Matapos kumain ng dalawa ay nag aya si Zeah na manood ng movie. Pumasok ang dalawa sa isang maliit na room sa kusina at laking gulat ni Zeah nang may makitang malaking tv doon.
"Kanino 'to? "Tanong ni Zeah at na upo sa sofa.
"Kay Raile ang part na 'to"Ani ni Jae na pumunta sa unahan para ayusin ang papanoorin nila.
Pinagkatitigan lang ni Zeah si Jae habang inaayos nito ang panonoorin nila. Habang tinitignan nito ay napaisip si Zeah kung paano siya ka swerte kay Jae. Jae is so kind, kung tutuosin ay pasok na pasok si Jae sa ideal type ng mga babae, kaya napaka swerte ni Zeah na nasa kaniya ang lalaki na pinapangarap ng marami.
Tabi na naupo ang dalawa habang nanonood ng isang drama. Nakasandal sj Zeah sa balikat ni Jae habang nanonood habang si Jae naman ay naka yakap sa bewang ni Zeah ang braso niya.
Hindi Pa man tumatagal ang panonood nila ay nakaramdam na nang pagkaboring si Zeah.
"Baby.. "Agaw ni Jae sa attention ni Zeah.
"Hmm"sagot ni Zeah.
"Sana kapag dumating sa point na masasaktan kita, sana 'wag mo 'kong sukuan"Ani nito sa malalim niyang tinig.
"Hmm. I will"ani ni Zeah na parang bata na humarap kay Jae at dinampian ng halik si Jae sa pisnge"iintindihin kita tulad ng pag-iintindi mo sa'kin"Ani ni Zeah at matamis itong nginitian.
"Thank you and I love you"Ani ni Jae na mahigpit na niyakap si Zeah.
Zeah giggled "I love you too"She answered.
Nagpatuloy ang dalawa sa panonood ngunit hindi mawala sa isip ni Zeah ang sinabi ni Jae,alam ni Zeah na hindi maiiwasan na mangyare ang bagay na 'yon pero Sana kung darating man ang panahon 'yon sana piliin ni Zeah na mag stay.
Madilim na nang ihatid ni Jae si Zeah sa bahay nito. Inaya ni Zeah si Jae na uminom na silang dalawa lang ngunit nakatanggap ng tawag si Jae galing kau Shanel na sumasakit daw ang puson nito.
"Go, puntahan mo siya, I'm ok"Ani ni Zeah at pilit na ngumiti.
"Are you sure? "Ani ni Jae na hinawakan ang kamay ni Zeah.
"Yeah, may baby sa tummy niya sa'kin wala kaya don't worry "Ani ni Zeah na kunwari'y ayos lang ang lahat.
"Thank you, baby. I love you"ani ni Jae na dinampian ng halik ang noo ni Zeah.
Hinintay ni Zeah na tuluyang makaalis ang kotse ni Jae bago ito tuluyang pumasok sa loob ng bahay nila.
"I trust you"mahinang bulong ni Zeah habang pinagmamasdan ang kotse ni Jae na umaandar palayo.
I trust him pero sa mga tao na nakapaligid sa kaniya wala. Kasi minsan kahit gaano ka kamahal ng tao, maaakit at maakit yan sa tukso. Alam ni Zeah na hindi ganong tao si Jae siguro nga ay nag overthink lang ito dahil sa una nitong mga karelasyo.
Nang hindi na makita ang kotse ni Jae ay nag desisyon na si zeah na pumasok na sa loob ng bahay dahil mahamog na at umaambon na rin. Pag pasok sa loob ay agad na umakyat si Zeah sa sikid niya habang bitbit ang pouch niya ng skincare.
Agad naman na nanlaki ang Mata ni Zeah nang makita si Allei sa kwarto niya na nakaharap sa lamesa na may dalawang bote ng alak sa mesa at may iilang pulutan.
"Sakit ba?, mas pinili na samahan ibang tao kesa ikaw? "Ani ni Allei sa mapangasar nitong tinig.
