“DAD, Mom, I have something to tell you.” Sabi ni Lexi sa mga magulang habang magkakaharap sila sa lunch. Nasa mansyon siya at binisita niya ang mga ito. Kahapon pa siya dumating, isinabay nga siya ni Davin na kaibigan ng Kuya Felix niya.
“Ano ‘yon?” Tanong ng kaniyang ama habang kumakain ito.
“May ipapakilala po ako.”
Nagkatinginan ang kaniyang mga magulang.
“Sino?” Tanong ng kaniyang ina. “At sino naman ang ipapakilala mo sa amin?”
Kumunot ang nuo ng kaniyang ama at Nagseryoso ang mukha nito. “Don’t tell me it’s your boyfriend.”
Kinagat ni Lexi ang pang-ibabang labi at tumango. “Y-yes, Dad.”
Napatigil sa pag-inom ng tubig ang kaniyang ama. Tinignan siya nito at napalunok naman siya dahil nakakakaba ang tingin ng kaniyang ama. “Yvette Lexi Ann Hernderson, bring that man here now.”
“Yes, Dad.”
“Russell, huwag mo namang takutin si Lexi. Kalma ka lang.” Sabi ng kaniyang ina.
Napabuga ng hangin ang kaniyang Daddy Russell. “Sweetheart, papaano ako kakalma kung malalaman ko na may boyfriend na ang bunso natin.” Sabi nito.
Napailing ang kaniyang Mommy Yvette at tumingin ito sa kaniya. “Call him and tell him to come here.”
Tumango siya. “Yes, Mom.”
Ngumiti ang kaniyang ina at hinaplos ang buhok niya.
Tumayo naman siya at lumabas ng kusina. Mabilis niyang tinawagan si Lincoln.
“Lexi.”
“Hi. Ahmm… pwede bang pumunta rito sa Maynila. My parents wanted to meet you.” Sabi niya sa kasintahan at sana naman pumayag ito.
“Okay. Pero baka bukas na ako makakarating diyan, Hon. May importante kasi akong ginagawa ngayon.” Sabi ni Lincoln.
“Sige.” Sabi niya. “I will tell my parents about this.”
“Sige, bukas darating ako diyan. Bye, Lexi. May gagawin pa ako.”
“Bye…”
The call ended.
Napabuntong hininga na lang si Lexi. Mukhang busy nga talaga si Lincoln. Napanguso siya. Mukhang mas inuuna pa nito ang trabaho nito kaysa sa kaniya. Ibinulsa niya ang cellphone at bumalik sa loob ng kusina.
“Mommy, Daddy, bukas daw po makakapunta si Lincoln. May importante po kasi siyang ginagawa ngayon.” Sabi niya.
Napailing ang kaniyang ama. “Okay. We will wait for him. Tatawagan ko rin ang tatlo mong Kuya para pumunta sila rito.”
“Dad…”
Seryoso siyang tinignan ng ama kaya naman hindi na niya natapos ang gusto niyang sabihin. Tumahimik siya.
“Lexi, I’m your father so I know what’s the best for you. Kailangan naming makilala ang Lincoln na ‘yan lalo na at hindi namin siya nakilala noong nililigawan ka pa lang niya.” Seryosong sabi ng kaniyang Daddy Russell.
“Yes, Dad. Naiintindihan ko po.”
“Pero, Lexi, anak, ang kasama mo kahapon. Ano na nga ulit pangalan no’n? Si Dawin ba?”
“It’s Davin, Mommy.” Sabi ni Lexi. “Bakit si Kuya Davin?”
“Ang gwapo niya, ah. And he’s a foreigner.”
Nagkibit siya ng balikat. “Gwapo nga siya, Mommy. And he’s already a Filipino citizen, Mommy. He converted to a Filipino.”
“Really?”
Kumunot ang nuo ni Lexi. “Pero bakit niyo po siya tinatanong?”
“Akala ko kasi boyfriend mo siya.” Sabi ng kaniyang ina.
Napanguso naman si Lexi. “Hindi ‘no, Mommy.”
Her mom chuckled and continued eating. Napailing naman ang kaniyang ama. Nagpatuloy sila sa pagkain at nang sumapit ang hapon, dumating ang mga kapatid niya. Sinabi ng kaniyang ama ang tungkol sa kaniya.
Seryoso ang mga itong tumingin sa kaniya.
“Lexi, we will meet him tomorrow.” Sabi ng Kuya RV niya. Ang pinakamasungit sa kanilang magkakapatid.
“Yes, Kuya.”
“Siguruhin mo lang.” Sabi naman ng Kuya RK niya.
“Yes, Kuya.”
“And I’m telling you Lexi, we will scare him. Let’s see if he really loves you.” Sabi naman ng Kuya RA niya.
Tumango siya. “Yes, Kuya.”
“Teka, paano ba kayo nagkakilala?” Tanong ng Kuya RA niya.
Ngumiti si Lexi. “We met at the café.”
Nagkatinginan ang mga kapatid niya. “Ano pa nga bang aasahan namin?”
