BLOODY VENGEANCE
BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta)
CHAPTER 1
Ang pagmamahalan namin ni Lance na dumaan sa maraming pagsubok ang siyang nagiging pundasyon ng panghabambuhay naming pagsasama. Alam kong kahit anong pagsubok pa ang darating, kakayanin na naming dalawa at katulad ng isang gabing madilim, darating din ang isang maaliwalas na umaga para sa muling pagsisimula. At heto nga’t nagsisimula na kami ng bagong buhay bilang parang mag-asawa. Parang mag asawa lang dahil hindi naman legal ang pagsasama ng parehong lalaki kahit pa may anak ako. Tama may anak ako kahit pa tingin sa akin ng ibang tao ay paminta, bakla. Para sa ibang tao, hindi nila kinokonsidera na pamilya ang nagsasamang parehong lalaki kahit pa may anak na nagbubuklod sa amin. Anak ko si Jay ar kay Joan, ang babaeng nabuntis ko nang mga panahong ipinipilit ko pa sa sarili ko na lalaki ako. Tinanggap at minahal na rin ni Lance bilang tunay na rin niyang anak si Jay-ar dahil siya man ay may anak din si Josh. Pareho kaming may anak sa lpagkabinata. Iyon naman ang sa akin ay mahalaga. Tanggap man kami o hindi ng lipunan, buo kami. Masaya. Tahimik at may maalwang pamumuhay. Maituturing man kami ng pamayanan na isang “parang” pamilya, ang mahalaga ay ang pagtingin namin sa kung anong meron kami. Wala silang pakialam kung mag-asawa ang turingan namin ni Lance. Kahit pa magprotesta sila, pamilya ang turing ko sa binuo naming dalawa.
Ngayon na pakiramdam namin ay maayos na ang lahat, panibagong pakikibaka para sa amin ang forever. Walang naging problema ang aming kasal-kasalan. Kasal-kasalan dahil hindi naman talaga pwede at tanggap pa iyon sa ating bansa. Pati panahon ay nakiayon sa amin. Naging masaya at matagumpay na naidaos ang aming pag-iisang dibdib. Kumpleto ang dumalo, mga kamag-anak, kapamilya at malalapit na mga kaibigan. Hindi magkamayaw ang kanilang maliligayang mga pagbati sa amin. Lahat ay may mga ngiti sa labi.
“Masaya ka ba?” tanong ni Lance sa akin nang nasa kwarto na kami at solo na namin ang isa’t isa.
“Sobra. Pagod nga lang.”
“Hindi bale, hindi muna kita papagurin ngayong gabi.”
“Talaga? Sayang naman.” Naglungkot-lungkutan ako.
“Unless you want me to?”
Tumawa ako, “Ang rupok mo naman.”
“Making love with you are best moments of my life kaya bakit pa ako aarte.” Nakatingin siya sa akin. Seryoso.
“Kahit pa nandito yan?” inginuso ko ang anak kong nasa gitna namin at natutulog na sa pagod.
“Nagagawan ng paraan yan, mahal ko. Leave it to me.” Kumindat siya sa akin.
“Ang hilig talaga ng asawa ko, aba.”
“Hindi kahiligan iyon, gusto ko lang i-express ang nag-uumapaw kong pagmamahal sa’yo.”
“Naks, umaapaw talaga ha.” Hinaplos ko ang kanyang mamula-mulang labi. Tinitigan ko sa kanyang mga mata. “Wala sa hinagap ko na tayo pa rin pala ang magkakatuluyan sa huli.”
“Ikaw lang diyan ang walang tiwala e.”
“Ako talaga? Alam mong mahal na mahal kita bago mo pa ako minahal.”
“Sigurado ka sa sinasabi mo? Ikaw kaya ang maarte noon. Andaming pinagdaanan natin bago naging tayo. Napakaraming pasikot-sikot bago naging tayo,” sagot niya at totoo iyon.
“Tama na ang kadramahan. Huwag na nating pang pagtalunan kung sinong naunang nagmahal o sino ang mas nagmamahal. Mahal kita, mahal mo ako. Hindi na dapat pa natin sinusukat pa ang bagay na iyon. Ngayon, asawa na kita. Asawa mo na ako. Finally, ako’y iyong iyo na at ikaw ay akin na lamang.”
