TULUYANG nainis si Gail sa kaharap ng lalo dahil sa nakakaloko nitong ngisi sa mukha. "Gail!" malakas na sigaw ng nasa labas. "Yoho! Tao po," dagdag pa nito na tila mapuputulan na ito ng litid sa leeg. Doon ay naalalang inimbitahan nga pala ang kaibigan at nakisuyo na rin siyang magdala ng malunggay at kangkong. Nang maalala ang kaibigan ay napailing na lamang siya, hindi nga pala uso sa squatter area ang door bell kaya hindi iyon ginagamit ng kaibigan. "Gail! Labas ka na riyan? Tao po!" ulit nitong sigaw kaya nagmamadali na siyang lumabas. Nasumpungan ang kaibigang tila nagwawala na sa katatawag sa kanya at nanlilimahid na dahil naglakad yata ito sa gitna ng tirik na tirik na araw. Mas lalong napailing si Gail sa nakitang hitsura ng kaibigan, dapat pala ay inisa-isa nito ang gagawin