“T-TULONG!” Sigaw ko nang bahagya akong makaangat sa tubig. Pero mayamaya ay lumubog ulit ako. Nakainom pa ako ng maraming tubig.
Oh, Diyos ko! Tulungan n’yo po ako. Hindi na ako makahinga nang maayos. Kahit nahihirapan ay patuloy pa rin ang pagkawag ng mga kamay ko upang humingi ng saklolo.
Mayamaya ay may naramdaman naman akong braso na pumulupot sa baywang ko at hinila ako paangat sa tubig. Doon, malakas na paghinga ang pinakawalan ko at sunod-sunod na pag-ubo ang ginawa ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko dahil sa labis na takot. Ang buong akala ko, sa dami ng tao rito sa swimming pool ay walang may tutulong sa akin. But thank God, may humablot sa baywang ko at dinala ako sa gilid ng pool.
“Are you okay, Psyche?”
Kahit nahihirapan pang huminga at masakit ang dibdib at lalamunan ko, nilingon ko ang lalaking nagligtas sa akin. Kitang-kita ko sa mukha ni Sir Arwin ang labis na pag-aalala para sa akin.
Yeah. Sir Arwin saved my life. At ang damuhong masungit na ’yon... nasa gilid lang ng pool at seryosong nakatingin sa akin.
Ano ba ang gusto niyang mangyari sa akin? Mawalan ng trabaho o mawalan ng buhay? Grabe naman ata ang ugali niya para gawin niya ito sa akin.
“S-salamat. Salamat... Sir Arwin.” Naluluhang saad ko.
“That’s alright. Come.” Anito at inalalayan na akong makaakyat sa gilid ng swimming pool.
Lahat ng taong narito ngayon ay nakatingin sa akin dahil sa nangyari. Maging si Xia na nasa puwesto namin kanina ay nagmamadali na ring lumapit sa akin. Lumuhod ito sa tiles upang pantayan at daluhan ako. Hinagod-hagod pa nito ang likod ko.
“Bess.” Nasa mukha rin nito ang labis na pag-aalala. “Ano ang nangyari?” tanong pa nito.
Pero hindi naman ako makasagot dahil nananakit pa ang dibdib ko.
“Here, use my towel.” Anang Sir Arwin at ipinatong sa mga balikat ko ang towel nito.
“T-thank you.”
“Come on, dadalhin kita sa clinic.”
“H-hindi na Sir—”
“I insist.” Anito at inalalayan akong makatayo mula sa pagkakaupo ko sa tiles.
Mayamaya ay nagulat ako nang bigla ako nitong pinangko. Aalma na sana ako dahil nakakahiya naman dito, pero wala na rin akong nagawa nang mag-umpisa na itong maglakad. Sumama na rin si Xia sa amin.
Habang papalayo na kami sa pool area, muli akong napatingin sa kinaroroonan ni Kidlat... nakita ko siyang umahon na sa tubig at dinampot ang kaniyang gamit na naroon sa ibabaw ng lounge chair at umalis na rin doon.
Lihim na lamang akong nagpakawala nang malalim na buntong-hininga at itinapon sa malayo ang aking paningin.
Hanggang sa makarating kami sa clinic ng Hotel. Dahil sa Sir Arwin ang nagdala sa akin dito, kaagad akong inasikaso ng nurse.
Nakaupo ako sa hospital bed habang iniinspeksyon ako ng nurse. Sa totoo lang, hindi naman na kailangan na dalhin ako rito kasi wala naman ako ibang naramdaman sa sarili ko kun’di ang labis na takot lang sa pag-aakala kong malulunod na ako kanina. Hindi na rin ganoon kasakit ang dibdib at lalamunan ko. Pero nag-insist naman si Sir Arwin kaya wala na rin akong nagawa. Hindi na ako nakatanggi.
“Sige bess, babalik na ako sa puwesto natin. Kita na lang tayo mamaya.” Paalam sa akin ni Xia na sinagot ko naman ng tango at tipid na ngiti bago ito tuluyang lumabas ng clinic.
“Are you okay now?” tanong naman sa akin ni Sir Arwin nang umalis na rin ang nurse. Nakatayo lamang ito sa gilid ko.
Bahagya akong tumango. “Salamat ulit, Sir Arwin.” Saad ko.
“What happened? Bakit ka nahulog sa pool?” tanong pa nito.
Muli akong nagpakawala nang banayad ngunit malalim na paghinga pagkuwa’y nag-iwas ako ng tingin dito.
Hindi ata nito nakita ang ginawa sa akin ng magaling na Kidlat na ’yon kanina!
“Um—” bigla rin akong napahinto sa pagsasalita nang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang Don Felipe.
“Psyche hija!”
I don’t know, pero, bakas na bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa akin.
“Lolo,” sabi ni Sir Arwin sa abuelo nito.
Naglakad naman palapit sa amin ang Don.
“God, what happened to you hija?”
Hindi naman agad ako nakasagot nang unahan ako ni Sir Arwin.
“She fell in the swimming pool, lolo.” Saad nito.
“Oh, I was really worried about you nang malaman kong naaksidente ka raw kaya nagmadali akong pumunta rito.” Anito at kaagad na hinawakan ang mga kamay ko.
Ramdam ko pa ang masuyong pagpisil nito sa mga palad ko. Bagay na ipinagtataka ko. Bakit naman labis ang pag-aalala ng Don Felipe sa akin? Sabagay, kaibigan ang turing nito sa akin.
“Ang akala ko kung ano na ang nangyari sa ’yo.” Saad pa nito at walang paalam na niyakap ako nang mahigpit.
Pilit na lamang akong ngumiti nang pagkatingin ko kay Sir Arwin ay nakangiti rin ito sa akin.