“Naks! Ang sweet ah! Oo mahal ko. Sa wakas naipanalo natin ang isa’t isa kahit sobrang daming dumating na pagsubok sa atin.”
“Maaring maraming pang darating na pagsubok ngunit kakayanin natin. Walang bibitaw, walang susuko. Tayo at tayo pa rin sa huling laban.”
“Tama mahal ko, pagtulungan natin ito, palalakihin natin ang ating anak na may takot sa Diyos at mabuting mamamayan,” ginagap ko ang kanyang palad.
“Pagtulungan nating paunlarin pa lalo ang ating mga kabuhayan mahal ko para sa ating mga dalawang anak. Hanggang sa sabay tayong tumanda. Na kahit wala na tayong mga ngipin, kahit puti na ang ating mga buhok at hindi na natin naaalala pa ang ibang detalye dahil sa pagka-ulyanin, nandito pa rin tayo para alalayan ang bawat isa.”
Napakasarap lang isipin na lahat ng iyon ay mangyayari. Hinarap ko siya. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang kanyang mga daliri. Tinitigan niya ako saka dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang malambot niyang labi sa aking mga labi. Masaya kong ibibigay ang aking lahat- lahat lalo pa’t mahal naman namin ang isa’t isa. Kaya nga ng sinuyod niya ng halik ang aking katawan alam kong muli, pagsasaluhan namin ang diwa at kaluwalhatian ng aming pagmamahalan. Bumaba kami sa kama para hindi magising si Jay-ar. Sa may carpet na sahig isasaktuparan na isabog ang init na aming nararamdaman. Hinubaran niya ako. Banayad habang hinahalikan niya ako sa aking labi. Mas mabilis ang ginawa kong paghubad sa kaniyang damit hanggang sa nagsanib ang mainit naming katawan. Dama ko ang igting ng kaniyang p*********i na tumatabi sa galit ding akin. Naglakbay ang aming mga palad sa kahubdan naming dalawa. Ginagalugad nito ang bawat bahaging sinasamba ng aming mga mata. Dinadama ng aming mga daliri ang noon pa namin sana gustong haplusin hanggang sa binuhat niya ako papunta sa sofa sa aming kuwarto. Maingat niya akong pinahiga at muli ay pinagmasdan ko ang maputi at makinis niyang katawan. Napakaganda ang parang nililok na maskulado niyang katawan. Napaka-guwapo ni Lance. Malakas ang appeal. Makapal anga kanyang kilay, malalim ang kanyang nangungusap na mga mata. Matangos ang kanyang ilong at sakto lang ang kapal ng kanyang mamula-mulang mga labi. Nagpadagdag sa kanyang kaguwapuhan ang kanyang panga, bigote at balbas. Hanggang sa inilapit niyang muli ang labi niya sa aking labi. Lalong nagwala ang pinipigilan kong pagsinta. Siya man din ay parang sinamba muna ang hubog ng aking matigas-tigas na masel at impis na tiyan. Pinaglalaruan ng kaniyang mga palad ang manipis na buhok sa aking tiyan. Sinasaklaw ng aming mga paningin ang rubdob ng aming damdamin.
Sabay naming ninamnam ang pagsanib ng nasasabik namin mga katawan. Pinagsaluhan ang tugatog ng makamundong pagnanasa. Ipinagdiwang ang pagbibigay laya sa aming nararamdaman. Sa gitna ng aming ginagawa ay paulit-ulit naming sinasabi ang laman ng aming mga puso. Mahal ko siya. Mahal na mahal. At iyon ang pasigaw kong sinabi at narinig kong halinghing din niya nang sabay naming pinaputok ang aming mga sandata tanda ng pag-abot namin sa rurok ng sarap na aming pinagsaluhan. Nagtapos iyon ng pag-unat ng aming mga binti at hindi maiwasang pagmumura dahil sa hindi maipaliwanag na kaluwalhatian.
Bago kami iginupo ng antok ng gabing iyon ay naikuwento ko kay Lance kung sino ang nakita kong sumusunod sa amin nang namili kami sa isang grocery sa bayan.
“Hindi kaya namamalik-mata ka lang?”
“Hindi e. Nakita ko siya. Si Vito talaga yun mahal. Hindi ko kailanman nakalimutan ang kanyang mukha. Nakangising nakatingin sa atin. Mukhang may binabalak na hindi maganda.”
