AWTOMATIKONG NARAMDAMAN ni Natalie ang pasimpleng pagsundot ng kaniyang manager na si Brandy sa kaniyang tagiliran habang dahan-dahan na silang naglalakad papalapit sa table kung nasaan nakaupo ang kanilang boss at ang lalaking ‘yon. Siguro ay napansin ni Brandy ang kakaibang ikinikilos niya ngayon katulad na lang nang pagtabon niya sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang mamahalin at limited edition na bag.
“Ano bang ginagawa mo? Tanggalin mo nga ‘yang bag mo sa mukha mo,” pabulong na utos sa kaniya ni Brandy kung saan ay halos hindi man lang bumuka ang bibig nito sa pagsasalita.
“Tss. Maglakad ka lang at huwag mo na kong pansinin,” bulong niya rin pabalik dito.
Mariin na lang na napapikit si Natalie sa likod nang pagtatago niya sa hawak niyang bag. Hindi niya alam kung bakit ganon na lang siya mag-react ng sobra samantalang hindi pa naman siya sigurado kung ang lalaking ‘yon ba talaga si Mr. Elvua. Hindi ba at parang ang o.a naman yata?
‘Baka mas lalo lang makahalata ang lalaking ‘yon kung sakaling ganito ang ipapakita ko sa kaniya.’ hindi niya maiwasan na sambitin ang mga kataga na ‘yon sa kaniyang isipan. ‘At saka, as if naman na makikilala niya pa ako? It’s been two years already, Natalie... for sure, hindi ka na niya matatandaan kung sakali man na siya talaga si Mr. Elvua. So relax! Act natural.’ dagdag niya pa. Obviously, pinapalakas niya lang ang loob niya ng mga sandaling ‘yon.
Bumuga muna nang malakas na paghinga si Natalie hanggang sa magpasya na nga siya na unti-unti nang tanggalin ang pagkakatakip ng kaniyang sling bag sa kaniyang mukha. Sakto naman na tuluyan na rin silang nakalapit sa table na ‘yun kung saan ay unang tumayo ang boss niya na si Mr. Guillermo kasunod ng lalaking ‘yon. Sa pinagkakatayuan pa lang ni Natalie ay nakita niya na agad ang mga tingin na ibinabato sa kaniya ng gwapong lalaking ‘yon. Pakiramdam niya ay natutunaw siya sa paraan nang pagtitig ng binata sa kaniya. She instictively swallowed every water inside of her mouth. That charcoal eyes of him gave butterflies on her stomach in every way possible. Dahil pakiramdam niya ay hindi niya na kaya pang lumaban sa mga titig na ‘yon kaya naman siya na mismo ang unang umiwas nang tingin sa binata. Buti na lang talaga at nagsalita na rin si Mr. Guillermo kaya nagkaroon siya nang magandang pagkakataon para umiwas na sa lalaking ‘yon.
“Long time no see, Natalie! Nasa iisang kompanya lang tayo pero hindi kita laging nakikita. You look very gorgeous!” Agad na bati sa kaniya ng kaniyang boss kung saan ay halata nga sa mga mata nito ang pagkahumaling sa kaniyang ganda. Medyo sanay na siya sa part na ‘yon.
Ngumiti na lang siya sa matandang lalaki. Ayaw naman niyang magmukhang mayabang kung sakali man na sabihin niya pa dito na madalas niya nang naririnig ang mga ganong compliment.
“Anyways, I’d like you to meet Mr. Elvua... the son of the most famous fashion designer in Italy.” Nakangiti at may pagmamayabang pa na saad ni Mr. Guillermo nang ipakilala nga nito ang lalaki.
Lihim na umigting ang panga ni Natalie dahil kumpirmado niya na nga na ang binata na nasa harapan niya ay ang pinakasikat na fashion producer ngayon. Napamura na lang siya sa isipan niya. Bakit ba kasi sa dami nang hahalikan at sasampalin niya ay ang lalaking magiging big boss niya pa?
Paano na lang ang plano niya na gamitin ang lalaki para lang mapabilang siya sa matagal niya nang pinapangarap na fashion show.
‘Pero ‘wag kang panghinaan ng loob, Natalie. Mukhang hindi ka naman niya natatandaan eh. Look? Hindi pa siya nagre-react, ‘di ba? That’s a good start.’ muling pagpapalakas na naman ng loob niya. Dahil doon kaya naman makalipas ang halos ilang segundo ay isang malawak na ngiti ang agad niyang ibinato sa gwapong lalaki nang tuluyan niya na itong harapin, face to face. Kasabay nang pagharap niya rito at pag ngiti, she aslo extended her right hand.
“It’s nice to meet you, Mr. Elvua, I’m Natalie Curtis. One of the model from GLOW Entertainment,” simpleng pagpapakilala niya sa binata. Sa sobrang pilit ng kaniyang ngiti ng mga sandaling ‘yon kaya naman halos naramdaman niya ang pangingilig nang magkabila niyang pisngi. Sa takot na mahalata ‘yon nang lalaking nasa harapan niya kaya naman awtomatikong binawi niya ang kaniyang ngiti.
Sakto naman na tinanggap na nang lalaking ‘yon ang kaniyang kamay at nagshake-hands silang dalawa. Natalie immediately felt the soft palm of the young man, it was a bit cold. Maybe because of the full air-conditioned of the whole room.
Hindi rin nakatakas sa kaniyang paningin ang pagtitig na naman ng lalaking ‘yon sa kaniya. Dahil sa takot na mamukhaan siya ng lalaking ‘yon kaya naman siya na naman ang unang bumitaw sa kamay nito.
