PANLILIGAW

2068 Words
CHAPTER 15 BLOODY VENGEANCE BY: Pinagpala (Joemar P. Ancheta) Natapos iyon sa muling pagbagsak ng mga ulo sa aming mga unan. Masuyong inilagay ni Lance ang kaniyang braso sa batok ko. Hinila niya ako at masuyong tinitigan niya ako habang humihingal pa. Napapikit ako sa sarap. Siniil niya ang mapulang labi ko. "I Love you, Sean,” bulong niya sa akin. Bilang tugon ay hinalikan ko na lang din siya.             "Sige na, matulog na tayo. Bukas maaga pa tayong gumising para sa pagsisimula ng ating klase. Alam kong di ka pa buong nakakapagpahinga sa biyahe mo. Good night." Bahagya akong bumangon at hinalikan ko siya sa pisngi niya. "Good night." Matipid niyang sagot.. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang mahina niyang paghilik. Tinitigan ko siya. Hinalikan ko siya sa kaniyang pisngi bago ko pinatay ang ilaw. Magkaklase kami ni Lance ngunit hindi sa lahat ng subject dahil hindi kami sabay mag-neroll. May mga nimor subjects kasi na iba ang chedule ko ngunit kahit mas maaga natatapos ang klase nya sa hapon ay matiyagang hinihintay pa rin niya ako. Imbes na umuwi na siya at magpahinga ay mas gusto niyang hintayin ako para sabay na kaming uuwi. Laging may iniaabot siyang meryenda paglabas ko sa klase. Laging may nakakatawang kuwento habang pauwi kami. Lagi siyang handang patawanin ako. Hindi siya natutulog hangga't hindi pa ako natutulog. Sa tulad kong naninibago sa mga subjects ko at paraan ng pagtuturo nila sa University na pinapasukan namin ay kinakailangan kong magsunog ng kilay sa gabi. Alam kong ganoon din naman siya ngunit parang mas hirap ako. Siguro kasi mas matalino naman talaga si Lance sa akin sa Math. Pinili ko lang mag-Engineering to challenge myself. "Mauna ka nang matulog. Napupuyat ka sa kahihintay sa akin e." puna ko nang minsang napansin kong panay na ang hikab niya na naghihintay sa akin habang nakaharap siya sa laptop niya. "Anong hinihintay ka diyan? Bakit kita hihintayin e alam ko naman tatabi at tatabi ka din sa pagtulog mamaya. Busy din ako sa term paper ko 'no." sagot niya. Tumayo ako. "Tapos ka na?" tanong niya. "Ginutom ako. Kuha lang ako ng juice at sandwich." "Ako na. Tuloy mo na 'yang tinatapos mo." Mabilis siyang tumayo. `"Akala ko ba busy ka sa term paper mo?" tanong ko. "Patapos na 'to." Sagot niya. "Sige na umupo ka na diyan at ako na lang." Nang nasa kusina na siya ay hindi ko maiwasang hindi tignan kung totoo ang sinabi niyang gumagawa siya ng term paper niya. Huminga ako ng malalim nang makita kong naglalaro lang siya ng poker. Tinignan ko ang history sa laptap niya baka nga na-close niya ang term paper niya bago tumayo kanina ngunit puro pictures ko ang naroon na inisa-isa niyang binubuksan. Ang ibang mga pictures ay kuha noong high school pa lang kami. Pati ako napapangiti dahil kalakip ng mga pictures na iyon ang mga masasaya naming mga alaala. Isasara ko na ang mga binuksan kong pictures para hindi niya mahalata na pinakialaman ko ang kanyang laptop. . Sa gabi ay nagigising ako sa tuwing niyayakap niya ako. Kasabay iyon ng paghinga ng malalim. Alam kong paraan lang niya iyon para maramdaman niya ako. Para kahit sa oras ng pagtulog ay maiparamdam pa rin niya sa akin ang kanyang pagmamahal. Hindi man ako sanay na may katabi. Hindi sanay na may kayakap ay pinilit ko ang sarili kong gawin iyon. Hinahayaan ko na lang siyang yakapin ako magdamag. Hanggang sa kinasanayan ko na ang init at higpit ng kaniyang mga yakap sa akin. Walang araw na hindi niya ako inaasikaso. Walang oras na hindi niya ipinaramdam ang kaniyang pagtatangi sa akin kaya nga bawat sandali ay busog ako sa kakaiba niyang pagmamahal. Namuhay akong parang prinsipe niya. Lahat ng ginagawa niya ay para sa akin. Kahit tumanggi ako sa mga paninilbi niya ngunit kagustuhan pa rin niya ang nasusunod. Sa tuwing inihahayag niya ang kaniyang pagmamahal sa akin ay hindi ko pa rin siya nasasagot lagi kaya natatapos ang lahat sa matipid niyang ngiti