NAPABUNTONG hininga si Lexi nang sabihin ni Lincoln na hindi siya nito masusundo kaya naman pumunta na lang siya sa location kung saan sila dapat pupunta pero muli na naman itong tumawag at hindi matutuloy ang date nilang dalawa dahil may importante itong trabaho na kailangan nitong tapusin. Napasimangot siya at umupo sa bench na naroon malapit sa kaniya. Hindi niya alam kung maiinis ba siya kay Lincoln o ano. Ilang buwan pa lang sila at parang ayaw na nito sa kaniya sa ganitong ginagawa nito.
Napailing si Lexi. Nagtatampo na siya sa kasintahan niya. Wala na itong panahon sa kaniya at talagang mas inuuna nito ang trabaho nito kaysa sa kaniya. Iniintindi naman niya ito pero ito na ang pangatlong beses na hindi natuloy ang date nila dahil sa trabaho nito.
Napabuntong hininga siya. She crossed her arms over her chest. Nang may tumigil na rider sa harapan niya. Nagtanggal ito ng helmet at nagulat siya nang makita ang kaibigan ng Kuya Fix niya. Matagal na rin mula ng huli niya itong nakita at parang mas lalo pa itong gumuwapo.
“Lexi, sinong hinihintay mo?” Tanong ni Davin kay Lexi.
Umiling naman si Lexi. “Wala, Kuya.”
“Pauwi ka na ba?” Tanong ni Davin sa dalaga.
Tumango si Lexi. “Oo, Kuya.”
“Sabay ka na sa akin. Pupunta rin lang ako sa bahay niyo. I need to talk to Felix.” Sabi ni Lexi.
“Lexi, huwag ka ng mahiya. Halika na.”
Tumayo si Lexi. “Sige po, Kuya.”
Davin removed his jacket and gave it to Lexi. “Use it to cover your lower body.”
Ngumiti si Lexi. “Salamat, Kuya.” Aniya. Kinuha niya ang jacket na ibinigay ni Davin.
Patagilid siyang sumakay sa big bike at humawak sa balikat ni Davin. Magkalapit silang dalawa kaya naamoy ni Lexi kung gaano ito kabango. Napailing siya kaagad. Ano ba ‘tong mga pinag-iisip niya? May kasintahan na siya at parang pinagpapantasyahan pa niya ang ibang tao.
“Huwag ka diyan humawak.” Sabi ni Davin at kinuha ang dalawang kamay niya. Inilagay nito sa beywang nito ang kamay niya.
Natigilan si Lexi. Tatanggalin niya sana ang kamay niya na nakalagay sa harapan ng tiyan nito pero umandar na ang big bike ni Davin at kasalukuyan na itong tumatakbo. Napasubsob pa siya sa likuran ni Davin nang bigla na lang itong magpreno dahil may biglang tumawid sa kalsada. Mas lalo niyang naamoy ang mabango nitong amoy.
She closed her eyes.
Nang makarating sila sa mansyon, mabilis siyang bumaba ng big bike nito.
“Thank you, Kuya.” Aniya. Ibinalik niya ang jacket nito.
Tumango lang naman si Davin, kinuha ang jacket nito at bumaba na rin sa big bike nito. Nauna ng pumasok si Lexi sa loob ng mansyon at nakasalubong pa niya ang Kuya Felix niya. Kumunot ang nuo nito.
“Oh, akala ko ba may date kayo ni Lincoln?”
Umiling si Lexi. “He’s busy, Kuya.” Aniya.
Napailing si Felix. “Busy o ayaw niya lang talaga ang makipag-date sa ‘yo?”
Nagkibit ng balikat si Lexi. “Hindi ko po alam, Kuya.”
Felix sighed.
“Kuya, si Ate?”
“Nasa kwarto.”
Tumango si Lexi at umakyat sa ikalawang palapag. Pumunta siya sa kwarto ng Ate Relle niya.
DAVIN gave the folder to Felix. “Iyan na ang pinapagawa mo sa akin.”
Ngumisi si Felix. “Really? Ang bilis, ah.”
“Of course.”
“Okay. Fine. Dito ka na maglunch. Don’t tell me na babalik ka kaagad sa Maynila.” Sabi ni Felix.
Davin shooked his head. “Hindi naman. Actually, Director James gave me a one week vacation. And I was planning to find a lot to buy. I want to build my house here.”
Felix smiled teasingly. He shook his head. “Really? I will help you then.”
“Bakit parang kakaiba ang ngiti mo?” Sabi ni Davin habang nakakunot ang nuong nakatingin kay Felix.
“Kakaiba ba?”
Davin rolled his eyes. “Whatever you say.”
Felix chuckled and tapped Davin’s shoulder.