“Kung totoo ang nakita mo, ilang taon na rin naman ang nakakaraan. Baka naman wala na siyang galit pa sa akin, sa atin. Baka nakamove-on na siya at may mahal na ring iba.”
“Hindi ko alam. Iba kasi yung tingin niya noon sa atin habang isinasakay ko si Jay ar sa grocery cart. Parang may galit sa kanyang mga mata. Kaya natatakot pa rin ako. Paano kung babalikan nga niya tayo?”
Bumunot ng malalim na hininga si Lance. “Pagkatapos nating nalusutan ang problema mo, may bumabalik pa rin palang nakaraan ko?”
“Hindi ba natin iyon naipakulong noon?”
“Naipakulong kaso, hindi naman yata umusad ang kaso natin sa kanya.” Inilagay ko ang kamay ko sa aking noo. Huminga ako nang malalim. “Nawalan ako ng balita sa kanya e.”
“Ako rin kasi noon. Hindi ko sineryoso na pwede pala pa rin siyang bumalik sa buhay natin at manggulo.”
“Sana hindi. Sana nasa isip ko lang iyon. Wala pa naman siyang ginagawa sa atin para mag-conclude tayo na manggugulo siya sa buhay natin.”
“Kilala ko si Vito, mukhang hindi iyon titigil hangga’t di makababawi.”
“Para saan? Wala naman tayong ginawang mabigat na kasalanan sa kanya. Siya pa nga ang may atraso sa’yo. Kung may maghahabla dito, ikaw ‘yon hindi ba?”
“Oo pero napatawad ko na siya. Masyadong maikli ang buhay para magtanim ng sakit ng loob.”
“Sana pala, tinuluyan na natin noong ipinakulong.”
“Hindi natin naasikaso dahil may mga sarili tayong buhay na kailangan nga natin harapin noon. Di ba nga, umuwi ako sa dito sa Cagayan para magpatuloy sa pag-aaral?” Bumuntong hininga siya. “Isa pa, mahirap naman ipakulong talaga iyon dahil marami siyang connection sa taas. Droga ang business no’n kaya maraming protector.”
Bigla akong kinutuban ng hindi maganda. Mukhang hindi pa pala talaga tapos ang problema. “Wala ba tayong gagawin? Hindi ba natin siya pwedeng i-report sa mga pulis?” tanong ko sa kanya, “Natatakot ako e.”
“Paano natin irereport?” balik tanong niya sa akin. “Dahil lang parang nakita mo siya? Ni hindi ka nga sigurado kung siya yung nakita mo.”
“Iyon ding ang iniisip ko.”
“Wala naman na tayong atraso sa kanya. Siya nga ang may atraso sa atin kung tutuusin kaya bakit tayo matatakot? Saka bakit ngayon lang siya maghihiganti kung sakali? Ilang taon na rin naman ang nakaraan mula nang nangyari iyon sa amin.”
“Iyan ang hindi natin alam. Pero sana hindi mangyari ang kinatatakutan ko.”
“Ako ang may atraso sa kanya, nadamay ka lang,” nilingon niya ako. “Natatakot ka ba?”
“Oo naman. Sa lahat ng pinagdaanan natin?”
“Pero hindi naman pwedeng natatakot tayo sa bagay na hindi pa naman sigurado.”
“Tama ka. Sayang lang na hindi natin itinuloy ang kaso. Maaring nakulong siya, maari ring hindi pero sana, namamalik-mata nga lang ako sa nakita ko.”
“Sige na. Matulog na tayo.” Niyakap niya ako. Hinalikan niya ako sa aking labi. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa pisngi ni Josh. “Sabihin mo nga kay Daddy baby, na huwag magpa-stress sa wala pa naman ha?”
“Opo. Hindi na po magpapa-stress si Daddy Sean,” sagot ko dahil alam ko namang hindi siya sasagutin ni Josh na mahimbing nang natutulog. Ang anak kong si Jay ar nasa kanyang kuwarto dahil sa samping taong gulang na rin naman ito. Si Josh na lang ang laging nasa tabi namin hanggang sa pagtulog. Yumakap ako kay Lance at nag-unan ako ako sa dibdib niya.
