"Shutakels talaga mga ka group natin, umuulan na wala pa din sila!" reklamo ni Tenshi sa babaeng babaeng paraan. Tiningnan ko ang cellphone ko, 9 a.m. Ang usapan namin 8 ng umaga, umulan na at lahat lahat wala pa din sila. Kaya ubod ng reklamo si Tenshi ngayon.
"Kainis talaga, sarap sabunutan!" bigla akong tumingin kay Tenshi. Nakita niya iyon at tumaas ang kilay nito.
"Bakit? Ngayon ka lang nakakita ng magandang nagrereklamo?" mataray na tanong nito, umiling ako.
"Kaya mo sabunutan si Kevin?" iyong crush niya sa classmate namin, 7:40 ako pumunta sa meeting place, tapat lang ng school toh and may mga restaurants sa tapat. Pagdating ko doon ay ang aga ni Tenshi, sabi niya kanina pa daw siyang 7:00, halatang excited makita yung crush niya.
"Hindi ko siya sasabunutan, yayakapin ko siya ng mahigpit" napatango ako.
"Talaga? Kaya mo?" umirap ito.
"Oo naman, ako pa" pagmamayabang niya, tumango ako.
"Good morning, Kevin" bati ko ng makarating sa harap namin si Kevin, basa ang ibabang bahagi ng pantalon niya dahil sa lakas ng ulan. Agad na humarap si Tenshi at tumayo ng diretso.
"Morning, par!" kumaway pa si Tenshi, lalaki na siya ngayon. A very fast transformation.
"Sensya na pre, ang late. Akala ko di tuloy" kamot batok na sabi ni Kevin, ngumiti si Tenshi.
"Okay lang, ito kasing si Liliana sinabi ko ng may bagyo kailangan pa din daw magpractice. Ayan tuloy nagdrive ka pa papunta dito" luh?! Gulat ko siyag tiningnan, siya kaya itong leader sa grupo. Tawag siya ng tawag sa akin kanina kahit 7 pa lang, nasa meeting place na daw siya. Late na daw ako eh 8 naman ang usapan. Ako pa sinisi, ako na nga itong maaga siyang sinamahan sa meeting place kahit wala pang 8.
Matalim akong tiningnan ni Tenshi, iyong tinging kapag umangal ako hihikain niya yung buhok ko. Ngumiti sa akin si Kevin at titig na titig, hindi talaga ako komportable kapag tinitingnan ng opposite s*x.
"Ngayon lang kasi available time natin to practice, sunod sunod klase natin kaya kung di natin gagawin ngayon wala tayo mapepresent" paliwanag ko dito, tumango ito habang nakangiti pa din.
"It's okay, Liliana. I understand" bumalik ako sa pagtingin sa cellphone ko para maiwasan ang tinging pinupukol niya.
"Wait, message ako sa gc natin. Anong oras na masyado" singit ni Tenshi.
30 minutes din kaming naghintay bago kami nabuo bilang grupo. Isa isang binigay ni Tenshi ang script, masipag talaga siya, mayaman pa. Nageffort magprint ng script per members.
"So ang bida natin dito si Kevin, bale siya yung young igorot na gustong pumunta ng maynila para makapag aral at makahanap ng opportunity. Pero before dun kailangan imemorize niyo yung script, sinama ko sa conversation yung dialect nila pero konti lang kasi yun lang na search ko eh. More on pagpapakita ng culture nila ang gagawin natin" pagpapaliwanag ni Tenshi sa amin. Tumango ako, ang role ko dito------ sasayaw. Sasayaw kami ng parang katutubo, tas exit. Wala masyadong line, nakakahiya pero para sa grade.
"Hindi ba pwedeng impromptu na lang?" nakangiting tanong nj Kevin, kumunot ang noo ni Tenshi.
"Nagprint ako, gumawa ng script, tapos Impromptu?" rinig ko yung inis ni Tenshi, kahit naman crush nito si Kevin basta kapag academic na ay focus itong si Tenshi. 1 sem ko na din sya ng kasama kaya medyo kilala ko na siya. Competitive at matalino.
"Sabi ko nga imemorize ko yung script, joke lang pre" muling binasa ni Kevin yung script habang nakakunot pa din ang nooo ni Tenshi nang tumango ito.
After a few minutes ay nagstart na ang practice namin, una yung sayaw. Nakacircle kami tas magtalikuran habang sumasayaw na napanood namin online. Pagkatapos ay ang batuhan ng lines.
"Cut! Kevin kahit hindi mo imemorize exactly per words, basta andoon yung thoughts nung linya at tandaan mo yung dialect na word. Goods na yun" tumango si Kevin at nahihiyang tumingin sa akin. Ha? Bat sa akin tumitingin eh si Tenshi yung Leader/Director na din.
Tiningnan ko si Tenshi na nakatingin din sa akin, palihim itong umirap. Luh? Wala naman akong ginagawa sa kaniya.
"Okay, isa pa"
"Kain mo na tayo, Tenshi" sabi ni Jennica na kaklase namin. Kita ko na bahagyang tumaas ang kilay ni Tenshi pero agad din niyang napigilan.
Tumingin sa relo niya si Tenshi.
"11 pa lang, kain na agad? No offense guys ha, pero late kasi kayo tapos ilang oras lang din tayo nagpractice tapos gusto niyo kain muna?"
"Gutom na din kasi kami, kaya siguro di namin masyadong mamemorize yung mga lines, saglit lang naman balik kami after lunch" early lunch sila ng isang oras tapos babalik after lunch, ayos. Sasabog itong si Tenshi mamaya for sure, magrereklamo toh sa akin.
