindi naman talaga magaling.” “Jass,” sabi ko na pinipigilan ko ang sarili ko dahil sa mga sinabi nito. Parehong-pareho talaga sila ni Ma’am She. Ewan ko ba kung saan nila nakukuha ang mga ideyang ibinabato nila sa akin. E, wala namang katuturan ang lahat ng iyon. Pinaikot nito ang mga mata at tinarayan ako ulit. “Tama nga ang sinabi ni Ma’am Sheila na nilalandi mo ang Don Felipe—” “Jass ano ba! Sumusobra ka na a!” Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napalakas na ang boses ko dahil sa mga sinabi nitong muli. Oh, for Christ sake. Ano ba ang iniisip ng mga taong ito tungkol sa akin at kay Don Felipe? Bakit sinasabi nilang nilalandi ko ang Don Felipe? E, hindi naman ’yon totoo. Wala namang katotohanan iyon. “Huwag kang magbibitaw ng mga salitang wala namang katotohanan—” “Huwag ka ng magkaila Psyche. Ilang beses na rin kitang nahuhuli na magkausap kayo ng Don Felipe. At kagabi, hindi ba’t gusto mong sumabay sa Don na umuwi? Gusto mong magpahatid sa kaniya pauwi sa apartment mo. Pero malas mo lang kasi dumating si Sir Kidlat kaya naudlot ang plano mo.” Halos mag-isang linya na ang mga kilay ko dahil sa mga sinabi pa nitong muli. Ano raw? Diyos na mahabagin! Ang galing talaga gumawa ng isturya ang bruhang ito. “Nilalandi mo ang—” “Sabing tama na Jass e.” Anang Xia at kaagad nitong sinugod si Jass. Dahil nasa loob ako ng stall at nasa labas naman silang dalawa, hindi ko agad naawat si Xia nang bigla nitong sampalin at sabunutan si Jass. “Xia, tama na.” Nagmamali akong lumapit sa kanila. Kagaya sa kapalpakang nagawa ko kanina, pinagtinginan na naman ng maraming tao ang dalawa dahil sa ginawa ni Xia kay Jass. Nang makalapit ako sa kanilang dalawa, kaagad kong hinawakan ang mga kamay ni Xia na mahigpit na nakahawak sa buhok ni Jass. Pinilit kong tanggalin iyon, pero mahigpit talaga ang pagkakahawak nito roon. “Xia.” “Aray! Bitawan mo ako, bruha ka!” “Mas bruha ka. Walang-hiya ka! Manang-mana ka talaga kay Ma’am She na walang ibang ginawa kun’di siraan si Psyche.” “Xia, tama na!” pilit kong pinipigilan si Xia. Pero ayaw paawat ang isang ito. “Xia.” “Huwag mo akong pigilan Psyche. Punong-puno na talaga ako sa babaing ito. Kakalbuhin ko lang ’to at ng matutong lumugar sa dapat niyang lugaran.” “Aray! Aray ko!” “Xia—” “What is happening here?” Doon lamang kami tumigil na tatlo nang maramig namin ang boses ni Don Felipe. Kaagad akong napatayo ng tuwid at napatingin dito. Maging si Xia at Jass ay napatuwid din ng tayo at napatingin kay Don Felipe. Gulong-gulo pa ang buhok ni Jass. “What are you girls doing? Why are you fighting?” kunot ang noo at seryosong tanong sa amin ng Don. “Don Felipe, si Psyche at Xia po, pinagtulungan nila ako.” Mabilis na saad ni Jass habang lumuluha pa ito. “Don Felipe, huwag po kayong maniwala riyan. Siya po ang nag-umpisa rito.” Saad din naman ni Xia na nasa tabi ko. Nang magtama ang mga mata namin ng Don Felipe, mabilis akong napayuko. Oh, God! Puro ba kahihiyan ang ibibigay ko sa matanda ngayong araw? Ano na lamang ang sasabihin nito? Na porket paborito ako nitong empleyado rito sa Casa de Esperanza ay inaabuso ko na ang kabaitan nito? “Psyche!” Muli akong nagtaas ng mukha ko nang marinig ko ang boses ng Don. Dahan-dahan akong tumingin dito. “Is that true?” “D-don... Don Felipe,” hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko rito. Nakakahiya talaga sa matanda. “I... I’m sorry po.” Saad ko na lamang at muling napayuko. “Psyche,” sabi naman ni Xia sa akin. Hindi ko man ito tapunan ng tingin, pero sigurado akong nakatingin ito sa akin ngayon. “In my office now, Psyche.” Saad ng Don. Nahigit ko ang paghinga ko dahil sa sinabi nito. Oh, ito na ata ang huling araw ko rito sa Hotel, sa Bar. Baka biglang magbago ang isip ng Don Felipe at sabihing nagsisisi na ito na ako ang naging paborito nitong empleyado rito. “Pero po Don Felipe, wala naman pong kasalanan si Psyche e. Si Jass po ang unang nagbitaw ng hindi magandang salita kay Psyche. Hindi rin po siya ang nag-umpisa sa gulong ito. Ako po. Ako ang unang nanakit kay Jass at—” “Go back to your work Xia, Jass. And Psyche, in my office now.” Pagkatapos ay kaagad na tumalikod ang Don at naglakad palayo. “Pero—” “Xia,” sabi ko at hinawakan ko pa sa braso si Xia upang patigilin ito sa pagsasalita. Tiningnan ko pa ito. “Okay lang.” Tipid akong ngumiti. “Sige na, bumalik ka na sa trabaho.” Saad ko pa. Nang tapunan ko naman ng tingin si Jass, ngumisi ito sa akin ng nakakaloko ’tsaka ako inirapan at tumalikod na ito. Napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim. “Humanda talaga sa akin ang bruhang Jass na ’yan—” “Tama na Xia. Huwag mo na lang patulan si Jass.” “Nakakainis kasi—” “Bayaan mo na. Baka mamaya ay pati ikaw papuntahin sa opisina ng Don Felipe.” Saad ko. “Sige na, bumalik ka na sa trabaho natin. Susunod ako kay Don Felipe.” Napailing na lamang din si Xia kasabay ng pagpapakawala nito nang malalim na paghinga. Walang paalam na tumalikod na rin ako at naglakad na upang sumunod sa Don. Oh, bahala na kung ano ang mangyayari sa akin ngayon. Kung tatanggalin man ako ng Don Felipe rito sa trabaho ko, kahit nakakalungkot at masakit, deserve ko ata ito dahil sa mga nangyari kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD