2 years ago...
Patay-sindi ang ilaw na nagmumula sa lightings ng bar kung nasaan si Natalie nang gabing ‘yon kasama ang iba niyang mga kaibigan na kapwa mga modelo rin. Nasa isa sa pinakasikat na nightclub sila sa Paris, France ng mga oras na ‘yon, sa L’Arc. Nagpapakasaya lang sila dahil tapos na ang collaboration fashion show na pinuntahan nila doon at idagdag pa na bukas ng hapon ay ang flight niya pabalik sa Pilipinas at flight ng iba papunta sa mga bansa nito. Hindi lang mga pinay na modelo ang kasama niya, may kasama rin siya na iba’t-ibang lahi... may latina, american, italian at iba pang asian katulad niya.
Naka-VIP sila doon dahil sagot na ng Ford Models, Paris agency ang access nila para makapasok sa sikat na nightclub na ‘yon.
"Let's have a toss again," Karina, her Italian model friend, suggests. At the moment, they're all sober. Sino ba naman kasi ang hindi malalasing kung halos magda-dalawang oras na sila doon na walang tigil sa pag-inom ng alak. May iba na nasa dance floor lang at sumasayaw, may ibang kumukuha ng selfie, may nagli-live at may iba rin na puro inom lang ang ginagawa.
”Oh my god! Let’s play spin the battle with a dare. Just a dare for fun.” The Latina model suggested.
Lihim na lang na napatawa si Natalie nang mahina at napailing-iling pa dahil doon... para kasi sa kaniya ay ang boring no’n. Ngunit, dahil karamihan sa mga modelo na naiwan sa lamesa kung nasaan siya ay pumayag sa alok ni Julia kaya naman wala na rin siyang nagawa kung hindi ang sumang-ayon din. “All in guys, okay? It’s forbidden to back out because once you back out, you will have bad luck in your career.”
She furrowed because of that. Almost a year and a half pa lang kasi siya sa industry that time kaya medyo sineryoso niya ang sinabi ni Julia. Of course, naniniwala talaga siya sa badluck and karma at ayaw naman niyang madamay ang magandang takbo ng careeer niya bilang modelo dahil lang sa isang stupid dare.
“Oh come on Julia, that’s too much.” Savanna countered, she’s the Italian model by the way. Katulad niya ay alam niyang nagsisimula pa rin si Savanna sa career nito kaya naiintindihan niya kung bakit umangal ang modelo sa sinabi ni Julia.
"Don't be such a downer, Sav. Actually, that adds to the excitement of the game," Julia responded.
Wala na ngang sumubok na umangal at tumanggi pa sa laro kaya naman makalipas lang ang halos ilang m,inuto ay inumpisahan na nga ni Julia ang pagpapa-ikot ng bote. Tatlong sunod-sunod na hindi siya napili at nag papasalamat naman si Natalie doon.
For her, the dare is too much to bear. Savanna’s dare was to dance like a stripper in the dance floor. When Savanna’s bottle pointed at Ashley, the Irish model... she dared her to drink a straight beer. They dared Julia to remove her bra and throw it to the crowd at the dance floor when the last spin pointed at her. AND WHAT THE HECK, SHE REALLY DID IT FOR REAL!
‘Yun ang unang beses na makasama siya sa mga iba’t-ibang modelo internationally kaya naman hindi niya talaga nakayanan ang mga trip nito.
“Okay. My turn!” Medyo excited pa na wika ni Julia sabay kuha sa bote ng alak na wala ng laman. Para bang wala lang kay Julia ang ginawa nitong dare kanina, pero ano pa nga ba ang aasahan niya... hindi naman halata na wala na itong suot na bra dahil sa duot nitong black tank top.
Walang salita na ipina-ikot na nga ni Julia ang bote sa lamesa. Ramdam na ramdam ni Natalie ang kaba sa kaniyang dibdib habang nakatitig siya sa bote na umiikot pa rin. Kinakabahan siya dahil si Julia ang may magde-dare kung sakaling mapatapat man sa kaniya ang bote. Knowing Julia, alam niyang wild ‘yon at baka hindi niya kayanin.