"Balik kayo ng 12" nagtitimping sabi ni Tenshi.
"After lunch, mga 1 balik kami" nagsalubong ang kilay ni Tenshi, sa itsura niya ngayon ay lalaking lalaki siya.
"12 bumalik kayo kasi alam ko yung 12 nagiging 1 yung meaning pagdating sa inyo. Kaya sige alis na, balik ng 12. Ang di babalik ng exact 12, tatanggalin ko sa grupo" napangiti yung mga kasama namin at isa isang nagpaalam. Gamit ang payong ko ay naglakad kami ni Tenshi papuntang convenience store.
"Hoy! San kayo pupunta? Sasakay talaga ng jeep? Baka di na kayo bumalik ha" sigaw ni Tenshi ng makita namin si Jennica kasama ang kaibigan nito na taga ibang course na naghihintay ng jeep.
"Ano ka ba Tenshi, mag jollibee lang kami sa Sindalan. Malapit lang yun, alam mo ikaw ang gwapo mo suplado lang" mabilis na sumakay sa loob ng Jeep si Jennica kasaby niyon ay ang pag andar nito. Nagtinginan kau ni Tenshi, umakto itong nasusuka.
"Ako? Gwapo? Gwapo?! GWAPO! Shuta talaga yung babaeng yun, 1 hour and 30 minutes siyang late sa practice tapos iinsultohin niya lang ako" reklamo ni Tenshi sa akin habang naglalakad kami, dahil mas matangkad siya ay siya ang may hawak ng payong. Hindi na ganun kalakas ang ulan kaya nilakad lang namin yung convenience store.
"Hindi naman insulto yun, papuri pa nga" katulad ng dati ay mahina na naman nitong hinilag dulo ng buhok ko, tiningnan ko siya ng masama.
"Papuri? PAPURI! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!" mahina pero matinis na sabi niya.
"Bat ako yung kikilabutan?" umirap ito sa akin.
"Ewan ko sayo Lili, ganda lang talaga meron ka" maarteng sabi niya.
"Hi, Tenshii!" bati ng isang babae na nakasaubong namin sa overpass.
"Hello!" bati nito, nakaka amaze talaga magtransform nito. Kanina ay babaeng babae ito manalita ngayon naman ay lalaking na.
"Crush ka daw po ni Jane" kita kong tinulak nung isang babae ang kasama niya, say ata yung Jane. Nahihiya iting tumingin kay Tenshi sabay takbo ng mabilis palayo. Pagkalayo nila ay umarte na naman si Tenshi.
"Kadiri! Kadiri talaga! Worst day of my life. Puro pang iinsulto ang naririnig ko, iniinsulto nila ang puri ko" madramang sabi nito. Napailing ako, kahit kelan talaga.
"Kasalanan toh lahat ni Ma'am, feeling major siya. Filipino subject pinag duladulan tayo, akala mo naman ay makakatulong yung pinapagawa niya sa course natin na Accountancy. Eh puro english nga yung Accountancy, pati P.E english din yung language! Hindi naman sa ayaw ko ng Filipino, pero shuta talaga malapit na ang midterms tapos pinag duladulaan tayo. Ano siya gold?!" simula na ng reklamo ni Tenshi.
"Magiging gold siya kapag binagsak ka niya sa subject niya" sagot ko dito.
"Ay subukan niya lang talaga, makikita niya paano magalit ang isang magandang dilag"
masama akong tiningnan ni Tenshi, at alam kong hihikain niya na naman ang buhok ko.
"Joke lang, maganda ka naman talaga" biglang bawi ko, hinawi niya ang invisble long hair nito.
Pagpasok namin sa convenience store ay dumiretso kami sa drinks station.
"Shuta talaga!" rinig kong bulong ni Tenshi sa gilid ko, tiningnan ko siya. Hawak niya ang cellphone nito.
"Bakit?" tanong ko rito.
"Si Ma'am feeling major, nagchat sa gc natin kailangan daw may costume tayo na pangkatutubo. 50% daw ng midterms exam natin yung duladulaan. Shuta to the highest level! monday ngayon tapos sa wednesday na yung Filipino. Paano tayo hahanap ng costume nito"
Gigil na hinblot ni Tenshi yung Alpha Milk at mabilis na nagpunta sa Siopao station. Kumuha ako ng water at sinundan siya.
"Grabe talaga, saan naman ako hahanap ng costume na pangkatutubo nito by Wednesday? Si Ma'am talaga ang sarap yakapin sa leeg" reklamo ni Tenshi, seryoso na ito at bakas ang frustration sa mukha. Lalaking lalaki din siya sa part na yun.
"Uhm, excuse me" sabay kaming napatingin sa likod, isang lalaki ang nandoon. Mukhang kukuha siya ng siopao.
"Ah sige po una na kayo" hinila ko ang damit ni Tenshi para gumilid kami at ngayo'y nakatulala siya, nagpapantsya toh sigurado.
"No, silly" umiling ang lalaki sa narinig.
"I accidentally heard your problem. Actually I can help, may alam akong store na may indigenous dress." nakangiting paliwanag nito, kumunot ang noo ko at palihim na tinapik si Tenshi. Para kasing ewan titig na titig pa din siya sa lalaki.
"Uhm, Sino ka po kasi?" nakahinga ako ng maluwag sa tanong nito, mabuti naman ay matino ang tanong niya.
"Sorry about that. I'm Owen, I knew Lili also I'm Duke's friend" inabot nito ang kamay niya at nakangiti sa akin, pagkarinig ko ng pangalan ni sir ay alam kong hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking ito sa harap namin.