Kinaumagahan, madilim-dilim pa lang ay bumangon na ako. Kailangan ko nang maghanda ng aming almusal. Uugaliin ko na iyon. Hindi na ako kagaya noon na sa opisina lang nagta-trabaho. Hindi naman pwedeng babangon na lang ako kung kailan ko gusto. Ngayon pa lang dapat matutunan ko na kung paano maging masipag na partner. Alam kong bago kasi pumutok ang haring araw at magsabog ng liwanag ay dumadating na ang mga tao namin sa bukid.
Malaki ang bahay na ipinamana sa amin ng lolo ni Lance. May limang kuwarto sa taas at dalawang kuwarto sa baba para sa aming mga kasambahay. Paikot ang hagdan na yari sa narra. Kumikintab ang lahat ng muwebles na gawa rin sa matitibay na kahoy. Maluwang ang kusina at sala sa baba bukod pa sa sala sa taas. Tatlo ang CR. Dalawa sa baba at isa sa taas. Wala kaming mga kapitbahay dahil nasa gitna ito ng farm. May ilang sasakyan nakaparada sa labas ng aming bahay, iyon ang mga ginagamit naming pandeliver at may tig-isa kaming sasakyan ni Lance. Yung isang sasakyan ay regalo nina Mama at Papa sa amin at yung isa ay sasakyan ni Lance noong nasa Manila pa kami. Kung tuusin kahit hindi na muna kami magtrabaho ay kaya na namin suportahan ang aming buhay. Tingin ko, hindi pera ang magiging problema sa pagsasama namin ni Lance. Malayong pag-aawayan namin iyon lalo pa’t hindi ko pa nagagalaw ang naipon ko noong nagtrabaho ako. May tampo nga lang sina Mama at Papa sa akin. Inaasahan kasi nila na ako na ang magmamanage sa aming negosyo ngunit mukhang hindi na iyon mangyayari dahil farming ang gusto ni Lance na tutukan namin. Mabuti nga at pansamantalang napakiusapan ko muna ang bunso namin na siyang tutulong sa pag-aasikaso.
May dalawa lang kaming katulong na nakatira sa amin. Ang matagal nang nagbabantay at katiwala ng Lolo ni Lance sa bahay na si Nanay Meding at ang anak niyang si Jansen na binatilyo.
Naabutan ko na sa kusina si Nanay Meding nang magising ako. Mas nauna pa rin pala siyang gumising kaysa sa akin. Maaga naman nagigising si Jansen dahil sa siya ang natoka sa pag-aalaga sa mga halaman at iba naming mga alagang naming hayop. Minabuti kong tulungan na lang si Nanay Meding sa paghahanda ng almusal. Hindi lang naman kasi kami ni Lance ang ipinagluluto niya, pati na rin ang ga tao naming nagta-trabaho sa bukid kaya medyo marami siyang inihahanda.
“Dapat sa’yo natutulog ng mas mahaba, sir.”
“Nay Meding, huwag naman pong sir. Tinatawag na rin lang naman ninyong Lance ang partner ko kaya Sean na rin lang po ang tawag ninyo sa akin.”
“Nakakahiya kasi.”
“Bakit naman ho kayo mahihiya e nanay naman ang turing ko sa inyo rito. Pamilya na ho namin kayo.”
“Salamat Sean, pero hindi mo naman kailangang makipag-unahan sa akin sa paggising ng maaga.Trabaho kong ipagluto ko kayo ni Lance at ang mga trabahador ninyo.”
“Naku Nay, hayaan lang ninyo akong tumulong. Gusto ko ho sana kasing maging ulirang partner kay Lance. Gusto kong maging hands-on sa pag-aasikaso sa kanya.”
“Sabagay. Pero sana kahit tuwing umaga lang, hayaan mong ako na muna ang gagawa sa mga ito ha? Kaya ko na ‘to. Hindi naman ako nakikipag-agawan sa pag-aasikaso sa partner mo pero sinasahuran ninyo ako, sinasahuran ninyo kami ng anak ko kaya dapat lang na pagsilbihan namin kayo.”
“Oho Nay. Naintindihan ko ho kayo. Hindi na ako makikipagtalo.” Tumawa ako. Kumuha ako ng malulutong ulam sa ref at nagsimula na akong tumulong sa pagluluto ng agahan. Iyon na ang simula ng pagiging close namin ng matanda. Nakita ko rin kung paano niya alagaan ang anak kong si Jay ar at kung paano ko siya maasahan sa lahat ng gawaing bahay.