LEXI is nervous while waiting for Lincoln. Kinakabahan siya kasi hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon ng kaniyang Daddy Russell. Over protective pa naman ang mga ito sa kaniya dahil siya ang bunso. Sana lang huwag pumunta dito ang mga kapatid niyang lalaki dahil kapag nagkataon ay delikado si Lincoln. Alam niyang sa bahay pa nila umuuwi ang Kuya RA niya at Kuya RK niya dahil isa pa lang naman ang may asawa sa triplets niyang kapatid at ‘yon ang Kuya RV niya.
Huminga ng malalim si Lexi at nakita ang kotse ni Lincoln na paparating. Ngumiti siya nang tumigil ang kotse nito sa harapan niya. Bumaba ang kasintahan sa kotse at lumapit ito sa kaniya.
“Hi.” Bati nito at hinalikan siya sa pisngi.
“Halika na. Kanina ka pa nila hinihintay.”
Tumango si Lincoln. “Okay. Let’s go.”
Magkahawak sila ng kamay na pumasok sa loob ng Henderson’s Mansion.
Pagpasok nilang dalawa sa loob ng living room, nakita ni Lincoln ang pamilya ni Lexi at talagang kinabahan siya. Ngayon niya lang makikilala ang ibang pamilya ni Lexi. Nakilala na niya ang panganay nitong kapatid.
“Si Lincoln po.” Pakilala sa kaniya ni Lexi sa pamilya nito.
Bahagya siyang yumukod. “Magandang hapon po.” Bati niya sa mga ito.
Tumango ang mga ito.
“Maupo ka, Lincoln.” Sabi sa kaniya ng ina ni Lexi. He just assumed that the woman is Lexi’s mother. Kamukha kasi ito ng dalaga. “I’m Yvette, by the way. Lexi’s mother.”
Tumango si Lincoln. “Kumusta po?”
“Maayos naman ako, hijo.”
“Lincoln, this is my Daddy Russell.” Iminuwestra ni Lexi ang kamay nito sa ama nito. “And this is my brothers.”
Napatingin siya sa mga kapatid na lalaki ni Lexi at magkakamukha ang mga ito.
“I’m RV. We’re triplet kaya huwag ka ng magtaka.”
“I’m RA.”
“And I am RK. Alam kong hindi mo rin lang kami makikilala kaya huwag mo ng isipin kung sino ang sino sa aming tatlo dahil malilito ka lang. Pero madali mo namang makikilala ang isa sa amin dahil may suot na siyang singsing.” Sabi ng isa sa mga ito at itinuro ang kapatid nila na may singsing na.
Tumango si Lincoln.
“I’m telling you, Lincoln.” Sabi ni Russell.
Napatingin naman si Lincoln sa ama ni Lexi. Ngayon lang kasi ito nagsalita.
“I don’t like you for my daughter.” Sabi ng ama ni Lexi.
Napalunok si Lincoln.
“Dad…” Lexi called her father.
Pero tinaasan lang siya ng kilay ng kaniyang ama kaya tumahimik siya.
“Lincoln, isa lang ang masasabi ko sa ‘yo.” Sabi ng Kuya RA niya. “Kapag sinaktan mo si Lexi, lagot ka sa amin lalo na kay Daddy.”
“Lexi is our baby girl kaya over protective kami sa kaniya.” Sabi ng Kuya RK niya habang ang Kuya RV naman niya ay tahimik lang na nakaupo sa mahabang sofa katabi ng mga ka-triplets nito.
Huminga ng malalim si Lexi saka napailing na lang sa mga kapatid niya. They spend the time talking with each other, pero halos pagbabanta lang naman ang ginawa ng mga kapatid at ama niya kay Lincoln. Napabuntong hininga siya at napapailing na lang. Walang tiwala ang mga kapatid niya kay Lincoln.
Mabuti pa ang Ate Relle niya noon, nang ipakilala nito si Felix ay kaagad itong tinanggap ng pamilya niya pero siya, ang dami pang pananakot at talagang tinawagan pa ang Kuya Felix niya para sabihin na bantayan siya.
“Felix, bantayan mo ng mabuti si Lexi.” Bilin ng Daddy Russell niya sa asawa ng Ate Relle niya. Naka-video call ang mga ito. Kasama rin ang Ate Relle niya.
“Don’t worry, Dad. Ako ng bahala kay Lexi. I already set up a curfew to her.” Sabi ng Kuya Felix niya.
Ngumisi ang Daddy Russell niya. “That’s good, Felix. You are really my son-in-law.”
“Madadagdagan na po.” Nakangising sabi ni Felix.
“I’m not ready yet.” Sabi ng Daddy Russell niya at sumulyap sa kaniya.
She pouted.
Felix chuckled. “Dad, I’m telling you, they wanted to get married.”
“Kuya, huwag mo naman akong ilaglag!” Malakas niyang sabi.
“Opps! Sorry, I forgot.”
Lexi crossed her arms. “Pumapapel ka lang kay Daddy eh.”
