NAKITA ni Liam ang pagngisi ni Gail na hudyat na may kapilyahang naiisip na naman ito. "r**e, bakz, baka ma-r**e mo amo," bulalas ni Dinky na agad niyang tinutop ang bibig dahil baka marinig ng boss ang nakakaeskandalong sinasabi nito. "Talaga namang magagahasa ko 'yan kapag ako ang makakasama niya ng tatlong buwan sa bahay na ito," saad pa rin nito matapos makawala sa kanya. Maya-maya ay tumahimik ang kaibigan na matamang pinapanood lang ang lalaking lumalangoy. Bawat anggulo yata ay masusi nitong iniaaral at bawat gawin ng amo ay nakasunod ajg mga mata nito. Inaantok na siya kaya hindi niya napigilan, tila hinihila siya ng antok lalo na't malamyos ang paghampas ng hangin sa kanyang balat. Dinig pa niya ang kilig ng kaibigan habang nanunuod kay Liam na lumalangoy. Nakukuha na niya an