Chapter 16

2262 Words
“Duke? Sino pong Duke?” Tenshi asked. “Isa lang naman yung kilala kong Duke. It’s Duke Terrance Hart” kita ko ang pagbuka ng bibig ni Tenshi sa gulat. “Iyong bilyonaryo?” tumango iyong lalaki. “I saw you in the bar the time that you met Duke. So, I know you” nakangiting sabi nito. Nakita niya ako pero hindi naman kami magkakilala at hindi yun sapat para lapitan niya ako. He’s making me uncomfortable. “Uhm. Hello po Sir” awkward na bati ko dito. “So, now I can help with your costumes. I own a store, may mga indigenous clothes doon na hindi namin mabenta. I can let you rent it for a day, if okay lang sa inyo” nakatingin pa din siya sa akin habang nagpapaliwanag. Nag iwas ako ng tingin at tumingin kay Tenshi na ang laki ng ngiti ngayon. Masama ang kutob ko sa ngiti niya. “Talaga, sir?! Pero magkano naman po yung rent baka hindi naman kaya” nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Tenshi, mukhang mayaman si Sir. Siguradong mahal ang renta ng damit. “I can rent it to you for 100 pesos per costume” 100? Parang binigay niya na ang costume imbes na iparenta. Skeptical ako sa offer niya, para silang pareho nung kaibigan niyang mukhang scammer. “100? Seryoso ka po diyan sir? Ang mura naman po” kumunot ang noo ni Sir sa narinig. “I’m not cursing” Ha? Ano daw? “Ay ang ibig ko pong sabihin masyadong mababa naman nung price for rent” “Well help ko na din since you are still a student. Also, I knew Lili so it’s a friendly price” sumulyap ito sa akin habang may ngiti pa din sa labi niya. At dahil competitive at leader si Tenshi ay hindi ito nagdalawang isip na kunin ang offer ni Sir. “Malapit lang yung store ko so we can go there para makita niyo yung costume” tumango si Tenshi at kahit ayoko ay hinila ako nito palabas ng convenience store. Naiwan tuloy yung drinks namin sa siopao station, nagkalat pa talaga kami dahil sa pagmamadali ni Tenshi. Kita ko pa ang masamang titig sa amin ng cashier pagkalabas namin. Tiyak na siya ang magbabalik nung drinks, dagdag trabaho pa. Nakakahiya kapag bumalik kami doon sa convenience store baka natandaan kami nung cashier. Binuksan ni sir ang passenger seat. Tinulak ko si Tenshi doon. “Ikaw na” simpleng sabi ko, hindi talaga ako komportableng sumakay sa sasakyan ng iba lalo na pag passenger’s seat. Kinagat ni Tenshi ang ibabang labi nito sabay sabing thank you. Kinilig yun panigurado. Kinilig kay Sir na makakatabi niya. Nakangiting sinara naman ni Sir ang passenger’s seat. Mabilis kong binuksan yung pinto sa likod ng sasakyan dahil kita ko ang pag abot doon ni Sir. Bago pumasok ay nagpasalamat ako sabay sara ng pinto. Alam kong medyo bastos pero hindi talaga ako komportable. After namin bayaran yung costume at kukunin na lang bukas. Hinatid kami ni Sir pabalik ng convenience store. Pagkababa ng sasakyan ay bumaba din ito. “By the way, can I get your number Lili?” napatigil ako at lumingon sa kaniya. “Para kapag kukunin niyo na yung costume, you can call me since madalas nag iiba ng employee yung store” may sense pero ayokong ibigay ang number ko kaso magmumukha akong ungrateful kung hindi ko ibigay. “Uhm—” “Akin na phone niyo sir, type ko number” sabi ni Tenshi, masama ko itong tiningnan pero titig na titig lang siya kay Sir. “Here” inabot ni Sir ang phone kay Tenshi. Kita ko pa ang number na tinype ni Tenshi sa phone. “Okay, thank you. Call ako later, pasave number ko” nakangiti ito sa amin. “Goodbye, Lili” titig na titig ito sa akin ilang sandali pa ay sumulyap ito kay Tenshi.” Goodbye, man” tumango si Tenshi habang nakangiti pa din. Pagka alis ni sir ay bahagya kong tinulak si Tenshi na nakatingin pa din sa papalayong sasakyan ni Sir. “What?” mataray na sabi nito, tingnan mo toh. Ako na itong concern kasi wala siya sa sarili niya, siya pa itong galit. “Salamat nga pala dahil number mo ang binigay mo kay Sir” umirap ito sa akin. “Syempre naman, sobrang ganda mo naman Lili kung pati si Sir Owen ay may number ka” ilang