“Oo nga pala. Lexi looked upset and sad. I saw her at the park earlier. Kaya isinabay ko na siya pauwi.” Sabi ni Davin.
Felix sighed. “Hindi natuloy ang date nila ni Lincoln. Busy daw kaya ayun.”
Kumunot ang nuo ni Davin. “That kid picked his work over Lexi. Hindi na lang sana niya pinaasa ang dalaga kung ganun.”
Tumango si Felix. “Sana pero…” Ngumisi siya. “Pagkakataon mo na ‘to.”
“What chance?”
Malalim na napabuntong hininga si Felix. “Davin, I didn’t know that you are good in pretending. Huwag ka ng magpanggap na hindi mo gusto si Lexi dahil nakikita ko sa mga mata mo ang pagtingin mo kay Lexi. Don’t lie.”
Davin sighed. “Ano naman ngayon? She already had a boyfriend.”
“And so? Boyfriend pa lang naman. Hindi pa ‘yon asawa.” Sabi ni Felix. “May pag-asa ka pa.”
“Sinong may pag-asa?”
Sabay na napatingin si Davin at Felix sa nagsalita.
“Nothing.” Felix said and walked towards his wife. “Hi, sunshine.”
“You’re here.” Sabi ni Relle kay Davin.
Tumango naman si Davin.
“Uncle Davin!” Sigaw ni Finnegan nang makita ang Uncle Davin nito.
Davin chuckled. Binuhat niya si Finnegan nang makalapit ito sa kaniya. Buhat naman ni Felix si Finnley.
“Let’s go to the pavilion.” Aya ni Felix kay Davin.
Tumango si Davin at nauna ng lumabas.
“Sunshine, please bring us some refreshment.” Narining ni Davin na sabi ni Felix sa asawa nito bago siya makalabas ng pinto.
Davin went to the pavilion and played with Finnegan.
When lunch came, they had lunch together. Pero napansin ni Davin ang nakasimangot na mukha ni Lexi at parang wala itong ganang kumain.
“You looked upset.” Sabi niya sa dalaga.
Lexi looked at him. She sighed. “Kuya Davin, may tanong ako.”
“Ano ‘yon?” Tanong niya.
“Kuya, if you had a girlfriend and you promised her that you will date her and unexpected, there’s an important work. What will you choose? Your girlfriend or your work?” Seryosong tanong ni Lexi.
Ngumiti si Davin. “I will choose my girlfriend overy work.” Aniya.
“Why?” Tanong ni Lexi. “Why would you choose her over your work?”
“Because I love her.” Sagot ni Davin habang nakatingin ng deretso sa mata ni Lexi.
Natigilan si Lexi. Why is he looking at me like that?
Davin smiled and patted Lexi’s head like she was a baby. “Kumain ka na.”
Nagkatinginan si Relle at Felix sa nakikitang pag-uusap ng dalawa. Pareho silang napangiti.
“Sabi ko sa ‘yo.” Sabi ni Felix.
Ngumiti na lang si Relle saka napailing.
Lexi continued eating and so as Davin. Habang kumakain sila, Davin can’t help but to look at Lexi. Napailing siya sa sarili niya. Hindi niya akalain na mahuhulog ang loob niya sa isang babae na may mahal ng iba. Masyadong bata si Lexi para sa kaniya. He guess that Lexi is just twenty-five years old and he’s already thirty-two.
Davin sighed. Hindi niya alam kung hanggang kailan ang nararamdaman niya na ‘to para sa dalaga. It’s been three years since he last met Lexi but his feelings for her didn’t fade nor change.
Huminga siya ng malalim.
And because Davin didn’t have a house in Baguio, he stayed in Felix’s mansion. Doon siya mananatili sa one week vacation niya.
And as for Lexi, biglang may business trip si Lincoln kaya naman pumunta ito sa ibang bansa. Napabuntong hininga na lang ang dalaga at napailing. One week ang business trip ni Lincoln kaya naman parang wala siyang gana sa mga sumunod na araw. Pero nagulat siya ng isang araw ay pumunta sa café niya si Davin.
“You look like you are in the mood.” Sabi nito.
Lexi sighed. Dalawa lang sila sa loob ng kusina. She’s currently frosting a cake.
“Wala ‘to, Kuya.”
“Oo nga pala. Pinadala ng Ate mo na lunch mo.” Sabi ni Davin at inilapag ang paper bag sa counter.
Ngumiti si Lexi. “Salamat, Kuya.”
Tumango si Davin. “Can I stay here? Hindi ako manggugulo. I just wanted to talk with you.”
“Sure. No problem, Kuya.”
Davin smiled. “Thanks.”
Ngayon makakasama niya ang dalaga ng kahit ilang oras lang. Masaya kasi siya kapag nakakausap at kasama niya ito. Kuntento na siya doon.
