EPISODE 21

2619 Words
Tutok Pa rin ang tingin ni Jae sa loptop niya habang si Zeah naman ay nakaupo lang sa tabi ni Jae at pinagmamasdan ang ginagawa ni Jae na trabaho. Agad naman nabaling ang tingin ni Zeah sa cellphone ni Jae nang marinig niya itong mag ring at mag pop-up ang pangalan ni Shanel. "Sagutin mo"Ani ni Zeah na pilit kinalma ang sarili. "Ayoko"sagot nito na sa loptop Pa rin ang tingin. "Ayaw mo kasi andito ako?, ayaw mo kasi maririnig ko usapan niyo? "Tanong ni Zeah na tinaasan ito ng kilay. Hindi ito sumagot at sa halip ay bumuntong hininga lang na lalong dumagdag sa init ng ulo ni Zeah. "Hindi ka makasagot ngayon? You always answer her call bakit ngayon ayaw mong sagutin? "May iritasyon sa tinig na ani ni Zeah. "Baby! "May kalakasang tinig nito. "Sinisigawan mo'ko!? "Ngiwing tanong nito. "Baby, pwede ba?..lagi ka na lang ganiyan, lahat big deal sayo, lahat na lang"Asik nito na nilingon na diretso ang tingin at kunot ang noo. Hindi naman makapag salita si Zeah dahil bago sa kaniya ang pagtataas ng boses ni Jae sa kaniya. Hindi makapaniwalang pumikit-pikit ang Mata ni Zeah habang tinitignan si Jae na walang emosyon na nakatingin sa kaniya. "Pagod ka na? "Tanong ni Zeah sa malumanay na tono. " ako yung pagod ngayon?,ikaw kasi 'tong simpleng bagay lang lagi mong pinalalaki hangga't idadahilan mo na iwan ka na lang.. You're so unfair "ani nito na mariin. Hindi nagsalita si zeah hindi dahil wala siyang masabi kundi ayaw niya lang na lumala Pa ang pag-aaway nila na alam naman niya na kasalanan niya. Natahimik si Zeah nang marinig nito at pag-buntong hininga ni Jae, minsan talaga ay hindi napapansin ni Zeah ang ugali niya na sumusobra na talaga at hindi na nito maiwasan ang pagiging isip bata niya. "Kahit maliit na bagay pinalalaki mo, Lagi kitang iintindihan kasi mahal kita.. pero hindi ako robot"Ani nito na marahas na bumuga ng hangin. Agad naman napa-isip si Zeah sa sinabi ni Jae, siguro nga ay sobra na ang ugali na ipinapakita niya to the point na nasasaktan na niya ang damdamin ni Jae. Wala naman sa sarili na niyakap ni Zeah si Jae."Sorry, hindi ko na uulitin"ani nito habang yakap Pa rin si Jae. "Baby, gusto ko lang naman mag tiwala ka sa'kin..Trust me the way I trust you"bulong ni Jae na hinimas ang buhok ni Zeah"Lagi mong sinasabi na pagod na'ko sa bawat away na'tin..Zeah,araw-araw kitang iintindihin,at hindi ako mapapagod gawin 'yon hanggang pag tanda na'tin"dugtong Pa nito kasabay ng paghalik sa tuktok ng ulo ni Zeah. "I'm sorry, I didn't mean that way"Mahinang bulong ni Zeah na tinignan si Jae sa mata. Hangga't maari ay iniiwasan ni Jae na pag-usapan ang ganitong bagay dahil pakiramdam niya ay isinusumbat niya kay Zeah ang lahat at ayaw niya ang pakiramdam na 'yon. "let's not talk about it, how's your work with felix? "He asked. Umayos ng upo naman si Zeah at humarap kay Jae"okay naman, binabantayan naman niya 'ko"ani ni Zeah na hindi Pa rin matago ang guilt sa mukha. "That's good. have you eaten?"ani nito. "Nope, hindi naman ako nagugutom"ani ni Zeah na tumayo sa kinauupuan nito. "Saan ka pupunta? "He asked. "I want to sleep"ani nito na namimigat ang talukap ng mata kasabay ng paghikab nito. "O-okay, sleep here. Beside me"ani nito na tinapik ang pwesto niya sa tabi. "No, I want to sleep in my bed"Ani ni Zeah na muling humikab. "Kaya mo ba mag drive? "Tanong nito. "Yeah"tango naman nito. "Tara ihahatid kita sa labas"Ani nito na ambang tatayo na. "No, maraming tao sa labas. Kaya ko naman"Ani nito na yumuko at niyakap si Jae. "Take care, I love you"Ani nito na dinampian ng halik si Zeah sa noo. "I love you too" ani ni Zeah bago tuluyan na nga na lumabas ng kusina. Paglabas ni Zeah ay