sandali pa ay ngumiti ito, bipolar. “Atsaka wala yun, alam ko naman na ayaw mong ibigay ang number mo, kaya yung number ko na lang yieee” kinikilig na sabi nito. Napailing ako. “Paano si Kevin? Akala ko crush mo yun?” tumaas ang isang kilay ni Tenshi. “Kevin, who? Wala akong crush na bobo” pang iinsulto nito, kanina lang ay gustong gusto niya si Kevin. Ngayon na nakakita siya ng new target ay ang bilis nitong makalimot, daig pa may amnesia pero siya may amnesiang mapang lait. “Grabe naman, kanina nga ay kinikilig ka pa sa kaniya.” muli kaming pumasok ng convenience store. Ramdam ko ang titig ng cashier sa amin. “Jusko, Lili! Nakita mo ba yung practice kanina, 6 lines lang yung sasabihin niya tapos nakakalimutan pa. 6 lines in 1hour and 30 minutes, hindi pa din memorize! Gwapo siya pero bobo, major turn off” maarteng sabi nito sabay flip ng invisible hair niya. Major turn off daw eh wala namang interest yun sa kaniya. “Hindi ka naman gusto nun” mahinang sabi ko, masama ako nitong tiningnan. Agad kong tinikom ang bibig ko. “Anong sabi mo?!” nakataas ang isang kilay nito. “Hindi ka naman mabiro, joke lang” inirapan ako nito. “Umayos ka, ako leader ng group. Baka gusto mong mag isang sumayaw ng cultural dance sa dula” panget naman nitong kagrupo, power tripping. After kong tumawag kina Papa ay isang text ang natanggap ko. 11 p.m na, sino naman ang matinong magtetext sa akin ng gabi na. ‘Duke’ mahinang basa ko sa pangalan nang nagtext sa akin. Kaya pala, hindi nga matino. Duke I’m outside, labas ka. Kumunot ang noo ko, gabing gabi palalabasain ako. Kita ko na nagring ang phone ko at siya ang tumatawag, bumuntong hininga ako at lumabas ng bahay. Doon kita ko si Sir na nakasuot ng puting polo at itim na slack, nakayuko ito at nakatingin sa cellphone niya. Duke calling……. I accepted his call. “Hello” nag angat ng tingin si Sir at ngumiti sa direksiyon ko. Kumaway ito, lumapit ako sa kaniya. “Gabi na po, bakit nandito ka sir?” nawala ang ngiti nito sa labi. “It’s Duke” alam ko. “So bakit ka nga po nandito?” ngumiti si Sir. “Date tayo?” tinitigan ko siya para malaman if seryoso siya. Gabi na may pasok pa ako. “Sir alam mo ba kung anong oras na?” tumingin siya sa wristwatch niya. “11:11” tumango ako “Late na po, may pasok ako bukas” “Come on, I’ll just drive you around. Mga ilang ikot lang tapos uwi din tayo” umiling ako, gusto ko na matulog. “Ayoko” straight na sabi ko dito. “I’m tired, Lili. Kaya sige na. sandali lang talaga tayo” “Kung pagod ka po, bakit hindi ka magpahinga sa inyo?” takang tanong ko dito. Sa halip na magpahinga at umuwi ay nagdrive pa talaga siya dito para lang makipagdate. Kita kong ngumiti si Sir. “I don’t know” He shrugged, tumitig siya sa akin. “Tingin mo, bakit kaya sa halip na magpahinga pumunta ako dito?” kumunot ang noo ko. “Siguro stress ka sa work kaya gusto mong mastress din po ako sa inyo” akala ko ay maiinis siya pero natawa ito. “Well, pwede din. So, tara na” binuksan nito ang pinto ng passenger’s seat. Napabuntong hininga ako, at walang nagawa kungdi sumunod sa gusto nito. Sana pala hindi na ako pumayag sa game na ito kung alam ko lang na hanggang gabi ay kukulitin niya ako. Habang nagdadrive ay nagsalita ito. “Wala ka bang napansin sa akin?” tumingin ako sa kaniya, nakangiti ito at sinilip ako sa gilid ng mata niya. Kaninang paglabas ko ay nagulat ako kasi wala yung beard niya. Kaya nga sinagot ko yung tawag para masiguraong siya yun, kasi ngayon ko lang siya nakita ng walang balbas. “Wala naman, makulit ka pa din po” nagsalubong ang kilay nito sa narinig. Ayoko lang sabihin yung napansin ko sa kaniya, kasi sigurado magyayabang ito at hindi matatapos ang usapan namin hanggang hindi ako sumasang ayon sa kayabangan niya. “Tsk! Malabo ba mata mo? Tingnan mo ako maigi” sa halip na sundin siya ay tumingin ako sa labas ng sasakyan. “Nagshave ka” pagsukong sabi ko dito, panigurado ay nakangiti ito ng nagyayabang. “Do I look more attractive then?” mahina