Naging ganoon ang araw-araw na buhay namin ni Lance. Mauuna akong magigising kahit pa pinapakiusapan akong magpahinga na lang. Ipaghahanda ko siya ng almusal kasama ni Nanay Meding. Sabay kaming lahat na mag-agahan bukod kay Jay ar na tanghali na kung magising. Mas nauuna pa ngang gumising si Josh sa kanya.. Ihahatid ko siya ng tingin kapag umaalis na siya papunta ng farm. Magdadala kami ni Jansen ng kanilang pagkain sa bukid lulan ng pang-farm naming sasakyan. Madalas isinasama ko rin si Jay ar dahi, gusto ng batang maglaro ng saranggola sa bukid. Si Josh ang naiiwan kay Aling Meding. Sasaluhan namin ni Jay ar asi Lance at mga trabahador niya sa kanilang pagkain sa aming kubo. Iba pala talaga ang hatid ng simpleng buhay probinsiya. Doon ko naranasan yung sarap ng magkamay habang masuyong dinadampian ako ng preskong hangin. Kukuha ng malamig na tubig na maiinom sa “deepwel”, tawag namin sa ginagamit naming irigasyon. Ang malamig at malinaw na tubig ay galing sa pinakailalim na bahagi ng lupa. Madalas doon na rin kami naliligo ni Lance doon kasama si Jay ar. Sarap na sarap ang bata sa pagtatampisaw sa malamig na tubig. Tumutulong ako kay Lance kung may mga simpleng gawain ngunit ang madalas na nakatoka sa akin ay ang mamitas ng bunga ng mga gulay. Minsan, sumasabay na rin kami ni Jay ar sa pag-alis ni Lance ng umaga para makapamingwit kami ng isda sa aming palaisdaan na siya naming magiging pananghalian. Doon ko na sa kubo sa bukid namin lulutuin iyon. Alam kasi nila lahat na anak mayaman ako at hindi ko gamay ang gawaing bukid. Hindi kagaya ni Lance na sanay na sa mga ganoong gawain.
Ito ang simpleng buhay na pinangarap ko na naisakatuparan na naming mag-partner. Napakagaan ng pakiramdam na pinapanood ko ang moreno at napakaguwapong mahal ko na walang pang-itaas na damit at nakasakay sa traktor para magbungkal ng lupang tatamnan muli namin ng palay, gulay at mais. Wala rin akong pakialam kung umitim ako. May partner na ako. May nagmamahal na sa akin ng totoo. Hindi na ganoon kahalaga ang kulay ng aking balat lalo pa’t alam kong hindi lang naman ang panlabas kong kaguwapuhan ang minahal ni Lance sa akin.
Kami na ang nagsu-supply ng mga gulay, prutas at mga isda sa aming bayan kaya naman kilala na kami. Tunay ngang napalago namin ang negosyong ibinigay sa amin ng lolo ni Lance na isang retired na sundalo. Iyon ay para ipakita rin namin na pinahahalagahan namin ang kabuhayang gusto niyang palaguin ni Lance.
Simple at tahimik na buhay. Iyon ang gusto ni Lance sa aming pamilya na gusto ko rin naman. Gusto namin na wala kaming kinatatakutan dahil wala kaming inaagrabyado. Lahat ng mga tao namin ay binibigyan namin ng patas na sahod. Gusto naming sabay ang aming pag-unlad sa kanila. Kaya naman naging madali at mabilis ang lahat ng trabaho dahil magaan ang kanilang kalooban na tulungan kami. Hindi kami mahigpit, hindi maramot at libre ang pagkain.
Okey naman na kami ng ex-girlfriend at nabuntis na naging bestfriend ko na ngayon na si Joan. Tahimik na siya sa kanyang asawa at pamilya. Kahit ang nabuntis ni Lance na si Lovely ay tahimik at masaya na rin sa boyfriend nito. Madalas pa rin naman siyang bumibisita sa amin ang mga ina ng mga bata para makita at makasama ang kanilang mga anak at okey lang kami ni Lance doon. Malapit lang naman kasi ang kanilang bahay sa amin at lahat kami, schoolmates noong high school. Masaya ako para kay Joan dahil sa wakas natagpuan na niya ang kanyang matagal ng hinahanap na pag-ibig. Alam kong masaya rin ang kaibigan ko sa akin. Sa wakas sa kabila ng mga nangyari sa amin sa nakaraan, nagawa niyang makamove-on, ibigay ang anak namin sa akin at taggapin ako bilang matalik pa ring kaibigan. Buong puso talaga niyang tinanggap na bakla nga ako.
