[Me and Her]
Rin Daniel's POV
Six years, kamusta kana kaya? Ako ganun pa rin puro piano ang inaatupag ko at pagtuturo sa mga istudyante ko sa Music school.
Nalala ko pa nung bata pa tayo, lagi rin kita tinutugtugan ng piano at pyesang gustong gusto mo.
Una kitang na kilala nung pinakilala ka sa’kin ni Tito Marshall at tita Fiolee, una palang gandang ganda na ko sayo noon kahit malapad ang mukha mo at bungi ang ngipen mo sa harap, sobrang ganda ng madilaw mong buhok at mapula mong pisnge para kang hilaw na kamatis nung mga panahon na ‘yun.
Tapos nun araw-araw na tayong magkasama hindi na tayo mapaghiwalay, hanggang sa pumasok na tayo sa elementary magkaklase pa rin tayo nun, hindi mo ko iniiwan kasi nga sakitin ako.
Ako ‘yung batang unting laro at takbo lang hihikain at lalagnatin na pero ikaw kahit anong gawin mo malakas ang katawan mo, kaya sabi mo poprotektahan mo ko.
At ginawa mo nga, kahit ako ‘yung lalaki ikaw ang nagtatangol sa’kin, kahit matanda ako sayo ng isang taon inaalagaan ko pa rin ako parati.
Hindi lang iyon ang iniwan mong alaala sa’kin pati ‘yung mga nakakatawang pangyayari sa’tin noon.
Natatawa ako pag naaalala ko ‘yung noong umakyat ka sa taas ng desk na’tin at tinaas ang palda mo sabay sigaw ng " Ang cute ng panty ko!" hiyang hiya ako noon dahil ako ang nakakita ng malapitan sa panty mo.
Tapos pag nagugutom ka bigla-bigla mo na lang akong hihilahin at sisipsipin ang dugo ko na parang soft drinks, halos mahimatay ako noong una mong ginawa sa’kin ‘yun pero na sanay na ko, araw arawin mo ba naman.
Lagi tayong sabay pumasok at umuwi, angkas-angkas kita sa bisekleta ko tapos nun pupunta ka sa’min para doon gumawa ng assignment at mag re-request ka na tugtugin ko ang 'twinkle-twinkle little star' sa piano na talaga namang paborito mo.
Sobrang saya ko pag natutuwa ka sa pagtugtog ko ng piano, pakiramdam ko ako na ang pinakamagaling na pianista sa buong mundo pagpumapalakpak kana sa tuwa.
Tapos uutuin mo pa kong gawin at tapusin ang mga assignment at project mo kasi sabi mo nerd ako at geek purkit malabo ang mata ko at subsob sa pag-aaral pero ayos lang masaya naman akong matulungan ka.
Tapos natatandaan mo pa noon nung grade six tayo? Hindi ko alam bakit ang taray-taray mo noon sa’kin at nung uwian na sabi mo sa’kin nagdudugo ka, nataranta ako noon at hindi alam ang gagawin namadali tayong tumakas sa school nun kasi first menstruation mo pala at masaya ako kasi sa lahat ng first mo ako ang kasama mo.
Hanggang sa naging high school tayo, kung saan mas lumawak ang mundo mo at mas lumiit ang parte ko para sayo. Nakakilala ka nang madaming tao at syempre nagkaroon ka ng crush at siya na lang ang bukang bibig mo, nakakairita kaya ‘yun purkit magaling lang siya sa sports ay gustong gusto mo na siya na inis ako sayo nun at doon una tayong nag away.
Pero mabilis ding na wala iyon dahil sa nagkaroon nang girlfriend ‘yung crush mo at simula nun sinumpa mo na siya at na tuon naman ang atensyon mo sa pagbabago na nagaganap sa sarili mo.
Nagiging hayok ka sa dugo, sabi nila noon normal lang daw iyon sayo dahil ikaw ang pinakamalakas na bampira sa panahon na’tin ngayon, ang galing no ikaw ang pinakamalakas at ako ang pinakamahina.
Ikaw pagtungtong mo ng fourteen years old ganap na bampira kana pero ako hanggang ngayon wala pa ding na labas na sign nang pagiging bampira ko.
Ampon ata ako ng nanay at tatay ko eh, minsan nga na iingit ako sayo kasi napakalakas mo at kinatatakutan ka ng lahat ng bampira sa’tin.
Samantalang ako hindi pinapansin kasi isa lang daw akong mahinang klase ng bampira. Anong magagawa ko ‘di ba? Mahina talaga ako at miske ngayon hindi pa ko nakakainum ng dugo pero hindi ko naman na iniisip ‘yun.
Iniisip ko ngayon kung na aalala mo pa ba ako, pano kasi simula nang umalis ka hindi ka man lang sumulat o nagreply sa mga message ko. Masyado bang mahigpit d’yan? O talagang busy ka lang sa pagkontrol ng kapangyarihan mo kaya hindi mo man lang ako mareplyan?
Hayaan mo hindi naman kita nakakalimutan eh, ang importante pabalik kana.
Naalala mo pa kaya ‘yung pangako mo sa’kin noon? ‘yung sabi mo pag naging bampira ako ikaw ang unang kakagatin ko at ang dugo mo ang unang iinumin ko.
Sobrang down ako nun kasi ikaw ganap na bampira na tapos ako miske isang sign walang na labas sa’kin, humarap ka sa’kin nun at inilapat ang palad mo sa palad ko.
Sabi mo magkahawak ang mga kamay na’tin at ang kamay ko ang poprotekta sayo balang araw.
Na ‘yung kamay na ‘yun ang mahahawkan mo pagkailangan mo ng tulong at masasandalan.
Sobrang saya ko nun kasi kahit mahina ako ‘yung pinakamalakas naman ang umaasa sa’kin.
Iniisip ko na lang na kung wala ka siguro wala na rin silbi ang boring kong buhay ngayon, napakaboring.
Katulad ng mga panahon dumaan, ang tanging ginagawa ko lang ay ang paghihintay sa pagbalik mo at pagtugtog ng piano para sayo.
At ngayon salamat naman at dumating na ang araw na pinakahinihintay ko.
*tok tok*
"Sir Daniel sabi po ni Ma’am kung handa na daw po kayo para sa welcome party mamaya?" Tumango ako at ngumiti sa kaniya.
"Paki sabi nakahanda na " inayos ko ang necktie ko at suit, isinuot ang salamain ko at humarap sa salamin.
"Marfie Fionna, ako nga pala ang kababata mo si Rin Daniel."
TO BE CONTINUED