sinalubong siya ni Harmomy ng mapangasar na ngiti"wala kaming ginawa"ani agad ni Zeah bago ito lagpasan. Pagsakay sa kotse niya ay doon lang pumasok sa isip niya na kailangan niya Pala na bumili ng refrigerator para sa kwarto niya ngunit kailangan niya munang mag paalam sa mommy at daddy niya. Pagdating ni Zeah sa bahay nila ay sakto naman na na nonood ang magulang niya sa sala kaya agad ito na tumabi sa daddy at mommy niya, naupo ito sa pagitan. "What happened? "Tanong agad ng Ina nito. "Mom, Dad. Gusto ko po sana magkaroon ng ref sa kwarto ko"ani ni Zeah na nagpapaawang tinignan ang magulang niya. "Why? "Tanong ng Ama nito. "Kasi Dad, minsan kapag gabi na nagugutom ako at tinatamad na akong bumaba"Ani ni Zeah na nag sadface sa Ama. "Oum, sure"sagot naman agad ng Ina nito. "Okay, what size do you want? "Tanong ng Ama nito. "Ako na po ang bahala"ani ni Zeah na agad na tumayo at mahigpit na niyakap ang Ama at Ina niya "thank you, po"ani nito bago tuluyang tumalikod at patakbo na naglakad paakyat sa kwarto niya. Pag-akyat ni Zeah sa kwato niya ay agad niyang nilock ang Pinto at patalon na nahiga sa kama niya. Nagbalot sa comforter at mahinang humagikgik. Para itong bata na na excited na matulog dahil nakuha ang gusto. HINDI mapakali ang Ina ni Zeah dahil hapon na at hindi Pa rin bumababa si Zeah sa kwarto niya. Sa sobrang pagpapanik ng Ina nito pati ang kuya ni Zeah na nasa kalagitnaan ng meeting ay umuwi dahil sa sinabi ng Ina ni Zeah na hindi Pa rin gumigising si Zeah mula umaga. "Marites, kunin mo yung susi ng kwarto ni, Yzun"Ani ng Ina nito. Nagmadali naman ang dalawang kasambahay na kunin ang Susi at mabilis na inabot sa Ama ni Zeah. Sabay na umakyat ang Ina at Ama ni Zeah habang si Trievon naman ay lumabas para silipin ang nag do-doorbell. Dahan-dahan na binuksan ng Ama ni Zeah ang Pinto ng kwarto ni Zeah. Nang mabuksan nila ang Pinto ay sabay na nagkatinginan ang dalawa sa bumungad sa kanila. Zeah is peacefully sleeping, balot na balot ito ng comforter at yakap ang malaki nitong bunny. "Mom, sino ang omorder ng gano'n kalaki na ref?"Anang tinig ni Trievion na agad rin naman na nahinto nang makita kung ano ang tinitignan ng mommy at daddy niya. "She's so cute, Hubby"Anang tinig ng Ina ni Zeah habang pinagmamasdan ang bunsong anak. "Let's go, baka sobra lang talaga siyang napagod"Ani ng Ama ni Zeah na inakay na ang asawa palabas. Sumunod na rin naman si Trievon palabas ng silid at isinarado ang kwarto ni Zeah. Halos sabay na bumaba ang tatlo ngunit ang Ama at Ina na lang ni Zeah ang nagulat sa bumungad sa kanilang refrigerator. "What the - don't tell me si Zeah ang umorder niyan? "Ani ng Ina ni Zeah na nilingon si Trievon mula sa likod. "Yeah, I need to go, Mom, Dad"Ani ni Trievon na bago tuluyan na tumalikod at iwan ang Ina at Ama nito. "Lately, may napapansin akong kakaiba kay Zeah"Anang ani ng Ina nito na wala sa sariling na tulala. "Why?, do you think bumalik ang sakit niya? "his Husband asked her. "Hindi naman sana"Ani nito na umiling. MAY kadiliman na nang magising si Zeah sa masarap na pakiramdam. Malapad ang ngiti nito na bumangon sa kama, parang ang gaan-gaan kasi ng pakiramdam nito at walang pagod na nararamdaman. Pagbaba si Zeah ay agad itong nag tungo sa kusina dahil nakakaramdam na ito ng malalakas na tunog sa tiyan niya"nag aaway na ang mga alaga ko"bulong nito habang hinihimas ang sariling tiyan. "What the f**k is that? "Ngiwing ani ni Zeah nang makita ang niloloto ng kasambahay na sinigang. "Bakit po, Ma'am "tanong nito. "Hindi ko gusto ang Amoy niyan"Ani ni Zeah na tumaray sa hangin. Imibis na kumain ay tiwala bola na na wala ang gutom na nararamdaman ni Zeah. Bumalik ito sa