“Matagal na.” Sabi naman ng Kuya Felix niya.
Tumawa ang mga kapatid niya na nakarinig sa sinabi ng Kuya Felix niya.
Napailing si Lexi at tumayo. Umalis siya sa salas at nagtungo sa kusina. Kanina pa nakaalis si Lincoln.
“Mommy.” Niyakap niya ang kaniyang ina mula sa likuran.
“Oh, bakit?”
“Pinagkakaisahan po nila ako pati na si Kuya Felix nakikisali kina Daddy.” Sumbong ni Lexi kay Yvette habang nakayakap siya rito.
Yvette chuckled and patted her daughter’s head. “Parang hindi ka pa nasanay sa mga kapatid mo lalo na sa Daddy mo.”
Ngumuso lang si Lexi. “Mommy.”
“Hmm?”
“Sa akin ka naman panig di ‘ba?” Sabi ni Lexi.
Yvette smiled. “Depends on the situation.” Sabi niya. “But you should know your limit, Lexi. Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin.”
Tumango si Lexi. “Yes, Mom.”
Yvette sighed. “But, Lexi, my daughter, you should know what will you do if Lincoln ask for your virginity.”
Ngumiti si Lexi. “Yes, Mommy. I know. Don’t worry po.”
“That’s my daughter.”
“Mommy, thank you.”
“No problem.”
Niyakap ni Lexi ang ina. “I love you, Mommy.”
“I love you too, anak.”
One Month Later…
DAVIN sighed while he is at the rooftop of Crime Intelligence Organization. Nakalagay ang siko niya sa railing ng rooftop. Nakatingin siya sa ibaba at tinitignan ang mga tao at sasakyang dumadaan. Habang nakatingin siya sa ibaba, he felt freedom. Hindi katulad noong nasa US pa siya at kasama niya ang kaniyang ina, pakiramdam niya ay palagi siyang nasasakal. He has no freedom. Her mother keeps controlling his life. Ayaw naman niya ng ganun.
Davin closed his eyes until he felt someone’s presence. Hindi siya lumingon para tignan kung sino ang dumating. Hinintay na lang niya itong tumabi sa kaniya.
“Mukhang ang lalim naman yata ng iniisip mo.” Sabi ni Director James sa kaniya.
Davin sighed. “I’m just thinking about my mother, Sir.”
Katulad niya, ipinatong rin ni Director James ang siko nito sa railing. “How’s your stay here in CIO?” He asked.
Nagkibit ng balikat si Davin. “I’m good, Director.”
Tinapik ni Director James ang balikat ni Davin. “That’s good. Anyway, I have a mission for you and this is confidential.”
May ibinigay sa kaniya si Director James na envelope. “Nandiyan na nag lahat ng kailangan mo. If you need help, just call me. Don’t call the Arsenal Team.”
Tumango si Davin. “Yes, Director.”
Ngumiti si Director James at tinapik ang balikat ni Davin bago niya ito iniwan sa rooftop. Huminga naman ng malalim si Davin at tinignan ang envelope na ibinigay sa kaniya ni Director James. Hindi niya alam kung matatawa siya o mapapailing nang malaman kung ano ang misyon niya.
“Yeah. It’s indeed ang confidential mission.” Aniya habang napapailing na lang.
Umalis siya sa rooftop at bumaba sa building ng CIO. Nakasalubong niya ang Arsenal Team at tinanguan niya lang ang mga ito. Wala ang Team Leader nila at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Nagpatuloy siya sa paglalakad at lumabas ng CIO Headquarters. Pumunta siya sa parking lot at tinungo ang kinaroroonan ng kaniyang big bike. Isinuot niya ang kaniyang helmet at kaagad na sumakay sa kaniyang big bike.
Nagtungo siya sa location ng mission niya. Nang makarating siya sa harapan ng hotel, inilabas niya ang iPad niya at pinagana ang drone camera niya. Hindi na niya kailangan pang pumasok sa loob ng hotel para manmanan ang mission niya. Tumaas ang sulok ng labi ni Davin nang makita ang target niya.
“Congressman Villareal.” Aniya saka napailing nang makita niyang may kasama itong babae sa loob ng kwarto.
And they are having their moment.
Napailing siya. Hindi na siya magtataka kung sa kabila ng edad nito, may mga babae pa ring nahuhumaling rito. Kahit may edad na ang Congressman, may hitsura pa naman ito at mayaman. Yes, ito ang misyon niya ngayon. Kumuha siya ng ilang larawan at kinunan niya rin ng larawan ang pangalan ng hotel. Ipinadala niya ito kay Director James at ito na ang bahalang magpadala sa asawa ng congressman. Napapailing na lang siya. May mga tao talagang hindi nakukuntento sa mga asawa nila at naghahanap pa sila ng ibang putahe. He sighed and get his drone. Ibinalik niya ito sa loob ng kaniyang bag. Umalis na siya sa lugar na ‘yon at bumalik sa Crime Intelligence Organization.