CHAPTER 8

2126 Words
ISANG malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere habang nasa labas ng bintana ang paningin ko. Nakabibinging katahimikan ang pumapagitan sa amin ni sir sungit sa backseat. Kahit ramdam kong sobrang awkward ng sitwasyon namin ngayon, pinilit ko na lamang na pakalmahin ang sarili ko. Mayamaya, mula sa gilid ng mata ko, sinilip ko siya. Tahimik lamang din siya habang nakasandal sa headrest ang kaniyang ulo. Nakapikit siya habang nakapatong naman sa mga hita niya ang kaniyang mga kamay. Oh, why so guwapo naman?! Kahit nakapikit siya at seryoso ang kaniyang hitsura, sobrang guwapo pa rin niya. Hindi maitatanggi iyon kahit mas lalo pang kumapal ang balbas at bigote sa mukha niya. Well, sa mga mata pa lamang niya... masasabi mo na talagang sobrang gwapo siya. God! Napakasuwerte naman ng magiging jowa niya kung sakali. I mean, suwerte kasi guwapo siya. Magkakaroon ng magandang lahi kung magkakaanak siya. Pero sa ugali niya? Ewan ko na lang. Ipinaglihi kasi ata talaga siya sa sama ng loob. Nako, kung puwede ko lang banatin ’yang mga kilay niya na hindi na naghiwalay sa tuwing magkikita kami... “Done checking me?” Bigla akong nagulat nang magmulat siya ng kaniyang mga mata at nilingon ako. Damn! Dahil sa pagkahumaling ko sa kaguwapohan niya, hindi ko namalayan na nakaharap na pala ako sa kaniya at titig na titig na ako sa mukha niya. Wala sa sariling napalunok ako ng laway ko at napapahiyang sumandal ulit sa gilid ng bintana. Walang-hiya naman kasi, Psyche! Nakakahiya ka! Nahuli ka niyang tinititigan mo siya. Panenermon ko sa sarili ko. “Um, h-hindi. Hindi po kita tinititigan, sir.” Pagtanggi ko. “Tss!” saad niya. “You’re staring at me.” Bahagya akong lumingon sa kaniya. “Hindi po sir. Sa... nakatingin po ako sa labas ng bintana.” Pagdadahilan ko. “Baka po kasi lumagpas si Mang Oscar sa bababaan ko e.” “Excuses.” Dinig kong saad pa niya bago siya muling pumikit kasabay ng pagpapakawala niya nang malalim na buntong-hininga. Napabuntong-hininga na lamang din ako at muling itinuon sa labas ng bintana ang paningin ko. Ang sungit talaga! Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng apartment ko. Kung hindi pa nagsalita si Mang Oscar, hindi pa ako kikilos sa puwesto ko. “Nandito na po tayo Ma’am Psyche.” Nakangiting saad sa akin ng matanda nang lumingon ito sa akin. Ngumiti rin ako at isinukbit ko na ang shoulder bag ko. “Salamat po ulit Mang Oscar.” Saad ko at binalingan din ng tingin si sir sungit na ngayon ay gising na at nakatingin din sa akin ng seryoso. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Thank you po... sir.” Saad ko at saka binuksan na ang pinto na nasa tabi ko. Bago ako tuluyang naglakad palapit sa apartment ko, muli akong lumingon sa sasakyan ng Don Felipe. Muling nagtama ang mga mata namin ni sir sungit. “Go on. I just want to make sure that you’re safe.” Aniya. “Baka ako pa ang sisihin ni Ninong kung may masamang mangyari sa ’yo rito.” Ewan, pero naging iba ang dating niyon sa pandinig ko. Hindi man niya diretsong sinabi sa akin, pero sa klase ng titig niya sa akin mula sa ulo ko hanggang paa, isa lang ang sigurado ako. Just like Ma’am Sheila and Jass, iisa lang ang iniisip nila tungkol sa amin ni Don Felipe. Napabuntong-hininga na lamang akong muli ’tsaka tumalikod na ng tuluyan at ipinasok sa keyhole ang susi na hawak ko. Walang lingon-lingon na pumasok na ako sa apartment ko. God! Bakit may mga taong kagaya nila? Ang daling manghusga. KINABUKASAN, maaga akong nagising. Magaan din ang pakiramdam ko. Hindi kagaya sa nagdaang araw na naghabol ako ng oras, ngayon naman ay chill lang ako. Maaga akong naligo, kumain at maaga rin akong umalis ng apartment. Dahil linggo ngayon, dadaan muna ako sa simbahan bago pumasok sa trabaho ko. Nakaugalian ko na ’yon. Mahirap naman kasi kung puro trabaho na lamang ang aatupagin ko at kahit kaunting oras lang ay hindi ako maglalaan para dumaan sa