kwarto niya upang magbihis dahil napag-isipan nito na lagyan na ng laman ang ref niya sa kwarto. Nagising kasi ito na nakaayos na ang in order niyang ref at may laman na rin ito na iilang pagkain. After na magbihis ni Zeah ay agad na ito na lumabas ng bahay na Hindi nag papaalam kahit na kanino sa mga kasambahay. Mabilis nitong pinaandar ang kotse paalis sa bahay at patungo sa malapit na grocery sa village nila. Pagdating ni Zeah sa parking lot ng grocery agad itong bumaba bitbit ang maliit niyang bag na may laman na ATM and cash. Pagpasok sa loob agad siya na nagtungo sa mga inumin. Kinuha nito ang lahat na sa tingin niya ay masarap at magugustuhan niya, sunod naman ito na nagtungo sa mga biscuits kung saan doon siya nag tagal dahil sa halos lahat ay gusto niyang bilhin at tikman. "Kuha pwede bang Pa help naman"Ani ni Zeah sa isang staff sa grocery. "Sure po, ma'am "Ani nito. Ibinigay ni Zeah ang isang cart sa lalake at pinasunod ito kung saan siya magpunta. Marami ang pinamili ni Zeah dahil inabot ito ng apat na malalaking cart. Habang nagbabayad pansin ni Zeah na kinukunan siya ng litrato ng mga tao ngunut hindi na niya ito pinagtuunan Pa ng pansin. "Kuya pwede ba'ng pahatid"Ani nito sa lalaki sa gilid niya. "Oo naman po, ma'am "Ani nito. Sumunod ang apat na lalaki kay Zeah hanggang sa parking lot upang tulungan siya na maisakay ang mga pinamili nito. Pinagkatitigan lang ni Zeah ang apat habang inaayos ng mga ito ang pinamili ni Zeah. "Kuya, anong oras na po? "Tanong ni Zeah sa lalaki nang matapos na ito na mag ayos. "10 pm"ani nito. "Ah, thank you po"Ani ni Zeah na malapad na ngumiti. Pagsakay ni Zeah sa kotse niya ay doon niya lang na realized na inabot siya ng dalawang oras sa pamimili ng pagkain niya, at mukhang hinahanap na rin siya ng mommy at Daddy niya dahil iniwan niya ang phone niya sa kwarto. Pinaandar na ni Zeah ang kotse niya paalis sa lugar at habang nag mamaneho ito ay binuksan niya ang speaker ng kotse niya upang mag patugtog. (To the bone BGM) After A minute na nakarating na si Zeah sa Village nila at hindi Pa man siya tuluyan na nakakalapit sa bahay nila ay naaninag na niya si Jae na nakatayo sa Gate nila. "Anong trip niya? "Ngiwing ani ni Zeah na na niningkit ang Mata. Inihinto ni Zeah ang kotse sa tapat ni Jae ngunit hindi para bumaba kundi para bumusina upang pag buksan siya ng Gate. Si jae ang nagbukas ng Pinto ng kotse ni Zeah pag park nito sa loob. "Saan ka galing? "Tanong nito na kunot ang noo. "Sa grocery "Ani ni Zeah pagbaba ng kotse. "Bakit hindi ka nag paalam? "Ani nito na tinaasan ng kilay si Zeah. "Ayoko ng kasama"Ani nito kay Jae. "Kuya, pwede paakyat sa kwarto ko ng mga pinamili ko"Ani ni Zeah sa Driver ng Dad niya. "Kinakausap kita! "May iritasyon sa tinig ni Jae. Buntong hininga naman na nag baling si Zeah kay Jae"Bambi, sorry. Okay? "Ani nito na tumaray sa hangin at walang pasintabi na tinalikuran si Jae. NAIWAN naman si Jae sa parking lot kasaa ang driver ng Ama ni Zeah na kinukuha ang pinamili ni Zeah. "Sir, mag titindahan po ba kayo? " Lumingon naman si Jae sa driver nila Zeah na kunot ang noo at nagtataka na tinaasan ng kilay. "Ang dami po kasi nito"Ani nito. Lumapit naman si Jae upang silipin ang pinamili ni Zeah. Halos lumuwa ang Mata nito nang makita na puno ang kotse ni Zeah ng box at plastic. "Bumili rin po siya ng refrigerator, sobrang laki rin po"Ani Pa nito. "Refrigerator? "Tanong ni Jae. "Opo, doon niya 'ata ito ilalagay"Ani nito bago tuluyan na talikuran si Jae at pumasok sa loob. "Ang takaw naman niya"mahinang tinig ni Jae na agad naman na tinakpan ang bibig dahil kapag narinig ni Zeah 'yon ay mahaba-habang away na naman. Bit-bit ang isang karton ay