Julia POV. Tumagal kami ng tatlong araw na nag-stay dito sa resort. Kung ako lang ang masusunod ay mas gusto ko na dito na lang ako tumira o manatili habang buhay. Pero, alam kong hindi pwede at kailangan namin na bumalik sa normal naming buhay, malayo sa kung paano ko na-enjoy kasama ang dalawa. Kailangan na rin kasi nilang bumalik sa hacienda at marami ring trabahong naghihintay at kailangan na gawin. Panay na rin kasi ang tawag ng secretary ni Lander at mukhang may mga dokumento umano itong kailangan na pirmahan. Actually, kahit saan naman basta kasama ko sila ay okay ako. Pero iba pa rin talaga kapag narito ako malapit sa dagat. Nakita at naamoy ko ang amoy ng karagatan. Pakiramdam ko kasi dito para akong nasa amin din at magaan ang loob ko na narito ako. Feeling ko lahat ng baga