simbahan. Pagkatapos kong magdasal, nagpasya na rin akong dumiretso na sa trabaho. Sumakay na ako ng bus para hindi na ako makipagsiksikan sa jeep. Maayos na ang pagkakaupo ko sa isang upuan nang pumara ulit ang bus. Dahil malapit lang naman ako sa may pintuan, nakita ko agad ang lalaking sumakay. And there, it’s sir sungit. Aba, himala at sumasakay pala siya ng bus?! Hindi ba’t may sarili naman siyang sasakyan? Or hindi kaya ay ang sasakyan ng Don Felipe? Ewan ko kung napansin o namukhaan niya ako habang nakatingin din ako sa kaniya. Wala naman kasi akong nakita na reaction sa mukha niya nang magtama ang mga mata namin ng isang segundo. Or siguro kasi busy siya sa kausap niya sa cellphone niya kaya ganoon. Umupo siya sa bandang likuran ko. Mayamaya ay may sumakay ulit na matandang babae. Tumayo ito sa may tabi ko nang mapansin nitong wala ng bakanteng upuan. “Dito na po kayo umupo lola,” nakangiting sabi ko nang tumayo ako sa puwesto ko. “Ay, maraming salamat ineng.” “Wala pong problema.” Saad ko pa at tinulungan itong makaupo. Ako naman ang tumayo sa gitna ng aisle habang nakahawak ako sa handle na nasa itaas. Ilang segundo pa lamang simula nang tumayo ako, pakiramdam ko ay naiilang na ako. Nararamdaman kong nakatingin sa akin si sir sungit mula sa likuran ko. Nang hindi na ako makatiis, dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko. At tama nga ako. Nakatitig siya sa akin habang magkasalubong na naman ang mga kilay niya. Nakita ko naman siyang nagpakawala nang malalim na buntong-hininga ’tsaka nag-iwas ng tingin. Bakit niya naman ako tinitingnan? Tanong ko sa isipan ko. Mayamaya ay nagulat akong bigla nang may tumayo sa likuran ko at may humawak sa balakang ko. Nang lumingon ako, nanlaki ang mga mata ko nang makita kong si sir sungit pala ang nasa likuran ko. “S-sir... b-bakit po?” tanong ko. Nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya habang nakatuon sa unahan ang paningin niya. “Do you have a period?” tanong niya. Nagsalubong ang mga kilay ko. “H-huh?” “You have blood stain on your butt.” Napasinghap ako dahil sa sinabi niya. Ano raw? May dugo sa likod ko? May tagos ako? Teka, paanong nagkaroon ako ng tagos, e kanina naman ay sigurado akong hindi pa ako dinadatnan? “Ang sweet naman!” “Sana all.” “Ang swerte naman ni ate girl. Guwapong lalaki ang nagtakip ng tagos niya.” Dahil sa mga narinig kong sinabi ng mga tenage girl na nakaupo sa unahan... hindi ko na kailangang itanong ulit kay sir sungit kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Biglang nag-init ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan. Oh, God! Kung puwede lang ako magpakain ngayon sa sahig ng bus, ginawa ko na. Nakakahiya! At mas lalong nakakahiya rito kay sir sungit. Wala sa sariling napapikit na lamang ako nang mariin at napayuko. Humigpit ang pagkakahawak ko sa shoulder bag ko. “Sa tabi lang.” Dinig kong sabi niya sa driver ng bus. Ako naman, hindi agad nakakilos sa puwesto ko. Paano? Paano ako bababa at maglalakad sa kalsada kung ganitong may tagos ako sa likod? “Go on.” “Pero sir—” “Just go on.” Sabi niya at humigpit ang pagkakahawak niya sa baywang ko at iginiya na ako upang bumaba na sa bus. Oh, damn! Dahil magkadikit kami ngayon... amoy na amoy ko ang pabango niya. Hindi masakit sa ilong, parang nakaka-relax ang amoy. Nang makababa na kami, doon ko lang napansin na hindi na pala niya suot ang coat niya. Nang tumingin ako sa likuran ko, nakasabit iyon sa braso niya at ipinangtakip niya sa likod ko habang nakahawak pa rin siya sa baywang ko. Napapahiya pa ring nagyuko ako ng ulo. “S-salamat po s—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla na lamang niyang ibinigay sa akin ang coat niya at walang sabi-sabi na tumalikod siya at nagpatiuna ng naglakad patawid ng kalsada at naglakad na papunta sa Hotel. Napabuntong-hininga na lamang akong muli. “So, siya ba ang example ng Maginoo pero medyo bastos?” naiinis na tanong ko sa sarili habang sinusundan ko siya ng tingin. “Tumulong nga, pero bastos naman at tinalikuran agad ako kahit hindi pa ako tapos sa pagsasalita ko.” Napaismid ako. “Thank you sir sungit.” At saka ko itinali sa baywang ko ang manggas ng coat niya at nagmamadali ng tumawid sa kalsada. