Julia POV. Sa loob ng isang linggo na lumipas ay normal naman ang lahat sa amin dito sa loob ng bahay. Masaya kami at maayos din naman na kasama si Brigitte. Palangiti ito at masayahin kaya masarap siyang kasama na ng kalaunan ay naging kaibigan ko na rin. Nalaman ko mula rito na kababata pala niya sina Lander at Xander at sabay na lumaki. Inaanak ito ng mommy nila sa binyag at halos anak na rin ang turing dito kaya parang magkapatid na ang mga ito. Mula ng malaman ko na ganun ay naging kampante ako na kasama si Brigitte at naging mas malapit pa siya sa akin. Palagi ko itong kasama tuwing aalis ang kambal papasok sa trabaho at nai-iwan kaming dalawa dito sa bahay. Nakakatuwa dahil tila bigla akong nagkaroon ng malapit na kaibigan. Para na kaming mag-bestfriend sa maikling panahon na lu