Halos tinawag niya na ang lahat ng santo na pwede niyang tawagin ng mga sandaling ‘yun lalo na nang makita niya na unti-unti nang bumabagal ang pag-ikot ng bote hanggang sa hindi na nga nag tagal ay huminto na ‘yun... Oh no! I’m doomed!
Pakiramdam ni Natalie ay natuyuan na siya ng dugo sa buong katawan niya nang tumutok nga sa kaniya ang tip ng bote na ‘yun.
“Oh s**t!” Julia exclaimed. “It’s your turn Natalie.”
Nagwala na sa saya ang mga kaibigan niya dahil doon, habang siya naman ay hindi na maipinta ang kaniyang mukha dahil sa mga nangyayari. Pinilit niya ang kaniyang sarili na makabawi mula sa kaniyang pagluluksa para naman hindi malaman ng kaniyang mga kaibigan na natatakot siya.
“O-okay. Julia, what's your dare? " she inquired, unconcerned, despite the fact that she was.
Nakita niya na nag-isip muna si Julia at dumagdag na naman sa kaba na nararamdaman niya nang makita niya ang modelo na lumingon-lingon sa paligid. She tried to remain calm kahit ang totoo at pinagpapawisan na talaga ang kaniyang dalawang kama ng mga sandaling ‘yun.
Binatuhan na siya nang tingin ni Julia. She could see the smirking on her lips, which made her even more nervous, "Ohhkey!" she exclaimed. “Do you notice the gentleman at the front table? That attractive and hot guy in the black polo."
Tumingin siya sa tinutukoy na direksyon ni Julia, hindi lang siya ang tumingin kung hindi ang iba rin niyang mga kasamahan. Halos tatlong table ang layo nila sa table na tinutukoy ni Julia. And there he is! The man was dressed in a black button-down short sleeved polo and the first three buttons were opened, exposing his chest a bit.
‘Hmm. He’s hot.’ biglang saad ng malikot niyang isip.
“I dare you to kiss him and slap him afterwards.” at ang mga katagang ‘yun ang nag pabingi kay Natalie. Mabilis pa sa isang kisap-mata ang ginawa niyang pagbato nang tingin kay Julia.
“What?! Are you damn serious?!” she said, her face flushed with surprise.
“That’s too much Julia.” Savanna defend her.
Kung may ipinagtanggol siya, meron din naman na kumampi kay Julia. Like Ashley and Viviana, "It's all right. It's quite acceptable to hang out with a complete stranger in a club like this."
“Yeah. And it look’s like he doesn’t have a girl with him, I only see men at his table. So, go ahead, girl. Simply kiss and slap him and then dash over here." pagpupumilit pa sa kaniya ni Julia.
Napaisip pa siya ng ilang minuto kung gagawin niya ba talaga o hindi. Nagdadalawang isip talaga siya. Kung hindi niya gagawin, siya lang ang hindi gumawa ng dare at magmumukha naman siyang killjoy, add to that, the bet was her career. At katulad nga nang sinabi niya kanina, ayaw niyang ma-jinx ‘yun.
Fine! She quickly rose from her seat, making her friends even happier and more eager. They are now clapping and cheering for her.
“Go Natalie.”
“You can do it Natalie.”
“Just kiss him and slap him, okay? Don’t enjoy too much.”
Nagpapakasaya ang mga kaibigan niya habang siya naman ay halos ang bibigat na ng mga hakbang niya habang naglalakad na siya papunta sa table na ‘yun. Sadya talaga na binabagalan niya ang ginagawa niyang paglalakad, iniisip niya pa kasi kung ano ang gagawin niya. But s**t! Mukhang na-mental block na siya ng mga sandaling ‘yun dahil wala na siyang maisip na matino. Pero-- bahala na nga! Naisip niya na mag-enjoy na lang dahil tutal, hindi naman siya kilala noong lalaki at idagdag pa na babalik na rin naman siya sa Pilipinas kinabukasan kaya alam niyang hindi niya na ‘yun makikita pa.