at isang buntong-hininga. Mahal ko siya. Ramdam ko naman iyon ngunit ayaw kong patali. Ayaw kong habang-buhay ay siya ang aking makakasama. Darating kasi ang panahon na sa babae pa rin ako. Naroon pa rin yung kagustuhan kong ikasal at magkaroon ng pamilya kahit pa sabihing mahal ko siya at masaya ako sa kung anong meron kaming dalawa. Hanggang sa pagdaan ng mga araw ay natatakot na ako. Ramdam na ramdam ko na ang pagtatangi sa kaniya. Hinahanap ko siya sa school kung hindi ko siya makita. May kurot na selos sa aking puso sa tuwing nakikita ko siyang masayang nakikipagtawanan sa iba. Parang gusto kong matapos na agad ang aking klase kapag makita kong may tatabi sa kaniya at nakikipag-usap habang hinihintay niya akong lumabas sa classroom namin. Mahal ko na kaya siya ng sobra? Yung pagmamahal na higit pa sa naramdaman ko noon? Paano na yung plano ko balang-araw kung hindi ko na pala siya kayang pakawalan? Sa gabi ay gustung-gusto kong pagmasdan ang maamo niyang mukha habang naghihilik ng mahina. Hinahawakan ko ang kaniyang pisngi. Ngunit paano kung kailan sobrang mahal ko na din siya ay saka niya ako sasaktan? Ayaw kong masaktan pero hindi kaya siya masasaktan din kung daratung yung araw na sa babae pa rin ako ikakasal? Masasayang lag ang mga panahong naging kami. Nagpatuloy ang pag-usad ng panahon. Tanging si Joan ang piping saksi sa pagmamahalan namin ni Lance ngunit habang tumatagal, nararamdaman ko kay Joan na parang may pagtingin talaga siya sa akin, Napapansin kong nagseselos siya kay Lance kahit alam niyang si Lance ang karelasyon ko at kasama sa bahay. Hindi siya sumusukong iparamdam ang pagtatangi niya sa akin. Minsan pinapasukan ng demonyo ang utak ko. Paano kung si Joan ang gigising sa nakahimlay kong p*********i? Paano kung matikman ko sa kanya ang ambrosia ng Diyos at sa kanya pala ako tunay na liligaya. Na siya ang bubuo ng ginusto at pinangarap kong anak at pamilya? Kahit kasi anong gawin namin ni Lance, malabong mangyayari iyon. Sa paglipas ng buwan at taon, nagkakasawaan din pala kami ni Lance. Ang halos gabi-gabi naming pagtatalik ay halos minsan sa isang Linggo o kaya ay halos wala na sa isang buwan. Mas lalo na kaming open sa isa’t isa. Naroon pa rin naman yung paninilbi niya sa akin. Nandoon pa rin yung pagmamahal ngunit nabawasan na yung pagkasabik at pagka-adik namin sa isa’t isa. Nagpasya kaming maghiwalay ng section para lang hindi kami nagsasawa sa isa’t isa. May ilang subjects pa rin naman na kami ay magkaklase lalo na sa mga major namin. Hanggang sa isang araw, nagpasya na lang ako na subukan sa babae. Buo na ang tiwala sa akin ni Lance. Hindi sa gusto ko lang sirain iyon. Gusto kong malaman kung ano ba ang pakiramdam ng magmahal at makipagtalik sa babae. Gusto kong siguraduhin ang aking sarili na kay Lance nga lang titibok ang puso ko. Isa pa, medyo bumabalik na naman kasi ang pang-iinis sa akin ng mga pinsan kong ang ilan ay nag-asawa na. Pressure sila sa akin na dapat ang lalaki ay magkaroon ng sariling pamilya. Patapos na kami ng Fourt Year noon. Isang taon na lang graduate na kami. Kung susumahin maglilimang taon na kami ni Lance. Limang taon na ganoon na lang. Nakaka-boring. Nakakasawa. Gusto ko ng ibang spice sa buhay. Gusto ko nang masigurado ang mga gusto ko. Nasa edad na ako na dapat alam ko na ang at patutunayan ko na kung ano nga ba ang talagang magbibigay sa akin ng tunay na kalaigayahan. Yung takot ko noon na baka lalong malulong kay Lance ay naglaho. Para kasing usual na at ordinaryong araw na lang ang nangyayari sa aming buhay. Gusto ko naman ng bagong mga karanasan at si Joan ang nakikita kong susi para ma-exlore ko ang other side of me. “Seryoso ka?” tanong ni Joan nang buong tapang na akong manligaw sa kanya. Nasa isang restaurant kami noon, Niyaya ko talaga para kumain sa labas. Treat lang dahil sa ginawa niyang term paper ko sa minor subject namin na hindi ko naman hiniling na gawin niya. “Oo, high school pa lang tayo gusto