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa makalapit ako sa kaniya. “Thank you po sir. Isusuli ko na lang po sa inyo ang coat ninyo.” Saad ko habang nakasunod ako sa kaniya. But usual, no answer. “HOY, AMIGA!” Napalingon ako kay Cj habang nagmamadali itong naglalakad palapit sa akin. Kakapasok lang nito sa locker. “Ano ang ganap kanina?” tanong nito. “Ano ang ibig mong sabihin?” kunot ang noo na balik kong tanong. Ngumiti naman ito ng nakakaloko at bahagya akong pinalo sa balikat ko. “Sus! Kunwari ka pa riyan. Samantalang nakita kita kanina sa labas. Sabay kayo ni sir Kidlat na bumaba sa bus. Tapos, nakita kong ibinigay niya sa ’yo ang coat niya. Ikaw huh! May something ba sa inyo—” “Zzzttt! Ano’ng something ang sinasabi mo riyan?” pinutol ko ang pagsasalita nito. Mas lalong lumapad ang pagkakangiti nito. “Deny pa?” “Ano ang sinasabi mo Cj? Walang something sa amin ni sir sungit. Tinulungan niya lang ako kanina kaya ibinigay niya sa akin ang coat niya.” Pagpapaliwanag ko rito. “Tinulungan? Bakit ano ang nangyari?” “Natagusan kasi ako kanina habang nasa bus ako. Ang swerte ko lang at sumakay rin si sir sungit. Siya ang nakakita ng tagos ko kaya pinahiram niya sa akin ang coat niya.” “Talaga? Ay, ang sweet naman.” Muling nagsalubong ang mga kilay ko at napatitig dito. “Timang ka ba? Saan naman doon ang sweet?” napaismid pa ako. “’Yong pinahiram sa ’yo ni Sir Kidlat ang coat niya.” Halata nga sa mukha nito na kinikilig ito ngayon. “Nako, kung sa akin nangyari ’yon... ewan ko na lang kung ano ang gagawin ko. Maglulupasay ata ako sa kilig.” Muli akong napaismid. Well, yeah kinikilig naman ako dahil doon. Pero hindi naman ako oa para maglupasay pa dahil lang sa ibinigay sa akin ng crush ko ang coat niya. “So, pati pala si Sir Kidlat ay nilalandi mo rin?” Napalingon kami ni Cj sa kabilang locker nang lumabas doon si Jass. Nakaikes ang mga braso nito sa tapat ng dibdib nito. “God, Psyche. Ang kapal talaga ng mukha mo ano? Una, si Don Felipe. Tapos si Sir Arwin, tapos ngayon si Sir Kidlat. Ano ang plano mo Psyche? Ubusin silang lahat para mas marami kang pera na makuha galing sa kanila?” Ayon na naman at nagpantig na naman ang mga tainga ko dahil sa mga hula ni Jass. Nagbuntong-hininga ako. “Please lang, Jass. Huwag na muna ngayon.” Saad ko. Tumawa naman ito ng pagak. “Grabe ka talaga. Ang galing mo talaga.” Pumalakpak pa ito. “Ang galing mo talagang manlandi.” “Hoy Jass, tumahimik ka riyan huh! Baka ako hindi makapagtimpi sa ’yo, ingungungudngod kita riyan sa locker mo.” Pagalit namang saad ni Cj sa dalaga. Umirap lamang ang huli. “Kailan mo ba titigilan si Psyche? Lahat na lang ng galaw niya binabantayan ninyo ni Ma’am She—” “Dahil kung hindi namin ’yon gagawin... mauubos ang lahat ng mayayaman dito sa Hotel na landiin niyang kaibigan mo Cj. Well sa totoo lang, bukas-makalawa hindi na rin kami magtataka ni Ma’am Sheila na pati ang ibang guest natin dito ay nilalandi na rin ni Psyche para makakuha ng malaking tip.” Napapikit ako nang mariin. Diyos ko! Kailan ba talaga titigil ang mga taong ito na pag-isipan ako ng masama? “I’m watching you, Psyche.” Saad pa ni Jass bago ito tumalikod at lumabas sa locker area. Naiwan na kami ni Cj na nagkatinginan na lamang. “Bruha talaga ang Jass na ’yon. Manang-mana kay Ma’am She.” Buntong-hiningang saad ni Cj. “Ayoko na lang patulan. Wala naman akong mapapala sa kanila. Hindi naman ako yayaman kung papatulan ko pa ang mga sinasabi nila sa akin.” “Mga ingit lang talaga ang mga ’yon sa ’yo.” “Haynako! Halika na nga. Magtrabaho na lang tayo.” Saad ko at naglakad na rin palabas ng locker.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD