Chapter 31 MATAMA kong pinagmasdan ang sarili ko sa whole body mirror na nasa harapan ko. Hindi ko alam kung tama na itong suot ko o masyadong na-sobra-han ako sa pag-aayos. Wala akong ideya kung ano ba ang presentable sa paningin ng pamilya ni Andrew at wala din ako ideya kung bakit ba ako nagkakaganito? Nakilala ko na sila noong nasa Denmark ako pero ngayon bigla ako nag-e-effort sa hindi ko malaman na sa dahilan. Hindi na sila iba sa akin at sa tatlong taon ko sa Denmark, sinabi nila na pamilya na ang turing nila sa akin. Naiinis akong naghanap ulit ng damit na pwedeng isukat at tingnan kung bagay ba sa akin. “Ate, nakalimang palit ka na ng damit.” Sita sa akin ni Marcelia na nakaupo sa kama ko at pinagmamasdan ako na rumampa sa harapan ng whole body mirror. “Ang weird lang, Ate.” “A