Tatlong buwan na kami sa aming bahay at negosyo nang nagkataong may sakit ang driver na siyang nagdedeliver ng mga gulay. Kung hindi maidedeliver sa madaling araw na iyon ang gulay ay paniguradong masisira kami sa aming mga binabagsakan namin lalo pa’t iyon ang kanilang ititinda sa araw na iyon. Bagsakan rin kasi kami ng gulay at prutas ng iba pang magsasaka sa amin kaya iyon rin ang ibinabagsak namin sa mga palengke.
“Ako na lang ang magdedeliver bukas ng madaling araw. Wala kasing mga lisensiya yung mga ibang tao natin kahit pa marunong naman silang magmanaheho,” sabi ni Lance sa akin nang naghahanda na kaming matulog.
“Hindi ba’t tatlo naman silang nagdedeliver?”
“Oo pero isda ang dinedeliver nong isa, yung isa mga prutas at yung gulay ang walang driver. Kung maaga sana tayong nasabihan ng tao natin, baka nagawan pa ng paraan.”
“Samahan na lang kita bukas, mahal.”
“Huwag na, kami na lang ni Jansen. Walang kasama si Jay ar dito.”
“Nandiyan naman si Nanay Meding. Mukhang close na close na nga si Jay ar sa matanda.”
“Oo nga e. Pero mas kampante pa rin ako kung ikaw ang kasama ni Jay ar dito. Isa pa, hindi ka naman sanay sa mga ganitong gawain mahal. Lumaki kang maayos ang buhay at alam kong maiirita ka lang dahil hindi maayos ang daan dito sa Amulung. Mabato, kaya panigurado kapag nainip ka o nainis sa mabatong daan, aawayin mo lang uli ako.”
“Grabe ka naman. Gusto ko lang naman sana matutunan ang delivery natin para naman kahit ito lang ang maitulong ko kapag sanay na ako sa mga gawaing bukid.”
“Darating din tayo diyan. Huwag kang masyadong magmadaling matuto. Saka simple lang naman ang pagdedeliver. Hindi na kailangan pang aralin. Huwag ka nang makulit ha? Gusto ko well-rested ka muna habang nag-aadjust sa buhay bukid. Huwag ka na kasing lumulusong pa para tumulong na magtaning ng palay. Kita mo yung nangyari sa’yo kahapon? Halos himatayin ka sa init ng araw. Akala mo siguro madali lang ang ginagawa nila sa bukid.”
“Mukha lang kasi silang naglalaro kaya akala ko-“
“Akala mo kaya mo? Mga sanay ang mga tao natin. Bata palang sila, iyan na ang ginawa nila sa buhay. Basta dito ka na lang muna sa bahay.”
“Ginagawa mo naman akong parang babae niyan e. Kailan ako matututo at masasanay kung ganyan ka ng ganyan sa akin.”
“Basta dito ka na lang muna.”
“E di sa kubo na lang kami ni Jay-ar. Nag eenjoy nga yung batang mamingwit e.”
“Huwag na kasing matigas ang ulo mahal. Sa ibang araw na naman uli, hinimatay ka na ng sobrang init kahapon ta’s magpipilit ka uli. Pwede na tayong magbonding uli ni Jay ar sa bukid kapag hindi na sobrang alinsangan sa bukid.”
Sasagot sana ako nang biglang naramdaman ko ang paggalaw ni Josh. “Mahal, dalhin mo na kaya yang si Josh sa kwarto niya. Hindi naman pwedeng hanggang paglaki niya dito pa rin sa atin tumatabi. Tignan moa ng Kuya Jay ar niya, may sarili nang kuwarto.”
“Hayaan mo na muna, naglalambing lang ‘yan. Dapat nga samantalahin na natin dahil baka sa susunod na taon, may sarili na itong mundo at di na natin siya malalambing pa kagaya ni Jay ar. Naging tahimik na yung bata at secretive. Ayaw na nga ipahawak ang cellphone niya sa atin eh,” bulong niya sa akin. Nakangiting pinagmamasdan ang anak namin.