Nang makarating na siya sa table na ‘yun, pabagsak siyang naupo sa couch sa mismong tabi noong lalaking gwapo na naka-itim na polo. Nakita niya na napalaki ang mata no’ng lalaki at napatigil din ito sa pag-inom ng alak sa hawak-hawak na shot glass dahil sa biglang pag-sulpot niya, maging ‘yung tatlong mga kasamahan niya sa lamesa ay naramdaman niyang napatigil din at nakatingin sa kaniya.
"Hey honey," she said, full of seduction. That moment ay unti-unti nang nawawala ang kaba na nararamdaman niya.
“H-hey.”He answered still looking directly at her. Nakaramdam siya ng pagka-concious sa itsura niya ng mga sandaling ‘yun, hindi niya kasi alam kung fresh pa ba siya. Hays. Bakit ba kasi hindi siya nag-retouch muna bago humarap sa gwapong lalaki na ‘to?
“Woah. She’s hot.”rinig niya bigla na saad noong ibang lalaki na kasamahan din noong gwapong lalaki. Because of that, nakaramdam siya ng konting lakas ng loob at confident para titigan din pabalik ang binata. He has this natural dark brown eyes, thick eye brows, pointed nose, aristocratic jaw line, and hell-- he smells so f*****g good. It’s Jo Malone London... alam niya ‘yun dahil ganon ang pabango ng isa sa kaibigan niyang lalaki sa Pilipinas na si Pierce.
“Do you need anything else Miss?” He asked while still looking straight at her. I know! Nagagandahan siya sa akin.
“Yeah.” She inquired.
“Then what is it?”
Tumitig muna ulit si Natalie sa mga mata ng binata na mukhang wala pa ring ideya kung anong ginagawa niya doon. She smiled, “I need a kiss, so please lend me one.” Hindi niya na hinintay pa ang sasabihin ng lalaki sa kaniya. She already grab his colar and kiss him.
Napapikit na lang siya nang mariin pero ramdam niya ang pagkabigla ng binata dahil medyo nakabuka ng konti ang labi nu’ng lalaki. His lips was so soft on her lips. Damn!
Lalayo na sana para sampalin na ang binata katulad nga ng dare sa kaniya pero bago pa man siya makalayo ay naramdaman niya na ang paghalik pabalik ng lalaki. This time ay siya naman ang nakaramdam ng bigla. Gumalaw ang labi ng binata sa labi niya, it was so soft not until she felt his tongue touches the lower part of her lips. s**t! He’s a damn good kisser!
Maya-maya pa ay naramdaman niya na ang mainit na kamay nung lalaki na dumapo sa likod ng kaniyang leeg na lalong nag papainit sa buong katawan niya, at bago pa man siya tuluyang madala sa masarap na halik ng lalaki... lumayo na siya dito at wala pang isang segundo ay sinampal niya na ito. Hindi niya na-kontrol ang kamay niya kaya alam niya na malakas talaga ang sampal na ‘yun lalo na at rinig na rinig niya ang tunog no’n.
Nakita niya ang pagbaling ng mukha ng lalaki sa may gilid kung saan ay narinig din niya ang pagkabigla nu’ng mga kasamahan nito na nasa couch pa rin. Hindi niya na nga hinintay pa ang magiging reaksyon no’ng lalaking hinalikan niya dahil agad na siyang tumayo sa pinagkakaupuan niya. Imbes na dumiretso siya sa may table nila ay doon siya dumaan sa may dance floor para hindi siya makita noong lalaki. s**t Natalie, you’re such a crazy girl!
AT NANG maalala nga ni Natalie ang mga nangyari two years ago, kusa niyang nahigit ang kaniyang sariling hininga at wala sa sarili na inangat niya ang hawak niyang sequins gold purse upang ipangtabon sa kaniyang mukha. HELL NO! IT’S REALLY HIM!