"Mas masakit kapag binato ko sayo 'to"Ani ni Zeah na tinukoy ang hawak niyang pouch ng skincare.
"Gago, pangit mo asarin,pikon ka"Ani ni Allei na tinarayan si Zeah"tara shot na lang na'tin 'yan"Ani ni Allei na nginuso ang bote sa mesa.
"Ulol ka, ang panget kasi ng timing mo, gago! "Asik si Zeah na tinarayan ang kaibigan.
"Gago, pikon ka lang"Ani ni Allei.
"Tigilan mo muna ako"Ani ni Zeah na bagsak na naupo sa kama niyan.
"Inom na lang tayo, maiintindihan ko naman na iiyak ka"Ani ng kaibigan nito na nakaupos parin sa harap ng lamesa.
Agad naman na tumayo si Zeah at lumipat sa kaharap na pwesto ni Allei"Alam mo kahit kailan ka talaga"Ani nito na mahaba ang ngusong tinignan ang kaibigan.
" 'wag na natin pag-usapan 'yan"Ani ni Allei na sinalinan na ng alak ang baso ni Zeah"Ngayon, isipin mo muna sarili mo, mag pakalasing tayo at umiyak"Ani ni Allei sa may kalakasan nitong tinig.
Sumangayon naman si Zeah sa gusto nito. This time si Jae naman, kailangan ni Zeah na magtiwala kay Jae tulad ng pagtitiwala nito sa kaniya.
"Girl, trust your man"Ani ni Allei na hinawakan ang kamay ni Zeah"Trust him, mahal ka nun"Ani Pa nito.
Nakangiti naman na tumango si Zeah"I trust him, alam ko naman na mahal na mahal ako nun"Ani ni Zeah na itinago ang kaba sa expressyon nito.
"Osige, sana all. Tangina"Asik ni Allei na tinarayan si Zeah.
Wala sa sariling ngumiti si Zeah at sumandal sa kinauupuan nito. Pilit na inalis ni Zeah ang alalahanin nito kay Jae pansamantala, she need to rest her mind and give piece to her heart.
"Inumin mo na 'yan"Ani ni Allei na tinutukoy ang baso ni Zeah na may Alak.
Tanging tango lang sagot ni Zeah ay tuloy-tuloy na ininom ang laman ng baso.
"f**k! "
"La?, pa-virgin? "Ani ni Allei na tinaasan ng kilay si Zeah.
"Hindi ako ang usapan dito ,Allei"Singit ni Zeah na seryosong tinignan si Allei. "I know everything, Allei"ani Pa nito.
"Sorry, hindi ko Pa kasi kayang pag-usapan"Ani nito na tila hangin na nagbago ang emosyon nito. "Sobrang sakit, tangina. Hindi sa panunumbat pero, tangina. Ako bumuo sa kaniya "Ani nito na bigla na lang yumuko.
Tumayo si Zeah sa kinauupuan nito at dinala ang upuan sa tabi ni Allei at doon pumwesto at naupo"I'm here, Al"Ani ni Zeah na hinawakan ito slikod.
"Hindi ko alam, gusto Kong magkwento pero.. Tangina sobrang sakit, sobra"Ani nito na nag angat ng tingin kay Zeah at tinignan ito sa mata "I was the one who built him, I was the one who was with him for 3 years..lahat naglaho dahil sa isang gabing pagkakamali..
Putangina"Ani nito na nabasag ang boses dahil sa mahinang pag-hagulgul nito.
Hindi alam ni Zeah ang dapat niyang sabihin para pagaanin ang loob nito. Mahigpit na niyakap ni Zeah ang kaibigan at hinayaan ito na umiyak sa balikat niya.
"Tangina, pagod na ako sa putangina'ng pag-ibig na 'yan.. Tangina"asik nito habang patuloy Pa rin ang pag-iyak sa balikat ni Zeah. "Ang duga... Tangina, wala akong ginawa buong buhay ko kundi mahalin siya.. Pero putangina, putangina lang, bakit pa'no.. "Ani nito na halos hindi na matapos ang isang salita dahil sa hirap na ito sa pagsasalita dahil sa pag-iyak nito.