Buti na lang at nag-insist na rin ang boss niya na umupo na silang lahat kaya ‘yon nga ang ginawa niya. Katabi niya ngayon si Mr. Guillermo habang nasa kabilang gilid niya si Brandy. Halos magkatapat silang dalawa ni Mr. Elvua kaya ginawa na naman ni Natalie ang lahat para hindi niya matitigan pabalik ang binata.
‘Hooh! Makaka-survive ka naman siguro ng ilang oras nang hindi ka niya nakikilala, ‘di ba? At saka, hindi ka pa rin naman talaga sigurado kung namumukhaan ka niya kaya kumalma ka lang self.’ wika na naman niya sa sarili niya.
“You’re being humble again, Natalie,” agad na wika ni Mr. Guillermo sa kaniya bago nito binatuhan nang tingin si Mr. Elvua. “Not just ONE of my model, but the BEST among the rest, Mr. Elvua. That’s why, I personally introduce her to you.” May pagmamalaki na wika na naman ng boss niya.
“Sabi ko na nga ba at ilalakad ka ni Mr. Guillermo kay Mr. Elvua. Ito na ‘yon, girl... magpakitang gilas ka na sa kaniya at baka isa ka sa mapili para rumampa sa fashion show,” pasimpleng bulong sa kaniya ni Brandy.
Oo nga pala. Halos nakalimutan ko na siya nga pala ang susi ko para makapasok ako sa Elthora Elvua Fashion Show.
Nang batuhan ulit ni Natalie nang tingin si Mr. Elvua ay nakatingin pa rin ito sa kaniya habang may hawak ito na shotglass. Magsasalita na sana siya pero naunahan na siya na magsalita ng binata. “Have we met before?”
Halos tumakas ang kaluluwa ni Natalie sa tanong na ‘yon ng gwapong lalaki, hindi lang ‘yun basta tanong lang na lumabas sa bibig, mahahalata kasi ang pagkaseryoso sa tono nang pananalita nito na naging dahilan din kung bakit siya medyo natigilan at hindi agad nakapagsalita.
Napansin pa ni Natalie ang mabilis na pagbato nang tingin sa kaniya ni Brandy at ng boss niya na si Mr. Guillermo, siguro ay nagtataka na ang mga ito sa tanong na ‘yon.
‘Hindi ka pwedeng mahuli, Natalie. Kapag nahuli ka niya na ikaw ang humalik sa kaniya at sumampal sa kaniya sa Paris, siguradong mag go-goodbye ka na sa fashion show na ‘yun.’
Natalie laughed drastically, “Have we met before? No. I don’t think so, I doubt it.” At tumawa na naman siya pero ramdam na ‘yung medyo pangingilig ng boses niya kaya naman agad niyang inabot ang isang baso na may lamang wine at ininom ‘yon.
“Really? I thought that I met you in Paris before.”
At muntikan na ngang maibuga ni Natalie ang laman na wine ng kaniyang bibig, buti na lang at mabilis niyang naitabon ang kaniyang kanang kamay doon kaya hindi ‘yon lumabas... dahil kung nagkataon, maibubuga niya ‘yon sa mismong mukha ng binata.
She gulped badly before she immediately stood up, “Excuse me. I think I have to go the bathroom.” At hindi niya na nga hinintay pa ang sasabihin ng mga ito dahil nagmadali na siyang lumabas ng silid na ‘yon.
‘Oh no! CONFIRMED! Natatandaan niya nga ako!’
HINDI MAIWASAN ni Natalie na magpalakad-lakad nang pabalik-balik sa loob ng banyo ng hotel kung nasaan siya. Malinaw na malinaw na natatandaan nga siya ng lalaking ‘yon. Gusto sana na kagatin ni Natalie ang kaniyang mga kuko sa kamay ng mga sandaling ‘yon dahil sa sobrang frustrations na nararamdaman niya, kaya lang naalala niya na bagong nails nga pala siya kaya pinigilan na lang niya ang sarili niya. Ayaw naman niyang masira ang kaniyang magagandang kuko.
Pinakalma niya lang ang sarili niya sa loob ng halos ilang minuto hanggang sa nagpasya na nga siya na lumabas na ng cubicle. Hindi naman kasi siya pwedeng magtagal doon dahil kailangan na rin niyang bumalik.
‘Bahala na kung nakilala niya ba talaga ako. Bahala na talaga!’ wika niya sa isipan niya at saka tuluyan na siyang lumabas.
Paglabas niya ay awtomatiko siyang natigilan at medyo napalaki pa ang pagkakabilog ng kaniyang mga mata nang biglang sumalubong sa kaniyang paningin ang binatang ‘yon na walang iba kung hindi si Mr. Elvua. Sunod-sunod na paglunok ng laway ang pinakawalan ni Natalie lalo na nang magsalubong na naman ang kanilang mga mata.
Nakaramdam ng kaba si Natalie... pakiramdam niya ay gagantihan siya ng binata kaya siya sinundan nito sa banyo. Hindi niya alam kung hihingi na ba siya agad ng paumanhin sa ginawa niya 2 years ago, pero bago pa man siya makapag-desisyon ay nakita niya na ang pag-angat ng gilid ng labi nito at saka nagsalita.
“I’m sorry. It looks like I made a mistake about meeting you in Paris before.”
‘H-huh? Teka? Binabawi niya ba na natatandaan niya ako noon?’ Hindi makapaniwalang saad ni Natalie sa isipan niya.
“Anyways, since it seems that we are going to see each other more often for this coming months... I can only say one thing, and that’s, GOODLUCK!” at bago pa tuluyang tumalikod sa kaniya si Mr. Elvua ay natanaw pa niya ang muli na naman na pag-angat ng gilid ng labi nito.
Paranoid lang ba siya, o talagang may laman ang bawat salitang binitawan sa kaniya ng binata? Natatandaan ba talaga siya nito o hindi? Ang gulo!