Chapter 33 “WHEN you went out on a date with Hannah before, do you already like me?” Sunod-sunod na tanong ko kay Andrew nang ma-isipan ko na magpahinga mula sa pag-re-review. May isa pa akong aaralin at tungkol iyon sa human anatomy. Kailangan ko kabisaduhin lahat dahil may posibilidad na lahat ng binasa ko ay lumabas sa exam. Natutuyo na ang utak ko at malapit na mapuno iyon ng mga medical terminologies at procedures. Minsan ko na napag-praktisan na hanapan ng ugat ang braso ni Andrew at masaktan siya akala ko hindi na siya tutuloy sa panliligaw sa akin. “Everything changed after I made you cry.” Maang akong napa-tingin sa kanya. Naalala ko iyon bigla at yun din ang kauna-unahang beses na pumitik ako sa mga panghuhusga niya sa akin. Pangit ‘man ang naging umpisa naming dalawa, natabun