diretsong umakyat si Jae patungo sa silid ni Zeah upang dalhin ang pinamili niya. Pag-akyat ni Jae ay busy sa na sa cellphone si Zeah at hindi manlang siya nagawang lingunin. "Baby, ang dami naman ng binili mo?"Tanong ni Jae na naupo sa edge ng kama. "Mukha kasi silang masarap"Ani ni Zeah na sandali na nilingon si Jae. "Seriously ?,binili mo kasi mukha lang masarap? "Ngiwing ani ni Jae. "Pera ko naman 'yan. Staka hindi ko sasayangin 'yan.. Andiyan ka naman"Ani nito na wala kay Jae ang attention. "Bakit ako?, 'ikaw ang bumili kaya ikaw dapat ang kakain niyan" Ani ni Jae na nag iwas ng tingin. "Talaga?. Sige. 'Wag mo rin akong yayakapin kasi sarili ko 'to.. Yakapin mo sarili mo!"Mariing ani ni Zeah na tumaas ang sulok ng labi. Jae just sight and Shook his head, dahil kahit anong gawin nito ay hindi siya mananalo sa kasintahan niya. Hindi na nakapagsalita Pa si Jae at agad na tumayo nang makatanggap ng tawag mula kay Harmony. "Dude? "He asked. "Andito ang pinsan mo, hinahanap ka"Ani ni Harmony sa kabilang linya. Bago sumagot ay sandali na nilingon ni Jae si Zeah na tutok Pa rin sa cellphone "si Kevin? "Mahinang tinig nito. "Oo, sinasabi niya na bakit siya lang raw ang kinamumuhian ni Zeah samantala kayong dalawa ang involved "Ani nito sa mahinang tono. Nakaramdam ng kaba si Jae sa isipin na kaunting oras na lang at lahat ay muling babalik sa dati at mag babago tulad ng kinatagakutan niya. "Shut up, Pauwi na 'ko"Ani ni Jae. Nagpaalam si Jae kay Zeah na may important itong kailangan asikasuhin mabuti na lang ay nasa mood si Zeah at pinayagan siya nito n walang kahit anong pagtatalo na naganap. Hahawak ni Jae ang labi habang ang isang kamay nito ay nasa manobela. Bumabalik sa isip ni Jae ang lahat nang nangayre nang mga panahon na 'yon. Pinagsisihan na niya ang lahat nang 'yon ngunit hindi Pa nga siguro sapat. Pagdating ni Jae sa dorm ay patakbo ito g naglakad papasok sa loob. Pagpasok nito ay bumungad nga sa kaniya si Kevin na sandal na nakaupo sa mahabang upuan. Agad na nagtama ang tingin nila kaya agad na tumayo si Kevin sa kinauupuan niya habang ang mga kaibigan naman ni Jae ay iniwan sila sa sala. "What's your problem? "Tanong ni Jae sa malumanay na tono. "Alam mo kung bakit ako andito, Jae. Napaka daya lang kasi, bakit sa'kin lang yung puot ni Zeah, samantala tayong dalawa ang involved "Ani nito na ngumisi ngunit madilim ang paningin. "Kevin. Tapos na 'yon! "Asik ni Jae. "Tapos nga, oo matagal na.. Pero yung galit ni Zeah sa'kin buong buong-buo Pa"Ani nito. "What's the big deal !?"Ani ni Jae. "Tol, akala niya niloko ko siya, kahit hindi naman talaga! Tol. Potangina bumaba yung tingin niya sa sarili niya kasi akala niya niloko ko siya!..when in fact.. Dahil sayo 'yon!"Ani nito na nang hina ang boses. "Kevin.. Please, 'wag na natin 'tong pag-usapan"Ani ni Jae na malalim na huminga at mariing ipinikit ang Mata. "Jae, if you really love her, tell her everything.. 'Wag kang maglihim sa kaniya.. Dahil kapag sa iba niya lahat 'to na laman.. Magpaalam ka na"Ani nito na diretsong tinignan si Jae sa mata. "Don't tell me you're planning to tell her? "Ani ni Jae. "I'm not.. Pero walang sikreto ang hindi nabubunyag"Ani ni Kevin na naglakad palapit kay Jae"Andito ako hindi para manggulo, andito ako para paalalahanan ka"Ani nito at tinapik ang balikat ni Jae bago tuluyang lumabas. Malalim naman na bumuntong hininga si Jae at sinundan ng tingin ang pinsan niya hanggang sa makalabas ito ng pinto ng dorm nila. Dumapo ang tingin ni Jae sa mga kaibigan niya ngunit agad ito na nagsipasok sa bawat silid. "I'm scared that she might hate me because of this"He whispered.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD