The Evaluation Result "COMMENDABLE WORK ETIQUETTE," Parang gusto ko magwala pagkakuha ko ng evaluation result ko sa HR department. Sa tinagal ko na naghihintay, eto lang ang makikita ko sa papel na talagang sinobre pa nila. Matutuwa pa ako kung recommended for promotion ang nakalagay pero hindi. Literal na evaluation lang talaga ang natanggap ko. Mukhang sobra ang disappointment sa akin ni Tanda at hindi 'man ako pinagbigyan na makabawi sa kanya. Kasalanan ko rin naman ang lahat. Hindi ko dapat pinairal ang puso ko at masapak sa mukha yung senior captain ko. Dumagdag pa ang psychological exam result ko na tingin ko ay binagsak ko lang. Malalim akong napahinga saka muling binalik sa envelop ang hawak ko na papel. I should go home now and get ready for my date with Arc. "Captain Domingue