Chapter 15 “WHAT is that?” Iyon ang tanong na aking nabitawan nang maamoy ang niluto ni Clarence. Natuloy ang plano naming late dinner date kanina at gaya ng sabi niya ipinagluto niya nga ako. Kumain na ako ng dinner kasabay ang pamilya ni Andrew kanina pero nang maamoy ko yung niluto ni Clarence, nagutom ako bigla. Nginitian ako ni Clarence saka kinuha ang dalawang plato na hawak ko. Ayoko sana kiligin dahil biglang kumalam ang sikmura ko pero isang ngiti lang niya nagbago na lahat. “This is Chicken and Mushroom Risotto. Favorite namin ni Dean at tingin ko maging favorite mo na rin." Maaga naka-tulog si Dean sabi ni Clarence ng dumating ako kani-kanina lamang. Iyong mga alaga ko gising pa ng iwanan ko sa kanilang lolo at lola. Wala naman kaso sa mga ito ang pag-alis ko at hindi na nga