“Sabagay, sige na nga, dito na lang siya muna sa tabi natin.”
“Alam mo ba noong isang araw, nagtatanong na ‘yan kung bakit daw magkatabi tayo e pareho tayong lalaki. Bakit yung ibang pamilya, lalaki at babae ang mama at papa ng mga kalaro niya tapos tayo, dalawang daddy. Hindi ko talaga alam kung paano ko iyon ipaliliwanag sa kanya.” Natawa siya habang sinasabi niya iyon sa akin.
“Hintayin na muna nating sapat na ang kanyang pag-iisip. Mas madali na para sa ating na ipaliwanag ang lahat kapag nasa sapat na siyang edad.”
“Natawa ako kamo noong isang araw, gusto na daw kasi niya magka-ading e. Gusto na niyang may kalaro.”
“E nandiyan naman ang Kuya Jay ar niya ah.”
“Babaeng kapatid raw sana. Paano naman natin iyon gagawin?”
“Kaya nga. Sana mabigyan pa natin sila ng kapatid pero imposible na kasi hindi na ako papayag mambuntis ka pa ng ibang babae.”
“Ako rin ‘no, hindi ka na mabubuntis pa ng iba. Okey na tayo sa dalawang lalaking anak. Basta maalagaan ang mag ito, lalaki silang mabuting mga anak ng kuya Jay ar niya.”
“Kaya nga dumito ka na lang muna sa bahay okey? Gusto ko kasi maghapon mo muna silang binabantayan Huwag ako yung pinupuntahan mo sa bukid para manmanan.”
“Manmanan ka diyan. Gusto ko lang na nakikita kita lagi. Masaya akong tinatanaw kitang gumagawa.”
“E, di ganoon na rin iyon. Huwag kang mag-alala mahal ko, hindi ako manlalaki, hindi kita lolokohin habang-buhay.”
“Bakit naman napunta sa panlalaki? Wala naman akong iniisip na gano’n ah.”
“Aba malay ko, baka ganoon ang iniisip mo kaya mo ako binabantayan sa bukid.”
“Confident ako ‘no. Ako kaya ang pinakagwapo dito sa bayan ng Amulung. Ang tanga mo namang ipagpapalit mo pa ako.”
“Do’n naman ako hindi kokontra. Siyempre, gwapo ako kaya dapat lang na gwapo rin ang partner ko.”
“Ang lakas talaga ng hangin. Bumabagyo sa loob ng kuwarto.”
“Naku mahal, matulog na nga tayo.”
“Hihilutin ko ang mga paa at kamay mo muna ha bago matulog, alam kong pagod na pagod ka sa bukid maghapon.”
“Salamat mahal ko.” Inayos ko ang higa niya at nakangiti ko munang hinilot ang mga paa niya at braso. Nang matapos iyon ay tumabi ako sa kanya. Muling hinalikan sa labi.
Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mahina niyang paghilik. Inayos ko ang kumot niya. Pinagmasdan ko ang asawa ko. Alam kong pagod siya sa mga gawaing bukid at sinisikap niyang gawin iyon kahit alam ko namang hindi rin naman talaga siya sanay kagaya ko. Sinabi naman ng lolo niya na hayaan na niyang gawin ang lahat ng iyon ng kanyang mga trabahador niya sa bukid ngunit siya ang nagpumilit na tumulong para raw matuto. May mga plano naman kami kung paano pa namin paunlarin ang negosyo lalo pa’t nakatapos naman kaming dalawa ng kursong may kaugnayan sa business kaya alam namin na madali na lang namin mapaunlad pa lalo ang negosyong pinasok naming dalawa.
Dahan-dahan ko ring binuhat si Josh para ilipat sa kanyang kuwarto. Kailangan din niyang masanay na nakabukod sa amin. Sinilip ko muna si Jay ar sa kanyang kuwarto na katabi lang ng kuwarto ni Josh. Tulug na tulog na rin ang bata. Bumalik ako sa tabi ni Lance at natulog na rin.
NOTE: THIS IS BXB VERSION OF SURGERY BEAUTY BOOK 2, YUNG BOOK LANG NIYA BUT NOT THE WHOLE STORY. KALAHATI NG KWENTO ANG BAGO AT NADAGDAG AT MARAMING NAPALITAN NA SCENE TO SUIT FOR BXB VERSION. SALAMAT.