Chapter 30 NEW YEAR’S EVE na mamaya pero eto ako narito sa loob ng kwarto ko, nakahiga sa kama, at matamang nakatitig sa puting kisame na hindi ko alam kung kailan huling naalisan ng agiw. Gusto ko maglinis kaya lang hindi ko mapilit ang sarili ko na kumilos. Alam ko na hindi ako pwedeng ganito hanggang mamaya at maabutan ng pagpapalit ng taon na tinatamad. Naniniwala ako na kapag naabutan ako ng pagpapalit ng taon na ganito, isang buong taon ko itong dadalhin at ayoko naman mangyari iyon, pero anong gagawin ko? Saan ako magsisimula? Marahas akong napabangon. Kailangan ko kumilos at gawin ang dapat ko gawin kahit hindi ko alam saan dapat magsimula. Inuna ko ayusin ang kama ko at pinalitan ang kobre noon pati iyong punda ng unan ko. Sinunod ko agad ang closet ko na puno pa ng mga damit n