na talaga kitang ligawan. Nagkaroon lang kami ni Lance ng deal noon na walang manliligaw sa amin sa’yo. Na walang manliligaw hanggang makatapos kami ng high school pero ngayon na college na tayo, okey na.” “Eh paano kayo?” napa-isip siya. “Ginagawa mo ba ito Sean dahil alam mong gusto kita. Na alam mong hindi ako makatatanggi dahil ramdam mong mahal kita?” “Please. Tulungan mo akong kilalanin yung tunay na ako. Alam ko kasing may mga gusto ako sa buhay na hindi sa akin maibibigay ni Lance. Ikaw lang ang alam kong makapagbibigay sa akin ng anak at pamilya.” “Pero sasaktan natin siya. Saka anong magiging labas ko? Kabit sa inyo?” “Sa ngayon oo. Pero lalaki pa rin naman kaming dalawa, Kahit anong gawin namin, hindi magiging legal yung sa amin ni Lance. Hindi kami kikilalanin ng lipunan bilang mag-asawa. Hindi rin naman kami magkakaroon ng masasabing buong pamilya. Ikaw lang ang alam kong makapagbibigay no’n Joan. Ikaw ang sa tingin kong babaeng pakakasalan ko. Ang legit na makakasama ko hanggang sa pagtanda.” Mahaba-habang paliwanag ko sa kanya. Nakatitig siya noon sa aking mga mata. Siguro sinusukat niya kung nagsasabi ba ako ng totoo at alam kong basa niya sa mga mata ko na gusto ko talaga ang sinasabi ko. Gusto kong subukan. “Hindi ko alam kung tamang sasagutin na kita ngayon pero, paano kung malaman ni Lance ang tungkol sa atin?” “Malalaman at malalaman niya lalo na kung tayo na. Pero kung kaya muna nating itago hanggang makatapos tayo, baka pwedeng mag-ingat muna tayo kung sasagutin mo na ako ngayon. After all, matatanggap pa rin naman ni Lance. Maaring kamuhian niya tayo, masasaktan niya ako at masasaktan ko siya pero panahon na lang din ang makapagsasabi at tutulong sa kanya para magamot ang sakit na lilikhain natin sa kanyang puso, sa kanyang buhay.” “Bakit parang kapag nagsasalita ka ngayon, hindi mo na siya mahal?” “Hindi ko alam eh. Siguro kasi nasa isip at puso ko pa rin yung hangarin ko na makabuo ng pamilya? Na may taas-noo akong ipakikilala sa aking pamilya na magiging asawa. Hindi kasi nawala yung kagustuhan kong iyon kahit limang taon na kami. Hindi niya nabago ang perception ko.” “Oh God! Ang hirap naman ne’to. Mahal kita eh, Alam kong alam mo naman iyon. Kaya nga siguro hindi pa ako nagpapaligaw kasi ramdam ko na kahit papaano ay gusto mo rin ako kasi may mga actions ka na nagsasabing pwede tayo. May mga tingin ka sa akin na alam kong kakaiba. Sorry pero umasa ako na baka naman pwede tayo. Kaya kahit mahirap at suntok sa buwan. Sige na. Papayag na ako na maging tayo.” “Seryoso ka?” maluwang ang aking pagkakangiti. Hindi man nakakagulat pero iba pa rin yung tuwa na binigay no’n sa akin. “Oo at bahala na. Gusto ko rin naman sumaya. Isusugal ko ang puso ko sa’yo. Maaring manalo o matalo pero tingin ko naman, magiging panalo pa rin ako dahil matagal na kitang gusto, Gusto kong maranasan ng actual ang dati ay pangarap lang, Mahal kita Sean. Alam kong mali ngunit bahala na ang panahong itama ang sa atin.” “Hindi man kita mahal na mahal ngayon, Joan pero gusto na kita noon pa. Sana yung pagka-gusto ko habang tayo na ay mas lumalim pa. Sana ikaw na ang babae para sa akin. Ang babaeng pakakasalan, ang babaeng magbibigay sa akin ng anak at babaeng makakasama ko habam-buhay.” Lumapit ako sa kanya, Niyakap ko siya. Nakaramdam ako ng kalayaan. Hindi namin pwedeng gawin ni Lance ito sa publiko. Nakakaalangan pa rin sa ibang tao pero kay Joan, walang dapat itago. Tanggap yung ganitong PDA. Yung halik sa labi ay sweet para sa karamihan. May kung anong naramdaman akong saya pero may kaakibat naman na lungkot para kay Lance. Umuwi akong maraming pangarap para sa amin ni Joan. Nandoon yung excitement na bubuo ng pamilya. Magkakaroon ng anak. Kahit nga pangalan ng bata ay naplano ko na. Basta sobrang saya lang ng pakiramdam. Kahit wala pang nangyayari sa amin parang may something sa aking pagkatao na nagsasabing lalaki ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD