Chapter 34 DRAINED, 'yon ako pagkatapos ng board exam at gusto ko lang ay matulog dahil kulang na kulang ako noon. Para akong walang kaluluwa na lumalakad palabas ng campus kung saan ginanap ang board examination ngayong taon. Sa labas noon, nakita ko si Andrew at sa 'di kalayuan ay mga bodyguards niya. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko ng makita siya. Sabi ko, siya dapat ang una ko makikita paglabas ko at tinupad nga niya. Nabuhayan ako at dali-daling lumapit sa kanya. "Kumusta? Gutom ka na?" Ngumiti ako kahit napipilitan saka tumango. "Bakit ganyan itsura mo?" "Pakiramdam ko babagsak ko, Andrew." "Ey, don't say that. Tara, may surprise ako sayo." Marahan niya akong hinila at ginaya papasok sa kanyang sasakyan. Inalalayan niya ako bago siya umikot sa driver's seat. " "Para akon