KINABUKASAN ay maagang nagising si Gail, wala na kasi silang stock sa kusina kaya naisipan niyang mamalengke. Tutal ay siya naman ang may hawak ng susi ng sasakyan ay madali lang para sa kanya na umalis dahil tiyak na tulog pa rin naman si Liam. Mabilis ang ginawa niyang pamamalengke dahil nag-aalangan siyang magising ang lalaki at umalis itong hindi niya alam. Nang makabalik ay tulog pa rin ang kasama kaya minabuting magluto na muna nang agahan nila. Napapangiti na lamang si Gail nang maalala ang hitsura ni Liam nang pinakain ito ng sardinas. Mas lalong tumamis ang mga ngiti sa tuwing walang nagagawa ang lalaki kapag hindi gusto ang mga niluluto niya. Wala itong choice kundi kumain dahil gutom ang mapapala niya kapag hindi ito kumain. Hinugasang mabuti ang galunggung na binili, nais n