“You don’t have to worry abour her lolo. She’s fine. Mabuti na lang at nasagip ko agad siya. Psyche doesn’t know how to swim.”
“Oh, mabuti na lang pala at naroon ka apo. God, sobra akong nag-alala.”
“Salamat po Don Felipe.” Saad ko rito nang mayamaya ay pinakawalan na ako nito, pero hawak-hawak pa rin nito ang mga kamay ko.
“Are you sure you’re okay now hija? Wala bang may masakit sa ’yo?”
Umiling ako habang may maliit pa ring ngiti sa mga labi ko. “Wala naman po. Ayos lang po ako. Um, nag-panic lang po ako kanina kasi po... h-hindi po ako marunong lumangoy. Mabuti nga po at naroon si Sir Arwin at iniligtas niya po ako.”
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng Don sa ere. “Good to hear that. Ipapahatid na kita kay Oscar pauwi—”
“Ako na po ang maghahatid kay Psyche, lolo.” Mabilis na saad nito.
“Alright. Samahan mo na lang siya, apo.”
“Um, h-hindi na po kailangan Don Felipe.” Saad ko rin na umiling pang muli. “Okay lang naman po ako e. At—”
“I insist hija. Umuwi ka na muna para makapagpahinga ka.”
“Pero, wala naman pong—”
“Huwag ng matigas ang ulo mo, Psyche.” Seryosong saad nito at ibang titig ang ibinigay nito sa akin. “I’m your boss and I’m telling you to go home para makapagpahinga ka. Ihahatid ka na ni Arwin para hindi ka na mag-commute.”
Aangal pa sana ako at igigiit dito na ayos lang ako at wala namang masakit sa katawan ko. Na kailangan kong bumalik sa trabaho ko dahil sigurado akong tatalakan na naman ako ni Ma’am She, pero alam kong hindi rin ako mananalo sa Don.
“Go on apo, alalayan mo si Psyche na makababa sa kama.” Anito. “Nurse, where’s the wheelchair?”
Napatingin akong bigla sa Don nang marinig ko ang sinabi nito. Wheelchair? Bakit kailangan pa ng wheelchair e, kaya ko namang maglakad? Hindi naman nasaktan ang mga paa ko para hindi ko magawang maglakad palabas ng clinic, palabas ng hotel.
Mayamaya ay kinuha nga ng nurse ang wheelchair at itinulak palapit sa akin.
“Sit down, Psyche.”
Hinawakan pa ako ni Sir Arwin sa braso ko upang alalayan na makaupo sa wheelchair. Holy lordy! Mag-lolo nga ang dalawa. Nasobrahan sa oa. Hindi ko tuloy malaman kung matatawa ba ako ngayon o ano? Damn, nakakahiya naman sa mga makakakita sa akin kapag lumabas na kami rito sa clinic. Baka mamaya ay isipin pang ang arte o ang oa ko at sumakay pa ako sa wheelchair e, nahulog lang naman ako sa swimming pool kanina. Hindi naman semento ang binagsakan ko, kun’di tubig.
Nang itulak na ni Sir Arwin palabas ang wheelchair, wala na akong nagawa kun’di ang yumuko na lamang at manahimik. Hindi na ako umimik hanggang sa makarating kami sa lobby. At gaya sa inaasahan ko, nasa akin nga nakatuon ang atensyon ng mga taong naroon, lalo na ang mga empleyado rito sa Hotel. Kinabahan pa nga ako nang makita kong naroon din si Ma’am She sa front desk. Usual, matalim na naman ang titig sa akin.
“Siguraduhin mong maayos na makakauwi si Psyche sa bahay niya, apo.”
“You know you can trust me lolo.”
“Alright. Hija, magpahinga ka. Huwag ka na munang pumasok bukas.”
“Pero—”
“That’s my word.” Putol nito sa sasabihin ko pa sana.
Napatango na lamang ako at bumuntong-hininga nang banayad. Hinawakan din ni Sir Arwin ang isang kamay ko at inalalayan akong makatayo mula sa wheelchair. Inalalayan din ako nitong makasakay sa backseat ng sasakyan ng Don Felipe.
“Mag-iingat kayo.” Saad pa ng Don.
“ARE YOU OKAY, NINONG?” kunot ang noo na tanong ni Kidlat sa matandang Felipe nang umupo siya sa visitor’s chair na nasa gilid ng lamesa nito. Kanina pa niyang napapansin na tila may iniisip ito at hindi ganoong mapakali. Panay rin ang pagpapakawala nang malalim na buntong-hininga.
“Yeah hijo, I’m fine.” Sagot nito.
“You seems not.” Saad pa niya.
“Well, iniisip ko lang si Psyche.”
Mabilis na nagsalubong ang kaniyang mga kilay dahil sa sinabi ng matanda. Again? Sinasabi niya na nga ba e.
“I was worried about her earlier dahil sa nangyari sa kaniya.”
“You don’t have to worry about her. She’s fine. Perfectly fine, ninong. Hindi naman siya nasaktan dahil sa nangyari sa kaniya.”
“Yeah I know. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang sarili ko na mag-alala para sa batang ’yon.” Anito at muling nagbuntong-hininga. “Mabuti na lang at hindi siya nasaktan.”
Tinitigan niya nang mataman ang matanda. He really likes her huh? Kilala niya ang kaniyang Ninong Felipe. Hindi naman ito mag-aalala nang ganoon para kay Psyche kung hindi nito gusto ang dalaga. Damn! Kailangan niyang gumawa ng paraan para mapaalis niya sa Hotel ang dalaga. Pangalawang tatay na ang turing niya sa kaniyang ninong kaya hindi niya hahayaan na maloko ito ng dalaga, mahuthutan ng pera o kahit anumang bagay.