Julia POV. Tunog ng malakas na hampas ng hangin sa bintana ang gumising sa akin mula sa mahimbing na pagtulog. Napabalikwas ako ng bangon ng makitang panay ang hampas ng malakas na hangin sa kurtinang nakasabit sa bintana. Kunot ang noo na napasapo ako sa dibdib ng maalala ang mga tagpo na nasa isipan ko ngayon. Nilinga ko ang paligid at napabuntong hininga ako ng mapag-tanto ang lahat. Sapo ko ang pawisang noo dahil sa lakas ng kabang umusbong sa dibdib ko. Matindi kasi ang epekto sa akin ng napanaginipan ko. Mukhang malayo ang narating ng imahinasyon ko kaya ang laswa naman ng napanaginipan ko. "Ano ba nangyayari sa iyo Julia? Bakit bigla ka na lang nanaginip ng ganon?" halos wala sa sarili na tanong ko. Malinaw pa rin kasi sa alaala ko ang bawat detalye ng napanaginipan ko. Basa