Chapter 41 Author’s Note: Hello! Balik na tayo sa POV ni Arc at sa Epilogue pati Special Chapter na mababasa si Andrew. Mahaba iyon dahil napaka-daldal din nitong si Andrew talaga. Happy reading and enjoy the kilig parts for now :) *** AGAD ko nilapag sa sahig ang bag ko saka binitbit sa kusina iyong mga pinamili ko sa grocery. Malalim akong huminga at sinipat ko ang paligid. Simula bukas, dito na ako ulit titira sa unit ni Andrew pero depende pa rin iyon sa result na makukuha ko sa dalawang medical school na pinasahan. Hanggang ngayon wala pa rin ako natatangap na sulat mula sa kahit isa sa kanila. Kinakabahan ako kasi baka mamaya hindi pala ako tanggap sa dalawa, nag-effort pa ako bumili ng mga libro at ilang gamit sa eskwela. Bilang nag-sisimula na ako magtrabaho din, iyon sinasabi