akong bumuntong hininga. “Oo na lang sir” para tapos ang usapan. “Tsk!” tahimik ang namagitan sa amin, mas gusto ko yung tahimik kasi mas komportable ako, lalo na kapag tahimik tapos ako lang mag isa. “By the way, how did your day go?” maya mayang tanong nito. “Okay lang” maiksing sabi ko, inaantok na ako. “Tsk! Sige yung akin na lang yung ishashare ko” he cleared his throat before telling his day to me. “Boring. Isang malaking boring! Magbabasa ng contract, pipirma then magbabasa ulit ng department plans and mag aapprove. I did that for the whole day, nag Overtime pa ako para matapos yun. Then dumiretso ako sa bahay mo because I want to be amused” hinarap ko siya. Wala namang nakaka amuse sa akin. Ang boring ko nga. “Ano bang nakaka amuse sa akin?” hininto nito ang sasakyan sa tapat ng 7/11. Tumingin siya sa akin. “I don’t know, pagkakita ko pa lang sayo kanina. I already feel amused” titig na titig ito sa akin. Umiwas ako ng tingin. Rinig ko ang mahina nitong pagtawa. “C’mon let’s eat first” bumaba kami ng sasakyan at pumasok sa 7/11. Dumiretso ako sa siopao station. At kinuha yung asado special. Pagka upo sa bakanteng upuan ay nakita ko si Sir na nakatingin sa akin. “Bakit?” “Safe ba yan?” “Ha?” “Yung siopao? Malinis ba? Sure kang pork yan?” sunod sunod na tanong nito sa akin. “Pork toh, yun ang isipin mo” simpleng sabi ko sabay kagat nung siopao. Ilang sandali pa ay umalis ito at pagbalik ay may siopao na siyang binili. “Hmmm. Okay lang, for 49 pesos walang lasa” hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. Umiling ako dito, grabe. Habang kumakain ako ay muli itong nagsalita. “So, kwento mo naman kung anong nangyari sayo ngayong araw?” “Kailangan pa ba yun?” binuksan ko yung tubig na binili ko. “Dapat fair, I already told you mine so dapat ikaw din” muli akong bumuntong hininga, ang daming arte. Daig pa ang magulang kung makatanong. “Wala naman masyadong ginawa, nagpractice lang kami for an activity sa subject namin then nagrent ng costume” nagsalubong ang kilay nito. “Costume? You should have called me, may alam akong store for costumes” umiling ako. “Huwag na po, nakapag rent na kami. Atsaka bakit ko naman kayo tatawagan para lang doon” tumingin ako sa kaniya. “Cause you…” titig na titig ito sa akin “ you are dating Duke Terrance Hart, that means you can use me and my connection sa mga bagay na kailangan mo” nag iwas ako ng tingin. “Ayoko” one-word na sabi ko muling kumagat ng siopao. “Tsk! Dapat marunong kang gumamit ng available resources para sa sarili mo” “Ayokong gumamit ng ibang tao” nilingon ko siya “Hindi kita gagamitin sir, hindi ako gagamit ng ibang tao para sa gusto ko” natigilan ito at pagkaraay ngumiti. “You really amuse me, Lili.” Pagkatapos namin kumain ay muli itong nagdrive paikot, binuksan nito ang bintana ng sasakyan ng kaunti kaya humampas ang hangin sa mukha ko. Nilingon ko siya, sumulyap ito sa akin habang nakangiti. Nagbukas ito ng radio. ‘I’m out my head, out my mind tonight, Oh, if you let me, I’ll be Out of my dress and into your arms tonight Yeah, I’m lost without it.’ Kita ko na sumasabay sa beat ang daliri ni sir sa manubela. Nandoon pa din ag ngiti sa labi nito habang paminsan minsan ay sinusulyapan ako. Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ko, hindi ko na siya hinintay napagbuksan ako ng pinto. “Tsk” rinig kong sabi nito ng makitang kusa akong lumabas ng sasakyan. “Nag enjoy ako. Nag enjoy ka ba?” tiningnan ko siya at tumango. Nag enjoy ako sa siopao. Unti unting sumilay ang ngiti niya sa labi. “Sa tanong mo kanina. I came here kasi everytime that I’m with you, I’m at peace” lumapit si Sir sa akin, napasandal ako sa pinto ng sasakyan sa pag atras ko. “I’m happy kahit sandali lang” I saw his smile, it’s different compared to his others smile. Kita ko na kasabay ng pag ngiti nito ay ang pag ngiti ng mata niya. His smile looks genuine, totoo at mukhang masaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD