This girl is really challenging my bottom line. Inagaw ko yung mic na hawak nito. I’ll impress her in Duke’s way.
“Hello, hello!” panimula ko, my voice was amplified. I’m wearing a mask para hindi ako mamukhaan ng iba.
“A pleasant afternoon to all of you here in the arcade. First time kong pumunta ng arcade kaya naman, I need 1 person who can sing at bibigyan ko ng 1,000 pesos” yung mga tao nakatingin lang sa akin, guess they don’t believe me. Kinuha ko yung wallet ko at naglabas ng ilang libo doon.
“This is a serious offer, just one-person na kayang kumanta ng romantic song” may babaeng naka uniform ang lumapit sa akin.
“Hindi yan scam kuya?” I shake my head.
“Seryoso. Ano name mo?”
“Thalia po”
“Thalia, here is the 1,000 can you sing for us then” inabot ko yung 1,000. Nag aalangan pero kinuha niya yung pera.
“Ano pong song?”
“Any song basta romantic at pwede naming sayawin” I looked at Lili’s direction nakakunot ang noo nito.
Tumango si Thalia.
Tumingin ako sa mga tao sa arcade na nakakumpol na.
“I’ll be giving 1,000 pesos sa mga magpartner, magkaibigan, magkamag anak na sasayaw habang kumakanta si Thalia” walang lumapit sa akin at nakatingin lang.
“Come on, minsan lang toh. 1,000 for one dance. Pila sa mga gustong sumali” pinakita ko sa kanila yung pera na hawak ko.
A mother and a kid walks infornt.
“Sasayaw kayo?”
“Opo” napangiti ako. Inabot ko yung 1,000.
Sunod sunod ng nagsipuntahan sa harap ko yung iba. After handing 10,000 ay tumigil ako. Nilingon ko si Thalia at inabot yung mic. Signaling her to start. Nagsimulang tumugtog yung karaoke, I faced Lili habang malawak na nakangiti.
“Hindi kita nasayaw nung charity event kasi agad tayong umuwi. So, this time can I have this dance” sabi ko habang nakalahad ang isang kamay ko, rinig ko ang hiyawan ng mga tao sa paligid.
“Ayoko” I know she would say that.
Kaya walang pasabing kinuha ko yung kaliwang kamay niya, intertwining mine. I grab her back, her head slammed into my chest earning a glare from her. Her hands are cold and shaking, her whole body is shaking. Hindi naman halata pero dahil nakahawak ako sa likod nito ay ramdam ko ang panginginig niya. Kumunot ang noo ko, normal pa ba toh sa mga introvert?
“Relax, gusto lang kitang isayaw” mahinang bulong ko dito, masama pa din ang tingin niya sa akin pero ngumiti ako when the girl, Thalia started to sing.
Heart beats fast
Colors and Promises
I started to step my right foot into the right side. I’m gently dancing with Lili; it was slow for her to adapt. She is still shaking but somehow hindi na katulad kanina.
How to be brave?
How can I love when I’m afraid to fall?
But watching you stand alone
All of my doubt suddenly goes away somehow
Her hands are still cold but she’s not shaking anymore. I stare at her eyes; she has long lashes. Her eyebrows are still furrowed. I genuinely smile at her hindi iyon kita dahil sa mask, but I know my eyes is smiling. This is what’s date should feel like.
“Have you fallen for me now?” mahinang bulong ko dito habang patuloy na sinasayaw siya.
“Hindi. Anong pakiramdam na sinasayaw mo ang isang teenager?” sinamaan ko siya ng tingin, what a line to ruin the romantic atmosphere.
“Why can’t you just appreciate my efforts to impress you and to dance with you?”
“Sayaw? Sa arcade? Hindi po toh romantic, embarrassment ang right term” this girl won’t have any boyfriend dahil sa ugali niya.
“Alam mo bang wala pa akong tulog from my flight, ikaw agad ang pinuntahan ko. Don’t you appreciate that?” mahina itong bumuntong hinga.
“Oo na lang sir” pag sang ayon nito. Iniinis talaga ako nito.
“You are challenging my patience” kumunot ang noo nito.
“Ang gulo niyo sir, na appreciate ko nga po yung efforts niyo.”
“Tsk!”
Natapos yung song ay inis na inis pa din ako sa kaniya. I wasted 10,000 para lang makapag set up ng on the spot romantic dance. Kala mo ay siya iyong nalugi na makasayaw ang isang tulad ko.
Pagkalabas namin sa arcade ay muli itong nagsalita.
“Next time sir, respect my personal space. Ayoko ng bigla akong hinahawakan” I looked at her in disbelief. Huminga ako ng malalim, she’s starting to irritate me. Kung ibang babae yung hinawakan ko for sure magsasaya pa sila cause I’m Duke Terrance Hart.
“Ayaw na ayaw mo talaga sa akin noh?” inis na sabi ko dito.
“Hindi niyo kasi alam yung meaning ng personal space, mapilit pa po kayo” bumuntong hininga ito at hinarap ako.
“Hindi ko po ma appreciate yung ginagawa niyo kasi pinipilit niyo ako. Feeling ko wala akong choice, para matapos na. It’s annoying.” straight na sabi nito sa akin. Kumunot ang noo ko.
“I’m annoying?” hindi makapaniwalang tanong ko. Never in my life I was told that I’m annoying.
“Yung totoo po ba?” seryoso akong tumango. Somehow I predicted that whatever she says will irritate me.
“Yes, you are annoying.” I breath fast and hard to calm myself.
“Ihahatid na kita pauwi” umiling ito.
“Huwag na sir, may bibilhin pa ako. Una na po kayo” tiningnan ko siya ng maigi. This girl! Kung ayaw niya edi hindi.
Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad palayo.
‘Does she think she’s special?!’
‘Na dahil kinukulit ko siya ay ang taas na ng tingin niya sa sarili niya, I’m Duke Terrance Hart!’
‘Kung ayaw niya sa akin, hindi ko ipipilit ang sarili ko. I already wasted so much time to her!’
I stopped at my track when her image, silently reading a book flash into my mind. Annoying!
Pasalamat siya pinahiram niya ako ng unan kanina. Mabilis akong humarap sa direksiyon niya, kita ko yung likod niya na naglalakad mag isa.
‘She will be your downfall, Duke.’
Mabilis akong naglakad pabalik sa kaniya. How lucky she is. Akmang hahawakan ko siya sa balikat nito ng natigilan ako. Personal space, tsk! Hinubad ko yung singsing ko at hinawakan ang kabilang dulo nito. Ginamit ko ng kabilang dulo nito para kalabitin siya. Bigla siyang humarap sa akin.
“Personal space” I said at lumakad paatras ng dalawang beses.
“Okay na ba toh?” seryoso itong tumingin sa akin.
“Bakit hindi pa po kayo umalis?”
“Tsk! Date natin toh ngayon, it’s not right na iwan kita mag isa. So, bilhin mo na yung kailangan mong bilhin para maihatid na kita” kita ko na natigilan siya at tumango din kalaunan.
We walked side by side pero may espasyo sa pagitan namin. I’ll respect her personal space for now.
After entering our house, I saw my dad, mom and my half brother sitting in our living room.
“I’m home” my dad looked at me while sipping his tea.
“San ka galing kuya?” Connor asked, which irritates me. Ang ganda na ng mood ko and he ruin it by his question.
“Why? Do I have to report to you everytime I go out?”
Isang brown envelope ang hinagis ni Dad sa harap ko. Kinuha ko yun, my eyebrows are furrowed after I saw some photos.
My photos with Lili in the coffee shop, outside the public library and when we are dancing in the arcade. Pambihira!
“What does this mean? I can’t go out with anyone now?” my dad stared at me.
“A waitress? If hindi ko pinigilang lumabas yan for sure you are in the headlines of the news. Duke Terrance Hart is dating an employee of a small coffee shop. Anong sasabihin ng iba?” I can hear his disappointment.