“Kuya, matanong ko lang. Pero tungkol ‘to sa private life mo. Okay lang ba?”
“Sure.” Sabi ni Davin. “What will you ask?”
Lexi smiled. “Kuya, nakailang girlfriend ka na ba?”
Gusto niyang malaman. Hindi siya naniniwala na wala itong naging girlfriend. Sa gwapo naman nito. Sigurado siyang maraming babae ang nagkakagusto at nagkakandarapa rito.
Tumaas ang kilay ni Davin. He chuckled and shook his head. “Dalawa.”
“Oh. Bakit kayo nag-break?” Tanong ni Lexi.
Nagkibit ng balikat si Davin. “Maybe because they’re too clingy and too demanding.”
“Oh, my bad. I’m clingy and demanding.” Sabi ni Lexi.
“Define.” Sabi naman ni Davin.
“Well, clingy means to me is malambing.” Sabi niya. “And I’m demanding when it comes to time. Ayaw ko kasi ng taong laging nahuhuli.”
Napatango si Davin.
Kumuha si Lexi ng isang slice ng cake at kape. Inilapag niya ito sa harapan ni Davin. “Kain ka muna, Kuya.”
“Thanks.”
“So, Kuya, matanong ko lang, single ka ba ngayon?” Tanong ni Lexi. “Hindi ka pa ba mahal ng babaeng mahal mo?”
Umiling si Davin. “Mukhang hindi na mangyayari ‘yon, Lexi. Mukha naman kasing mahal niya ang boyfriend niya. So, I just decided to watch her from a far.”
“Hindi ka ba mapapagod, Kuya? Loving someone who’s in love with someone else is painful.”
Ngumiti si Davin. “I won’t get tired loving her. Yes, it’s painful to see her with someone else. But what can I do? Mahal ko siya at hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya kahit ilang taon na ang nakalipas.”
Lexi can feel the sincerity in Davin’s voice. Swerte ang babaeng mahal nito. She sighed. Sana ganun din si Lincoln sa kaniya pero mukhang hindi niya alam kung ano ang patutunguhan ng relasyon nilang dalawa ni Lincoln. Pero sana nga, maalala rin siya nito kapag tapos na ang business trip nito.
Lexi went to the cabinet. Mataas ang cabinet na kinaroroonan ng mga gamit kaya naman kinuha niya ang isang stool at tumuntong doon. Kinuha niya ang gamit na kukunin niya pero bigla na lang gumalaw ang stool na tinuntungan niya.
Mabilis na tumayo si Davin nang makitang matutumba ang kinatutungtungan ni Lexi. Sinalo niya ang dalaga bago pa man ito bumagsak sa sahig. Napayakap si Lexi kay Davin at naipikit niya ang kaniyang mata.
“Lexi.” Tawag ni Davin sa dalaga.
Nagmulat naman ng mata si Lexi at nakita niyang magkalapit ang mukha nilang dalawa ni Davin. Nakatitigan si Lexi at Davin.
“T-thanks.” Lexi said.
Ngumiti si Davin at maingat na ibinaba ang dalaga. “Be careful next time.”
Tumango si Lexi. Mabilis siyang tumalikod kay Davin at sinapo ang tapat ng kaniyang puso na masyadong mabilis ang t***k. Huminga siya ng malalim at kinalma ang kaniyang puso.
Napangiti na lang si Davin at bumalik sa kinauupuan. Tumingin siya kay Lexi na nakasapo sa tapat ng dibdib nito.
“Lexi, are you okay?” Tanong niya.
“I’m okay, Kuya.” Sagot ni Lexi. “Don’t mind me."
Tumango si Davin at nagpatuloy sa pagkain ng cake.
Matapos ang isang linggo, dumating si Lincoln mula sa business trip nito. He said sorry to Lexi then he ask for a date. Pumayag naman kaagad ang dalaga.
Napabuntong hininga na lang si Davin habang nakatingin kay Lexi na sumakay sa kotse ni Lincoln.
Felix tsk. “Sa isang linggo na nandito ka hindi ka man lang ba gumawa ng paraan para mapalapit siya sa ‘yo?”
Davin looked at Felix. “Anong gagawin ko?”
Napailing si Felix. “Ewan ko sa ‘yo, Davin. I know you’re smart but I don’t know. Nagiging bobo ka na ba dahil sa pagmamahal?”
Davin sighed. “She’s happy with him,” he said.
Napailing na lang ulit si Felix. “Hindi ko talaga alam sa ‘yo, Davin. Sige na, mauna na ako.”
Tumango si Davin. “Felix.”
Lumingon si Felix.
“I respect Lexi. Wala akong balak na agawin siya kay Lincoln. She loves him.”
Tumaas ang kilay ni Felix. “Hangga’t hindi sila kasal, may pag-asa ka.”
Davin just smiled.