"I'm here, don't waste your tears over that guy"Ani ni Zeah na hinagod ang likod ni Allei.
"He's wort it, Zeah"Bulong ni Allei.
"Tangin, Allei"
"Tangina.. Hindi Pa nga ako lasing eh"Ani ni Allei na maga na ang Mata"iinom muna ako, tangina "Ani nito na umayos sa pagkakaupo at sinalinan ang sariling baso.
Pinaglatitigan lang ni Zeah ang kaibigan at pinagmasdan ito kung paano mag panggap na ayos lang ito kahit sa loob-loob nito ay wasak na wasak na. Bilib si Zeah kay Allei dahil kahit sobra na itong nasasaktan ay nagagawa Pa rin nitong tumawa at magpanggap na ayos lang ang lahat.
Tumayo si Zeah sa kinauupuan niya at agad na niyakap si Allei"pwede ba, this time ipakita mo sa'kin yung totoong nararamdaman mo.. Please ayokong ganiyan ka"bulong ni Zeah at bumitaw sa pagyakap kay Allei.
Kita ang malalim na paghinga ni Allei at ang pag bagsak ng balikat nito"Ke, hindi ko na talaga kaya.. Pagod na ako, sobra.. Parang lumalaban na lang ako para kay mama at para sayo... Ke, tangina sobrang ubos na ubo na ako"Ani nito na bagsak ang balikat na tinignan si Zeah. "Ilang beses Kong pinilit na maging okay kahit nilalamon na ako ng mga isipin na tapusin ko na lahat 'to.. Na tapusin ko na Lang ang buhay ko, pero everytime na susubukan Kong gawin 'yon.. Nakikita ko yung ngiti niyo ni Mommy na ayokong mawala sa paningin ko.. "Ani nito na isa -isang pumatak ang luha sa pisngi nito na agad naman na pinunasan ni Zeah.
Sobrang sakit at sikip sa dibdib ang naramdaman ni Zeah dahil hindi niya alam na ganito na pala ang nararamdaman ng kaibigan niya sa Kabila ng mga ngiti nitong pinapakita"I'm sorry for not being there for you"bulong ni Zeah na hinawakan ang kamay ni Allei"I'm sorry, Allei "bulong nito kasabay ng pag ragasa ng luha nito.
"It's okay, alam ko naman na may pinagdaraanan ka rin, ayoko na dumagdag na 'yon sa isipin mo"Ani ni Allei na pilit na ngumiti.
"No, sorry wala ako nung panahon na kailangan mo ng kaibigan na maiiyak nang malaman mo ang ginawa ng ex mo, I'm sorry "Ani ni Zeah na bagsak ang balikat.
"Alam ko naman na busy ka nang panahon na 'yon so don't be sorry"Ani ni Allei na matamis na ngumiti"kailangan Kong tanggapin lahat, kasi may nakasalalay na inosenteng buhay"Ani Pa nito.
"I'm sorry for that"Ani ni Zeah.
"Siguro naging pabaya akong girlfriend"Ani ni Allei na wala sa sariling ngumiti.
"No, kung totoo at buo ang pagmamahal niya sayo, hindi niya magagawa ang bagay na 'yon.. You deserve better, Allei. You deserve the world, 'cause you're so precious "Ani ni Zeah na agad na niyakap si Allei sa bisig niya"you deserve to be happy, please don't change. Ayokong mag bago ka dahil sa sakit na nararamdaman mo"Ani Pa nito.
"I won't change just because I'm hurt, maybe I'll change for myself"sagot nito.
"What's your plan now? "Ani ni Zeah na seryoso itong tinignan.
"Siguro doon muna ako kilay lola for good,kailangan Kong bumangon para naman sa sarili ko"Ani nito at mapait na ngumiti.
"What do you mean for good? "Tanong ni Zeah na nagsalubong ang kilay"iiwan mo'ko mag isa dito? "Tanong muli nito.
"Hmm, babalik naman agad ako"Ani ni Allei na hinawakan anh kamay ni Zeah"Don't worry, tatawag naman ako palagi"Ani nito at matamis na ngumiti.
Pilit naman na tumango si Zeah at ngumiti. Hindi gusto ni Zeah na maging selfish kahit na masktan siya basta maghilom lang ang sugat na nararamdaman ni Allei ay ayos lang.
Hindi na nga natuloy ang balak ng dalawa na uminom dahil maaga pala ang flight ni Allei for tommorow kaya imbis na uminom ay sinulit na lang ng dalawa ang natitirang oras na mag kasama sila. Pumunta ang dalawa kung saan magpapakalma sa pareho nilang nararamdaman.
Inihinto ni Zeah ang kotse sa lugar kung saan kita ang city lights. Sabay na bumaba ang dalawa at sumakay sa bubong ng kotse ni Zeah. This place make the two of them fell calm and this place give them peaceful mind.
"Hindi Pa rin talaga nagbabago ang lugar na 'to. Sobrang ganda Pa rin talaga"bulong ni Allei habang malayo ang tingin.
"Kaya nga eh"sagot ni Allei.
"Oy! May falling star! "Ani ni Allei na tila nabigla"mag wish tayo"Ani nito na agad namang pumikit.
Agad rin naman pumikit si Zeah at humiling ' Lord, heal her heart, please give her hope to love again.. Sana po sa susunod na magpapatibok sa puso ni Allei ay hindi na siya masaktan,give her the courage to try to love again, remove the fear to her heart.. And god please, take care of her. Please' naunang dumilat si Zeah at pinagkatitigan ang kaibigan na nanatiling nakapikit'Lord, please take care of her sweet smile'Dugtong Pa nito at wala sa sariling niyakap si Allei.
"Why..? "Tanong nito na nagtatakang tinignan si Zeah.
Agad naman na umiling si Zeah"Nothing,matagal-tagal kang mawawala, mamimiss kita"Ani nito na malungkot na ngumiti.
"Araw-araw akong tatawag for you, don't worry "Ani nito na matamis n ngumiti kay Zeah.
"Promise ?"She asked.
"Promise"ani nito.
Nagtagal Pa ang dalawa sa lugar at nag usap tungkol sa mga bagay-bagay na nararanasan nila, nag share rin si Zeah about sa nararamdaman nito kay Jae at sa mga worries nito.
The next morning si Zeah mismo ang naghatid kay Allei sa airport. Sobrang sakt dahil kailangan na masanay ni Zeah na wala si Allei sa tabi niya na aalalay sa bawat Plano at disisyon niya.
"Mag ingat ka do'n, ha"Ani ni Zeah na pilit na pinigil ang pag patak ng luha nito. Mahigpit niya itong niyakap.
"I will, ikaw din. Mag ingat ka"Ani ni Allei na niyakao rin si Zeah pabalik.
Gustong bumagsak ng luha ni Zeah ngunit kailangan niya itong pigilan dahil baka mapilitan si Allei na mag stay, naiintindihan ni Zeah na kailangan ni Allei na umalis para sa sarili nito, she love her that's way she let her go.
"Mamatagal ako, pero babalik ako.. Promise"Ani nito na humiwalay sa yakap ni Zeah.
Pilit naman na ngumiti si Zeah at tumango. Hindi na nagkaroon ng pagkakataon na makapag salita si Zeah dahil tinawag na si Allei ng mommy niya kaya kahit masakit ay pinilit ni Zeah na ikaway ang kamay niya.
"See you, again"bulong nito.
Baba ang tingin ni Zeah habang naglalakad ito pabalik sa kotse niya. Pagsakay nito ay sandali Pa itong tumulala sa hangin bago tuluyang paandarin paalis ang kotse niya. While driving she received a text from Kevin, nakasaad dito na nais niya na makausap si Zeah para sa importanteng usapin ngunit imbis na sagutin ito ay binlock niya ang number ni Kevin.
"I don't care"ngiwing ani ni Zeah na tumaray sa hangin.
Imbis na sa bahay dumiretso ay sa Cafe ito dumiretso upang pakalmahin ang sarili niya at kailangan niya si jae para do'n.
"Andito ba si, Jae? "Tanong nito kay Harmony na nasa counter.
"Nasa loob"ani nito na nginuso ang kusina.
Hindi naman sumagot si Zeah at agad na nagtungo sa kusina kung saan itinuro ni Harmony. Pagpasok sa kusina ay bumungad kay Zeah si Jae na salubong ang kilay at diretsong nakatingin sa loptop niya.
"Bambi"mahinang tinig ni Zeah na tumawag sa attention ni Jae.
Agad naman na nagliwanag ang mukha ni Jae na parang araw nang makita ang mukha ni Zeah na nakangiting nakatingin sa kaniya. Agad na tumayo si Jae at sinalubong ito ng mahigpit na yakap.
Naupo na magkatabi ang dalawa"you look sad, what happened? "Ani ni Jae na tinaasan ng kilay si Zeah.
"Hinatid ko si Allei sa Airport "Ani ni Zeah na tila nagpipigil sa pagkawala ng pag iyak nito.
"O-ow"ani ni Jae na agad naman na niyakap si Zeah at hinimas ang ulo nito.
"Gusto Kong sumama sa kaniya, kaso gusto niyang mapag-isa"Ani ni Zeah.
"Baby, babalik din 'yon. Kailangan niya lang mag heal for now"Ani nito na pilit na pinaintindi kay Zeah.
"I know"sagot ni Zeah na tumango. "Btw, kamusta ang baby ni Shanel? "Ani ni Zeah na bumago sa usapan.
"I don't know, ang sabi niya healthy naman daw"Ani ni Jae na tumaas ang balikat.
"Healthy naman daw?, 'di ka sure?"Ngiwing ani ni Zeah na tinaasan ng kilay si Jae.
"I don't know, hindi naman ako pumasok sa loob"Ani nito na nag baling ng tingin sa loptop niya.
Agad naman nakaramdam ng kakaibang pakiramdam si Zeab dahil sa tuwinang magpapasama na Lang ito ay hindi pinapapasok si Jae samantalang pwede naman na pumasok sa loob kung ikaw ang sasabihing Ama.. So bakit?.
"Choice mo na hindi pumasok? "Tanong ni Zeah na hindi pinahalata ang iniisip niya.
"No, hindi talaga ako pina-pasok. Bawal daw"Ani nito na nasa loptop na niya ang tingin.
"Hmm, okay"ani ni Zeah na tila hindi interesado"btw, bambi. Nag text sa'kin yung gago mong pinsan, gusto niya akong makausap. Important daw"Ani ni Zeah na humarap kay Jae.
Agad naman na lumingon si Jae sa kaniya"Nag reply ka naman"ngiwing tanong nito.
Umiling naman si Zeah.
"Good, ako na ang kakausap sa kaniya"ani nito na agad namang nag iwas ng tingin"Don't you Dare talk to him again, Zeah"Ani nito na hindi binalingan ng tingin si Zeah.
Nanlaki naman ang Mata ni Zeah sa napaatras dahil sa pag tawag ni Jae sa pangalan niya "did you just call me, Zeah!? "May iritasyon sa tinig nito.
"Ewan"ani nito na tumaas ang balikat.
"Tangek, hindi naman ako nag reply"Ani ni Zeah na hinampas ang Abs ni Jae.
"Aah! "Daing nito ngunit hindi Pa rin binalingan si Zeah ng tingin.
"Naka block sa'kin ang number ni Kevin"Ani ni Zeah.
"So? "Ani nito na walang emosyon na nilingon si Zeah.
" 'wag mo'ko artihan ng sobra ,jae"
Ngunit imbis na sumagot ay hindi siya nito pinansin kahit na balingan ng tingin ay hindi nito ginawa. Mukhang nagseselos nanaman ito kaya umaarte na parang bata.